***
Chester's Pov
"NO!" sigaw naming dalawa ni Mariela ng biglang bumilis ang pagtakbo ng blade papunta kay Ejay, pero huli na ang lahat nahiwa na siya nito.
Agad kaming lumapit kay Reynalyn na tulala habang duguan ang kanyang mukha pati narin ang suot niya.
"Hey" tinapik tapik ko siya pero tulala parin siya. Natrauma ata siya sa nangyari.
"Everything will be alright don't worry" sabi ko.
Lumapit kami sa katawan ni Ejay. Nahati ito sa dalawa. May nakita kaming nakaukit sa upuan na numero. Number 2.
"Kasalanan ko ito eh!" pagsisi ni Reynalyn sa kanyang sarili. Pinokpopokpok niya ang ulo niya gamit ang kamay niya.
"Hindi. Walang may gustong mangyari nito." pagpapatahan ni Mariela sa kanya.
Tumingin ulit ako doon at may napansin akong isang itim na mp3. Kinuha ko ito at sinuot ang ear phone niya nagbabasakaling may ebidensya kaming makita. Pinindot ko ang play botton.
'Why do birds,
Suddenly appear,
Everytime you are near.
Just like me,
They long to be-'
Hindi ko na pinatapos ang kanta dahil naisip ko si Elizabeth. Siya na ang susunod. Siya na! Maagad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan sana si Harlyn pero walang signal.
"Sh*t!" pagmumura ko at tinapiktapik ang cellphone ko.
"Anong nangyari?" agad na tanong sa akin ni Mariela.
"Kailangan nating mahanap sila Harlyn, dahil susunod na si Elizabeth siya na ang susunod na mamamatay!" sabi ko sa kanila.
"kaya mo pa bang tumayo?" tanong ko kay Reynalyn.
"Oo. kailangan nating maligtas ang pinsan ko. Ayaw ko ng may mamatay pa!" mabilis na sabi niya at agad kaming nagtatakbuhan para hanapin ang apat.
Elizabeth's Pov
"Natatakot ako" sabi ko sa kanila.
Sa isang madilim kaming pathway na dumadaan. Walang ilaw, mistulang parang isang haunted ito.
"Ano ba naman ito! Bakit walang signal!" inis na sabi ni Rica habang nakatingin sa kanyang cellhpone.
Kinuha naman ni Krisanta ang phone niya mula sa kanyang bulsa para iyon ang maging mistulang na ilaw namin.
"Sana nahanap na nilsa si Ejay" ani Krisanta.
"Wag kayong mag-alala, baka nahanap na nila iyon" sabi ni harlyn.
Nakarating kami sa lumang gusali malapit sa building ng Business Ad. Ayaw ko na sanang sumama sa kanla pero wala akong magagawa dahil ayaw ko namang magpa-iwan na mag-isa dito sa madilim na lugaw na ito at isa pa ako ang nakabunot sa pangatlong numero, baka ako na ang susunod.
Ayaw ko pang mamatay, hindi pa ako handa.
"Ejay?!" sigaw namin mula sa loob.
Naglakad kami patungo sa second floor. Madilim ang lugar na ito.
Nang malapit na kami sa second floor ay may unti unti kaming naririnig na musika. Hindi ko alam kung ano ang kantang iyon.
'Why do stars,
Fall down from the sky,
Everytime you walk by'
Nanginginig ang mga tuhod ko habang nkarating kami doon sa second floor. Hindi ko alam pero nanlalamig ang mga kamay at paa ko.
'Just like me,
They long to be,
Close to you'
Narinig kong may nahulog na bagay at pagtingin ko sa kinaroroonan nila Krisanta ay nakita kung nakahandusay na sila.
Napahakbang ako patalikod ng bigla akong naramdamang tao dahil sa pagkkabungoo ko.
Napahinga ako ng maluwag ng makita ko kung simo iyon. Ngumti siya sa akin.
"T-tulong" sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. Iba ang kanyang ngti na pinapakita.
"Don't worry, Elizabeth" aniya at naramdaman ko na alng ang isang matigas na kahoy na tumama sa aking ulo. "Tutulungan kitang mawala sa mundo" bulong niya at iyon na lang ang huli kong narinig.
Hindi ako makapaniwala na siya pala ang puno't dulo ng lahat ng ito.
Rica's Pov
Napahawak ako sa ulo ko pagmulat ko palang ng aking mga mata. s**t ang sakit ng ulo ko. Ng unti unti kung naimulat ang mata ko ay tumambad sa akin ang maitim na paligid. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko ang nakahandusay kung kabigan na si Harlyn at Krisanta.
Hirap akong gumapang patungo sa kanila.
"G-gising" nahihirapang sabi ko.
Unti-unti namang gumalaw si Krisanta ay nagkalaunan ay nagising na siya at tulad ko ring masakit ang ulo.
"Harlyn, wake up" paggigisng ni Krisanta kay Harlyn.
Unti-unti akong tumayo mula sa kinaroroonan at nakita ko ang nagpakalaking kahot at napagkatigas tigas. Biglang nagflashback lahat ng nangyari kanina bago kami mawalan ng malay. may naramdaman akong pumokpok sa akin kaya nawalan ako ng malay kanina.
"SI ELIZABETH?!" agad na tanong ni Harltn.
Hinanap ng mata ko si Elizabeth sa loob pero wala, walang Elizabeth na makita.
"B-baka siya ang killer" panghuhusga ko.
"Hindi siya ang killer! Hindi niya magagawa iyon" sabi sa akin ni harlyn.
"Calm down. Hanapin na muna natin sila Chester para hanapin natin si Elizabeth. Baka nandyan lang yan sa paligid" ani Krisanta.
Lumabas na kami mula sa building para hanapin sila Chester. Sakto namang nakita namin sila na tumatakbo papunta sa amin.
"Anong nangyari sa inyo? Bat dumudugo ang ulo niyo/" agad na tanong ni Chester kaya naman napahawak ako sa ulo ko at pagkakita ko ng kamay ko may dugo nga talaga.
"Nasaan si Elizabeth?" tanong ni Reynalyn kaya napatinginkami sa kanya.
Nagulat ako dahil sa itsura niya. Puno siya ng dugo. Puno ng dugo ang kanyang damit at mukha.
"A-anong nangyari sayo?" tanong ni Krisanta.
"Mamaya na lang namin sasabihin kung anong nangyari ang importante ngayon nasaan si Elizabeth diba kasama niyo siya?" tanong ni Chester.
"oo kanina kasama namin siya pero nawalan kami ng malay dahil may pumokpok sa amin at pagkagising namin wala na siya" sabi ko.
"Ha?! Paanong nangyari iyon?" tanong ni Mariela.
"Hindi rin namin alam. kaya nga hinahanap namin siya baka mapano na siya" nagaalalang sabi ni Harlyn.
"Oh no. Sana ang susunod!" ani Chester at pagkasabi niya nun ay biglang may lumitaw na screen sa kinaroroonan namin.
Paanong nagkaroon ng screen dito?
Pero nagulat kami sa aming nakita, nakita namin si Elizabeth na nakatali sa isang kadena at nakabitin ito.
"Elizabeth!" sigaw ni Reynalyn dito.
Chester's Pov
Nakatingin lang ako sa kaibigan kong nakabitin sa kadena.
"ALAM KONG NAKIKITA MO KAMI! MAGSALITA KA!" sigaw ko.
"WALANG HIYA KA KAPAG NALAMAN KO KUNG SINO KA PAPATAYIN TALAGA KITANG DEMONYO KA!" dagdag ko pa.
"Please itigil mo na ito" naiiyak na sabi na ni Mariela.
"Let's play a game" nagulat kami ng biglang may nagsalita mula sa screen."Kung alam niyo ang sagot na ito, papakawalan ko siya pero kapag hindi say good bye to you loving friend" aniya. Hindi ko mawari kung kaninong tinig na iyon, parang pinapalitan niya ang boses niya para hindi siya mabuko.
"WALA KAMING PANAHON SA MGA LARO MO GAGO! PAKAWALAN MO NA ANG KAIBIGAN NAMIN!" sigaw ni Krisanta.
"Heto ang bugtong. 'Kapag bago ay mahina, Matibay kapag naluma'" sabi niya."Your 60 seconds is running. Tik tok tik tok tik tok sabi ng orasan kaya bilisan niyo na" aniya at dinugtungan niya pa ito ng isang nakakakilabot na halakhak.
Someone's Pov
Naututwa ako sa nakikita ko ngayon. Natutuwa ko dahil sa nakikita ko ang paghihirap nila.
Mga tanga sila, mga bobo, hindi nila alam na malapit lang pala sa kanila ang killer. Palibhasa mga tanga sila.
Wag kayong mag-alala kahit naman mahulaan niyo ang sagot mamamatay parin siya dahil sabi ko nga diba. Wala akong ititira kait ni isa.
***