*** Shiela's Pov Hindi ko ipinahalata sa kanya na nakita ko na siya talaga ang killer, mahirap na baka ako na ang kanyang isunod kaagad. Kaya naman ang ginawa ko ay sinarili ko na lang muna ito hanggang sa natapos ang klase namin. Niligpit ko ang mga gamit ko, medyo kaunti na lang ang mga kaklase ko na nasa loob ngayon. Yung mga iba umalis na yung mga iba naman naiwan dito para maglinis. "Excited na ako para bukas!" masayang sambit ni Reynald sa kanyang dalawang kaibigan na si Mkcleine at Jomar. "Excited ka jan eh hindi ka pa nga nakaempake ng mga gamit mo." sabi ni Mkcleine sa kanya. "Madali lang ang pageempake ng gamit 'nu!" sabi niya. "Tara na nga umalis na tayo dito. Mageempake rin ako ng gamit ko." sabi naman ni Jomar at umalis na sila sa loob ng classroom. Napatingin ako sa k

