BRENT POV Natapos ang gabi na puro tawanan at asaran ang ginawa ng mga ugok na to at napansin ko ang pagtahimik ni Kyle at minsang pasulyap sulyap kay Betty na nakikitawa sa kwento ni Rian at Bry. Kung anong meron man sakanila ay wala na akong pakialam basta focus lang ako sa prinsesa ko. I fell very lucky and blessed having this girl beside me at wala nang akong mahihiling pa. Nagpaturo si Betty sa akin sa paggawa niya ng proposals niya para sa OJT niya at nais niya rin daw sa VF Hotel and Restaurant mag OJT. No problem sa akin para narin mabantayan at masamahan niya si Dindin at mamonitor narin kung anong ginagawa o okey ba siya kapag nagsimula na sila. Sumabay narin siya sa pag uwi at inihatid sa bahay nila saka ko inihatid rin si Dindin sa bahay nila. Nasa tapat na kami ng bahay nil

