Chapter Four

2235 Words
Umalis na kami ng hospital at nagpunta sa bistro nila. Nagulat pa sila Ram na kasama ako ni Miguel. Nasa may b****a lang sila malapit sa entrance kaya nakita nila agad kami. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ronie nang makalapit kami sa table nila. Si Ronie at Ramram lang ang nandon. "Ay, bakit ayaw niyo ba na nandito ako? Sige, alis na lang ako!" pagbibiro ko at umambang aalis na lang. "Hoy, hindi ka naman pinapaalis eh. Pinayagan ka na ulit ni tita?" si Ronie at hinigit ako pabalik. "Yup." sabi ko at umupo. "Naalala niyo yung matanda kahapon? Yung naghahanap kay Tori." sabi ni Miguel. "Yung sugar daddy niya?" tanong ni Ronie sa mapangasar na tono. Binatukan ko siya at sinamaan ng tingin. Nagtawanan naman silang dalawa ni Miguel kaya inambahan ko sila na sasapakin. Habang si Ramram parang may seryosong iniisip. "Tori!" rinig kong tawag sakin ni Heaven. Nakaharap ako sa may pinto sa entrance kaya agad ko siyang nakita. Mabilis siya lumapit sakin at niyakap agad ako. "Ohmyghad! Totoo nga nandito!" kumalas siya sa pagkakayap sakin at nagpatuloy sa mga sasabihin niya. "Nagpunta ako sa inyo kasi di ba pupunta din si mama dun kaya sumama ako. Tapos sabi ni tita, you're here daw and it's true. Ohmyghad, I'm so happy!" napapapalapak at medyo napapatalon pang sabi ni Heaven. "Heaven, kalma." sabi ko at hinawakan siya sa balikat. "I'm just happy, you know?" sabi niya at niyakap akong muli napangiti na lang ako sa ginawa niya. Kumalma naman agad siya at naupo din sa tabi ko. "Ano nang kwento dun sa 'sugar daddy' ni Tori?" si Ronie kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Sugar daddy? Yuck! Sino yon? Seriously, Tori?" nandidiring tanong ni Heaven. "Naniwala ka naman jan? Hindi ko sugar daddy yun, mga bwiset!" inis na sabi ko at inirapan sila Ronie. "Kaibigan ni tatay, naabutan namin ni Miguel kanina sa hospital." paliwanag ko. "Parang kilala ko yung matanda." napatingin kaming lahat kay Ram na seryosong seryoso ngayon. "Huh?" si Miguel. "Heaven, kilala mo yung mga Sy?" napabaling naman kami ngayon kay Heaven na mukhang napapaisip dahil sa tanong ni Ram. "Oo naman. Sino bang di nakakakilala sa kanila?" napaismid kaming tatlo nila Miguel at Ronie. "Kaming tatlo, hindi namin kilala yung Sy na sinasabi niyo." sabi ni Ronie. "Kaya nga, sino ba yun?" kyuryosong tanong ko. "Yung mga Sy may ari sila ng isang pharmaceutical company. Developer sila ng maraming gamot sa buong mundo." sabi ni Heaven. "Marami pa silang ibang business bukod sa pharmaceutical, pero yun yung main business nila." si Ram. "Edi, mayaman sila?" tanong ni Miguel. "Malamang, sila ang may ari ng nangungunang pharmaceutical company sa buong mundo." sabi ni Heaven, napakunot naman yung noo ko. Anong connect naman nung mga Sy dun sa matanda? Kung Sy nga siya at mayaman, bakit kaya niya ako hinahanap? Kung kaibigan siya ni tatay, bakit hindi siya sa hospital dumiretso kahapon? "Anong connect nun sa matanda?" kunot noong tanong ko. Actually, hindi naman talaga siya totally mukha matanda na uugod-ugod na. Matikas pa rin naman ang katawan niya at halata mong gwapo ito noong kabataan niya. Siguro mga ilang taon lang ang agwat nila ni tatay. "Parang siya kasi si mr. Sy. Yung may ari nung pharmaceutical company." sabi ni Ram. Kaya nanlaki ang mata ko. "Kung siya nga yun, anong kailangan niya kay tatay?" tanong ko, nagkibit balikat lang si Ram. Yun ang pinag-usapan namin ng isang buong oras bago kami tumugtog. Sabi pa ni Heaven baka daw ipagkakasundo ako sa nagiisang anak na lalaki ng mga Sy. Imposible naman yun kasi hindi kami mayaman. "Baliw ka ba? Hindi kami mayaman, duh." sabi ko kay Heaven. Baka kukunin niya si tatay sa company nila? Pero di ba yung pharmaceutical company nagawa ng gamot? Tanga, Victoria! Malamang gamot yung ginagawa nila. Pero hindi naman chemist si tatay, surgeon si tatay. Pwede ba yun? Kahit hindi paggawa ng gamot yung pinag-aralan mo or yung master mo basta doctor ka, pwede ka gumawa ng gamot? Ah, ewan! Baka kaibigan lang talaga siya ni tatay. Nagsimula kaming tumugtog at ako lang ang pinakanta nila nang pinakanta. Isang linggo daw kasi akong wala. Okay lang naman yun sakin. Nagbreak kami sa pagkanta at yun pa rin ang pinaguusapan namin. Pero nalihis din naman yun, pero ako pa rin yung topic nila. "Bakit di ka na lang pumayag? Ayaw mo nun magkakasama pa rin tayo?" tanong sakin ni Ronie. Nabanggit ko kasi sa kanila na pinipilit ako ni nanay na sa maynila na lang rin mag-aral. "Okay lang naman, kaso ayaw ni tatay. Pati mas gusto ko rito." sabi ko. Kaya ngayon pati sila pinipilit akong sa maynila na lang din magaral. Akala mo naman hindi parehas ang ituturo dito sa ituturo doon, eh pareho lang naman. Ewan ko pero parang may pumipigil sakin na doon mag-aral. Napagkasunduan namin na maaga matapos sa pagtugtog baka daw kasi biglang magbago ang timpla ni nanay at pagalitan na naman daw ako. Kaya bago may 5:30 ay natapos na kami. Nalungkot naman yung mga tao sa bistro namiss daw kasi nila ako. Nagulat naman ako nung makita si nanay na kausap si tita Marta, yung nanay ni Miguel, nandoon din si tita Anna, si tatay at nurse Sander, anong ginawaga niya dito? Maaga atang nag out si tatay ngayon. Nandoon din si Heaven na sobrang pula at nakangiti kay nurse Sander. Lumapit kami sa kanila at nagmano sa mga magulang namin. Lumapit si Ram kay nurse Sander at nakipag-fistbump. Magkakilala sila? "Tapos na agad kayo?" tanong ni nanay sakin kaya kumunot yung noo ko. "Opo. Uuwi na po ba tayo?" ako. "Naku, hindi pa. May paguusapan kaming tatlo nila Anna. Kaya sige kumanta pa kayo." masiglang sabi ni nanay. So, it's one of nanay's good mood day. Nagkatingin kami nila Heaven, Ronie, Miguel at Ram at napangisi. Bumalik kami sa stage, pwera lang kay Heaven na medyo nabawasan na ang pamumula. The crowd cheer when they saw us climbing up to stage again. Nagsimula ulit kaming tumugtog. Nagkukwentuhan pa rin sila nanay at tita. Si Heaven nakikipag-usap kay nurse Sander at kilig na kilig. Ganun din ang ibang babae na nakakakita sa kanya. Si tatay umuwi ata para magbihis. Nakailang kanta pa ang kinanta ko bago sumenyas si nanay na tama na daw. Natapos ang huling kanta malapit ng mag ala syete ng gabi. Mukhang napasarap sa kwentuhan sila nanay at ngayon lang napansin ang oras. Bumaba kami sa stage at dumiretso sa table nila nanay. Nasa unahan yun at medyo malapit sa stage. May pumapalit naman samin na banda pagkatapos namin kaya ngayon sila na ang nasa stage. "Bakit si Tori lang ang kumanta kanina?" bungad na tanong samin ni tita Anna. "Isang linggo po kasi akong wala eh, pambawi lang po ganun." sagot ko sa tanong ni tita at ngumiti. "Nakilala niyo na ba si Sander? Sabi niya nakita ka daw niya sa hospital kanina Tori, kasama ang boyfriend mo? Sino yon?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni nanay. "Boyfriend? Nay, manliligaw nga po wala ako eh, boyfriend pa po kaya? Pati si Miguel po yung kasama ko kanina." gulat na paliwanag ko. Humagalpak naman ng tawa si Miguel. "Ako na lang magligaw sayo." sabi ni Ronie kaya sinamaan ko siya ng tingin at nakitawa din kay Miguel. "Kayo lagi niyong inaaway itong grade 7. Di na kayo naawa." I gritted my teeth in so much annoyance and gave the three idiots a death glare. Alam kong kinulang ako sa height pero hindi naman ako mukhang grade 7. Mga walang hiya na ito! "Tigilan niyo na nga yang pangaaway niyo kay Tori." saway ni Heaven sa tatlo tapos ay lumapit sakin, napangiti lang sila tita at nanay sa asaran namin. "Kayo talaga, naku pagpasensiyahan mo na sila ah. Mga kulang kasi sa bakuna yan tapos hindi pa nakakainom ng gamot." pagbibiro ni tita Marta kaya kami naman ni Heaven ang natawa nakisama din si nanay at tita Anna na kiming nakikitawa samin. Pati si nurse Sander nakitawa samin. "Mama, dapat kami yung kinakampihan mo. Ito ako oh, yung anak mo, ma." madramang sabi ni Miguel at lalo kaming natawa. Agad din naman humupa ang tawanan namin at naipakilala ng ayos si nurse Sander sa kanila. "He is the eldest son of senator Sarina Quigaman." sabi ni tita Anna na kinagulat namin. Mabait na senador si senator Quigaman. Lagi iyong nangunguna kapag may mga sakuna, siya ang nangunguna sa pag tulong. Lumapit si Ram sa kanya at nakipag fistbump ulit sa kanya. "Long time no see, bro." sabi nito kay Ram at ngumisi sa kanya si Ram bago tumingin kay Heaven. Tama! Siya yung crush ni Heaven. Sinabi niya sakin yun dati na crush niya daw yung panganag na anak ni senator Quigaman. Masyadong pribado ang buhay ng pamilya nila at hindi masyadong kilala ang mga anak nila sa publiko. "Ah, sorry nga pala. Akala ko boyfriend mo siya." paghingi ng tawad ni nurse Sander. Iniwan muna kami saglit nila tita at nanay. Ewan namin kung saan sila pupunta. "Naku, ayos lang po yun. Hindi niyo naman po alam." nakangiting sabi ko. "Edi, okay lang na maging boyfriend mo ko?" biglang tanong ni Miguel, nandidiri akong tumingin sa kanya. "Yuck!" nandidiring sabi ko at nagpout naman siya na akala mo bibe. "Maka yuck ka naman. Akala mo luging lugi ka sakin ah." iniripan ko si Miguel dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi ba?" ngumisi ako para asarin siya. "Nasaan na yung charm mo, bro? Hindi ka pa nanliligaw basted ka na." pangaasar pa lalo ni Ronie. Nagtawanan naman kami. Kunot noo naman kaming pinagmamasdan ni nurse Sander. Lagi nila kaming inaasar na dalawa ni Miguel kasi daw may crush sakin si Miguel nung elementary. Actually, hindi ko talaga alam. Nagulat na lang ako lagi na lang kaming inaasar, tapos samahan pa ng pagsakay niya sa mga pangaasar samin. "Next month graduation na natin. Magplan tayo ng trip. Wag ng swimming, sawang sawa na ko magswiming." sabi ni Heaven. "Gala tayo sa Vigan." suggest ko. Nakapunta na ko doon pero hindi ko pa nalilibot. "Oo nga! Pero ang tanong! Payagan ka kaya?" bumaling sakin si Ram kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Oo naman. Good mood si nanay, malay nyo hanggang sa katapusan nitong buwan ganun pa din." confident na sabi ko. "Pag katapos agad ng graduation?" tanong ni Ram. "Hindi naman, siguro kinabukasan pagkatapos ng graduation ganun." si Heaven. Habang naguusap usap kami at nakikinig lang si nurse Sander sa tabi ni Heaven. Hindi pa rin bumabalik sila nanay. Saan kaya sila nagpunta? "Pupunta daw kasi si ate at yung mga kaibigan niya sa Vigan, pagkatapos ng graduation natin. Ano sabay na lang tayo sa kanila?" sabi ni Ram. "Dapat may sarili tayong lakad, yung tayo lang." sabi ni Miguel kaya tumango naman ako. Nagdrawing kami para sa trip namin sa Vigan, sana makulayan namin. Bumalik sila nanay at ngayon kasama niya na si tatay. Umuwi din naman agad kami at nagulat pa ako nung kasama naming umuwi si nurse Sander. Akala ko kasama lang namin siyang kakain. "Dito na muna titira si Sander, Tori. Maayos naman na yung isang kwarto sa taas, ihatid mo siya don." sabi ni tatay na ikinagulat ko. Mayaman sila, di ba? Bakit dito siya makikitira samin? Maliit lang itong bahay namin, kaya kung ikukumpara siguro sa bahay nila eh baka wala pa ito sa kalahati noon. "O-okay po." ngumiti ako bago bumaling kay nurse Sander. "Tara po." tumango siya at pinauna akong maglakad. Nakasunod lang siya sakin habang tinitignan niya yung mga picture ko nung bata pa ako at yung iba pang picture na nasa ding ding sa may hagdan. "Ito po yung kwarto ko." turo ko sa tapat ng pintuan nang kwarto ko nang makarating sa pangalawang palapag. "Ito naman po yung kwarto nila nanay at tatay." itinuro ko naman katabing pinto nung kwarto ko. Nasa kanang bahagi naman nun ay yung kwarto ko at nila nanay. Yung kwarto ko ay nasa tapat ng hagdan at katabi naman nun ay yung kwarto nila nanay. "Sayo lahat, to?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa lahat ng awards ko simula nung kinder. "Opo." Kita naman yun sa sala, pagpasok mo nga ng bahay namin ayan yung bubungad eh. Sa kaliwang bahagi nitong ikalawang palapag ay yung banyo at yung guest room 'daw' na magiging kwarto ni nurse Sander. Lagi namang malinis yun dahil gusto ni nanay pati iyo laging nililinisan. "Ito po yung kwarto niyo." sabi ko at binuksan yung pinto nun maliit lang yun kasing laki ng ng kwarto ko. "Tapos ito po yung banyo dito sa taas." itinuro ko naman yung dulo. "Thank you and sorry again." sabi niya kaya kumunot yung noo ko. "Sorry, kasi akala ko talaga boyfriend mo si Miguel." nakita niya siguro yung expresiyon ng mukha ko. Ngumiti naman siya kaya lumitaw ulit yung dimples niya sa pisngi. "Naku, okay lang po talaga." sabi ko at ngumiti para makita niya talaga na okay lang. "By the way, you have a great voice." "Hala, thank you po." lalong lumawak tuloy ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "Sige na, matulog ka na. Good night." "Good night din po." sinarado niya ang pinto ng kwarto at dumiretso naman ako sa kwarto ko para makapagbihis na. Pagkatapos magbihis ay natulog na din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD