Kabanata 14

1323 Words
*** Harlyn's Pov Akala ko talaga mababangga na kami kanina sa isang malaking puno. Napapikit na lang ako doon at hinintay ang pagbangga ng sasakyan pero napadilat na lang ako ng biglang nagpreno si Chester ng malakas. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya, kanina ok lang siya habang nagdridrive siya pero maya't maya pa ay bigla itong lumiko papunta sa isang malaking puno. ANg akala ko talaga mababangga na kami mabuti na lang hindi. "A-anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Krisanta. Hinawakan ko si Chester sa kanyang balikat pero nagulat ata siya sa pagkakahwak ko dahil biglang gumalaw kaagad ang kanyang braso pagkahawak ko nito at agad na napatignin sa akin. "Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakatingin sa mukha ko. Wala siya sa kanyabg sarili. Nang iwinagayway ko ang kamay ko sa kanyang mukha ay doon na lang nagbalik ang kanyang pag-iisip. "Ok ka lang ba?" ulit na tanong ko sa kanya. Bigla itong tumango at bumaba kami sa kotse. Pumaharap kami para tignan kung nabangga ba ito pero hindi, kamuntikan lang, buti na lang. "Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. "H-hindi ko alam" aniya at nag-iwas ng tingin. May gusto ata siyang sabihin pero hindi lang niya masabi. Pinabayaan ko na lang ito dahilalam ko namang sasabihin niya naman kapag hindi na niya kaya talaga. "Akala ko talaga katapusan na natin!" giit ni Diana. Pumunta ako sa kinaroroonan nilang apat. "Wag kayong mag-alala ok na. Mabuti na alng talaga hindi tayo nabangga" pahayag ko sa kanilang apat. "Oo nga buti na lang." ani Krisanta at bumaling ang tingin niya kay Chester na nakatingin sa himpapawid. Lutang nanaman ito."Ok lang ba siya?" tanong niya at nginuso si Chester. "Mukhang may bumabagabag sa kanya ah" ani Mariela. "Try mo kayang tanungin?" suggest ni Rica sa akin. Umiling lang ako sa kanila at sinulyapan si Chester nakinaroroonan niya. Nakatingin lang ito sa himpapawid. "Hindi, hayaan na lang muna natin siyang sa muna ang makaka-alam, sasabihin rin niya naman 'yun kapag kailangan niya ng masasandalan." ani ko sa knaila at sinulyapan muli siya."Baka epekto lang yan ng pagkakahampas sa kanyang ulo" giit ko. Ako rin ay nababahala na kay Chester. This past few days, may mga pangyayari na hindi maganda ang nangyayari sa kanya tulad na noong nagklaklase kami sa isa naming subject bigla na lang siyang nagsisigaw nung nakaraan. Nababahala na kami, ngayong pang mas kailangan namin siya. "Paano na 'yan?" tanong ni Rica sa amin. Napatingin muli ako kay Chester,wala siya sa kanyang sarili. Napatingin ako sa kotse na muntik ng bumangga. "Sino ang marunong na magmaneho?" tanong ko sa kanila. Walang sumagot. Hindi nila ata alam magmaneho. Paano na 'yan? "Ako alam ko pero kunti lang" ani Reynalyn habang nakataas ang kanyang kanang kamay. Magsasalita pa sana ako ng biglang may huminto na isang malaking van na puti sa harapan namin. Bumukas ang pintuan nito at bumungad sa amin ang mukha ni May-Ann. "Need a ride?" tanong nito. Napatingin ako kay Diana para sana tanungin siya pero mukhang nakuha niya ang ibig kung iparating. "Sorry, inimbitahan ko sila sa bahay niyo Harlyn. Ok lang ba?" tanong niya sa akin. Tumingin siya kina May-Ann."Mas mabuti na 'yun mas marami kayong magbabantay sa akin" aniya. Napatingin ako sa mga kaa=samahan ko. Tumango lang ang mga ito kaya naman wala na akong nagawa. Sumakay na sila sa van. Naglakad ako papunta kay Chester kaya napatingin naman siya sa akin. "Doon na muna tayo sa sasakyan nila May-Ann na sasakay" sabi ko sa kanya. "Paano itong sasakyan ko?" tanong niya. Napatingin naman ako doon. "Papapuntahin ko na lang dito si Kuya Roger para kunin ito papunta sa bahay" ani ko. Wala na siyang nagawa at umu'Oo na lang.  Naglakad na kami patungo sa van, pagbukas namin doon ay bumungad pa ang mga kasamahan ni May-Ann na sina Jonalyn, Princess, Jansen, Judy Ann, Trina at Shiela. Ang dami nila. "Wooooah!" pagsisigaw ni Jansen dito. Pumasok na kami sa loob at umupo sa bandang hulihan. Umandar na ang sasakyan pero nanatiling maingay ang loob ng van. "Party, Party!" pagsisigaw ni Shiela at sinabayan ng malakas na tugtug ng music. Sana hindi maging isang masamang ideya ito, sana walang mamatay ngayong pagkakataon na ito. Pagkarating namin sa tapat ng gate ay agad na binuksan ng gurad ang kulay berde naming gate. Pagkahinto ng sasakyan ay agad na nababaan ang mga kasama namin. May isa-isa silang mga bag pack na talagang pinaghandaan nila ang pagpunta dito. Napatingin sila sa pool kung nasaan katabi ng garden namin. "Ang ganda dito! May pool!" sigaw ni Trina. "Party party tayo ngayon!" pagsisigaw ni Judy Ann at nagsisigawan nanaman ang lahat. "Ano ang ginagawa nila dito?" tanong ni Chester na nasa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko alam. Pinapunta ni Diana sila dito kaya wala na akong magagawa, dito na lang muna sila" ani ko at naglakad patungo sa pintuan namin. Sumunod naman silang lahat sa akin. Itinusok ko ang susi sa butas ng pintuan at akin itong binuksan. Tumambad kaagad ang puting paligid, puting hagdanan patungo sa itaas at iba pang puting dekorasyon. "Wow! Ang ganda!" manghang sabi ni Jonalyn dito. "Parang gusto ko na ditong tumira. Pwede ba, Harlyn?" tanong ni May-Ann. Nagtawana ang lahat, animo'y masayang masaya sila sa mga nakikita. "Feel at home lang kayo. Kung gusto niyong maglaro anjan lang 'yung play station, anjan lang yung xbox" giit ko at tinuro ang isang sulok ng salas kung nasaan ang mga ito. Napatingin silang lahat dito at dali-daling lumapit ito. "Ano sa palagay mo magiging good idea ba ito?" tanong ni Chester sa gilid ko. "H-hindi ko alam." sabi ko. "Oo ok narin ito. Mas madami tayo, mas madami tayo mas secrure" ani Rica. Pinahanda ko na ang meryenda namin. Maiingay sila masayang masaya talaga, pagkatapos naming magmeryenda ay sumugod naman sila sa pool. Talagang kating-kati silang mailgo doon. Agad na nagtatalunan ang mga kasama namin. "Ang sarapa maligo!" giit ni Princess habang lumulutang sa tubig. "Oo nga eh ang lamig ng tubig" ani SHiela na nasa tabi nito. "Sino ang may dalang inumin jan?" tanong ni Judy Ann sa kanila. "Ako!" giit ni ni Jansen at nilabas ang isang bote ng alak. Oh, oh hindi ata mabuting idea na pinapunta ko sila dito. Paano kung malasing sila? "This is life" ani Diana at ibinagsak ang kanyang katawan sa tubig. Nagiingayan sila habang naliligo habang kami namin nila Mariela ay nagiihaw ng barbeque. Nagmimistulang isang picnic na ang ginagawa namin dito sa bahay. Gumagabi na pero nanatiling andun parin kami sa pool. Hindi kami naligo dahil hindi namin feel ngayong maligo sa pool. Naka-upo lang akmi habang pinagmamasdan ang mga kasama namin habang nagtatawanan. "Hahahaha!" narinig naming halakhak ni Trina mula sa kinaroroonan nila. "Harlyn pwede bang pakikuha ang towel ko sa bag ko?" pakiusap sa akin ni Princess. "Oh sige, asan ba 'yung bag mo?" pagpapayag ko dito. Itinuro niya ang isang bag na kulay pink. Pumunta ako doon at kinalkal kung nasaan ang sinasabi niyang towel pero may nahagilap akong isang papel. Kinuha ko ito at agad na tinignan at halos lumuwa ang mga mata ko pagkakita ko ng numero na nabunot ni Princess. It's Six. Oh no hindi ata magandang idea ito na puunta sila dito. Alam kong andito ang killer, at alam kung may binabalak siya ngayon dito, dito sa mismong pamamahay ko. Someone's Pov Parang mga taong hindi pinayagan silang makalabas sa kanilang bahay sa loob ng isang taon kung umasta sila. Ang sasaya nila at ang iingay parang first time lang silang maligo sa isang pool. Mga ignorante. Mula sa kinaroroonan ko ay tinitigan ko ang mga biktima ko. Ngumisi ako, sino ba kasi ang nagplano na pumunta sila dito? Well thank you sa kanya dahil may mamamatay na sabay. Ngumisi ako at pinakiramdaman ang hawak kong kulay rectangle na button. Hinawakan ko lang ito habang nakatingin sa mga biktima ko. "Let the play begin" aniya ko at pagkasabi ko nun ay pinindot ko ang botton na hawak ko at pagkasabay nun ay pagpatay ng ilaw. Nagsisigawan na ang lahat umahon na sila mulasa sa tubig. Tumayo na ako at kinuha ang isang maliit na palakol sa likod ko at tiyaka pumunta sa isa ko ng biktima. Sa likod nito. Iginayak ko ang kamay ko at handa ko ng palakolin ang kanyang ulo. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD