Chapter 4

1081 Words
Geraldin POV Natapos ang lunch naming na hindi ako iniimikan ni Brent. Halatang nagtampo siya akin. Dapat may gagawin ako para naman hindi tuloy tuloy ang pagiging cold ng best friend ko sa akin. Ang hirap kaya sa part ko non. "Diretso ka na ba ng restaurant? Sama ako!" Nakangiting sabi ko sakanya habang patungo kami sa pinagparkan niya ng ginamit niyang sasakyan. "Why? Don't you have anything to do? Requirements?" Sabi niya na hindi ako pinapansin. "Gusto ko lang tumulong sa restaurant, at saka baka need niyo ng help ko." masiglang sabi ko habang nagtratrying hard parin magpacute para pansinin ako. Ganito ako maglambing sakanya lalo na pag nagtatampo siya. Alam ko naman bibigay siya kaagad ehh kasi hindi niya matitiis ang charm ko. "Okey" tanging sagot niya lang sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan sa may front seat. Ohh diba,kahit nagtatampo napakagentleman parin. Hindi mo mararamdamang pilit kundi talagang ugali na niya ang maging gentleman. Nang makapasok na siya sa loob at simulang paandarin ang sasakyan ay tiningnan niya ako na parang may gustong sabihin at dahil hindi niya masabi ay inunahan ko na siya. "May sasabihin ka?" para hindi na siya mahirapang simulan ang sasabihin niya kung meron man talaga. "Do you still like him?" direktang sabi niya. Dahil iisa lang naman tinutukoy niya ay nagets ko agad kung sino yun. "H-hindi ko alam kung crush ko parin siya o hindi, pero may chloe naman na siya, kaya ayaw ko nang umasa." Nakangiting sabi ko sabay lingon sakanya. "Tss. Silly, you should learn a lesson, don't force yourself to someone who can't love you back." sabay tingin sa akin. " are you not that aware? Nagmumukha kang tanga at umaasa sa wala." at tumingin siya sa harap at sinimulan ng magmaneho. "Alam ko yun kaya nga hinahayaan ko nalang sila. Hindi naman ako ganon kadesperada para umasa pa sa taong in relationship na." Unsal ko na kinatingin ko sa labas. Parang sumama tuloy ang pakiramdam ko. "Help yourself dindin. Move on." Yun lang ang sinabi niya pero ramdam kong nag aalala din siya sa akin. Nakamove on naman na ako at dahil yun sakanya pero di ko lang masabi at baka mag isip siya ng ibang meaning. Nakarating kami sa restaurant na ganun parin ang aura niya. Maski si tita ay nagtaka rin ngunit ngumingiti parin naman sakanya at sa mga customer, maliban lang sa akin. Maya maya, habang busy ako sa counter at siya naman sa mga orders ay dumating ang mga kaibigan niya. Sa tagal ba naman ni Brent dito ay siyempre naging close nadin ako sakanila . Doon ko lang nalaman na mayayaman pala itong mga ito at kung paano nila naging kaibigan si Brent dahil malayo naman sa status ng pamumuhay nila. Halos ayaw din nilang magkwento ng buhay niya o kahit anong related sakanya dahil mas maganda kung siya nalang daw magkwento at baka madagdagan lang daw nila, malalagot pa daw sila. Ang tanging nakwento lang ni Leo na pinsan niya pala ay nung bata siya. Kakaibang Brent kasi, napakaseryoso at super dependent daw sa lahat ng ginagawa. Yun lang. Ang tipid ng information pero okey nadin yun atlist may alam ako noong bata siya.Napaka Mysterious talaga nang taong to. Natatawa akong nakikinig sa asaran ng mga kaibigan niya habang nasa counter ako. Mga loko loko rin ehh. "Hoy Kyle, kanina pa tumutunog yang phone mo!" Iritang sabi ni Rian sakanya habang naglalaro sa phone. "Hayaan mo lang na maghabol sakin yang babaeng yan, akala niya siguro hindi ko siya iiwasan? Her face!!!" habang nakangisi na sambit ni Kyle. "Huh! Kulang siguro sakanya ang isa Rian, marami akong number dito. Want me to share some of them?" Ngising sabi kay Kyle. Halatang babaero talaga si Bry. Number ng mga babae niya ang sinasabi kay Kyle at etong Kyle naman ay agad niyang hiningi. Doon talaga sila nagkakasundo din noh. Hindi naman kasi maipagkakaila na gwapo naman silang lahat at sadyang malalakas ang s*x appeal ng bawat isa. Biglang tumawa nang nakakaloko si Leo na halos mapalingon ang mga costumer sa lugar nila. Biglang kuha nilang lahat sa menu at itinago ang mga mukha nila maliban sa nagtatakang si Leo habang hawak ang phone niya na doon ata ang dahilan lung bakit siya tumawa. Halos pakonti na ang costumer pagsapit ng gabi kaya tinulungan ko na siya sa mga mesa at orders since kaya kong magmultitask. Pagkalabas ko ng kusina ay bumungad sa akin ang tawanan ng grupo ng mga babae sa may table, nagulat nalang ako na naroon naman sa kabilang table si Brent na nakaupong nakikipagkwentohan sa isang magandang babae na sa tingin ko ay mag kaedad lang sila at parang matagal na silang magkakilala. Parang nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko nakikita siyang ganun sa ibang babae. Medyo nasanay din siguro ako na sa akin lagi ang attention niya at ngayon ay sa iba na. Sinadya kong maglakad sa siguradong mapapansin niya ako at maalalang ipakilala pero kahit ikutin ko pa ang buong loob ng restaurant ay hindi niya ako pinansin at nakipagkwentohan lang sa babae at ang malala ay tumatawa pa sila. Asar. Hangin nalang ba ako at ganun nalang? Parang wala lang? Sa sobrang inis ko ay bumalik ako sa kitchen at hinanap si tita para mag paalam na uuwi na ako, at nang makapagpaalam na ako ay agad akong nagbihis at dirediretsong lumabas ng restaurant na walang lingon lingon sakanya. Bahala siya sa buhay niya! Habang nag aabang ako ng taxi na dadaan ay hindi parin maalis sa akin yung eksenang masaya pala siya sa iba. Wow! Nasipa ko tuloy yung bato na nasa harapan ko dahil sa inis ko. Nagulat nalang ako nang may sumigaw at sigurado akong natamaan yun. Agad akong nagtago para hindi ako makita nung taong natamaan ko at saktong pagsilip ko ay may taxing dumarating kaya agad kong pinara at sumakay pauwi. Hindi parin mabura ang masayang imahe niya kasama ang ibang babae. Bat ba ako naiinis kung pupwede ko naman tanungin kung sino yun, pero naunahan ako ng inis ehh. Nakarating ako sa bahay na hindi ko pinansin ang kuya kong sinalubong nanaman ako ng pang asar niyang mga salita. Sanay naman na yun pero alam kong iba ngayong gabi dahil babarahin ko pa siya pagkatapos niya akong asarin pero ngayon ay binalewala ko lang. Wala ako sa mood at gusto ko nang magpahinga agad. Gusto kong gumsing bukas na wala na ang ganitong pakiramdam sa akin. Sana mawala na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD