***
0, 1
Krisanta's Pov
"Oy!" tinabihan ako ng kaibigan kung si Harlyn habang kinakalikot ko ang cellphone ni Reynalyn. Napatingin naman ako sa kanya at tinanggal ang puting earphone sa tinga ko.
"Bakit?" tanong ko.
"May Freshie Night daw na gaganapin this coming friday?" tanong niya.
"Hindi ka ba nakikinig kanina?" tanong ni Reynalyn na nasa likuran ko.
"Nakinig naman pero gusto ko lang naman tanungin kung totoo iyon" aniya.
"Oo, meron daw. Dapat daw magdress ang mga babae" usal ni Chester na nasa kanan ko.
"Tiyak na marami nanamang babae na maiikli ang dress na susuoti nila" komento ni Mariela.
"Ano bang problema mo doon? Edi magsuot ka rin ng dress na maikli o di kaya naman naka under wear ka na lang" ani Rica.
Nagtawanan kami doon ng may pumasok. Si Bianca iyoung transferrie. Natahimik ang buong klase pagpasok niya, napatingin siya sa amin na nagtataka. Hindi niya alam kung ano ang issue dahil transferrie siya.
"ANJAN NA SI SIR!" sigaw ni Jansen sa labas ng pintuan at dali dali siyang tumakbo papasok. Dali dali namang inayos ng mga kaklase namin ang mga upuan namin.
"Hello,claass" bungad sa amin ni Sir Bueno pagkapasok niya.
"Sir, bat ka andito? Wala naman tayong klase ah." ani Elizabeth na nasa likuran ko katabini Reynalyn.
"Maysasabihin lang ako sa inyo" aniya tiyaka siya ngumiti. Pero iba ang ngiti na pinakita niya, ngiting malungkot.
"I am going to resign" aniya kaya naman natahimik ang buong klase. Walang umimik sa amin ni Isa.
"Buti nga magresign yang teacher na yan, nakakawalang gana" bulong ng katabi kong si Harlyn.
"Why, Sir?" biglang tanong ni Chester.
Ngumiti ulit siya sa amin at nilapag ang kulay black na box na hawak niya.
"Hmmmm.. Naisip ko, mas gusto ko na lang na ipriority ang pamilya ko, sila Lolo at Lola gusto kong alagaan na lang sila" sabi niya ng malumanay sa amin.
Nagbulong-bulongan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Sir. Iyong iba gustong umalis si Sir Bueno at yung iba naman nalulungkot sa pag-alis niya. Ako rin naman eh nalulungkot dahil kahit sa madaling panahon na nakasama namin siya nasanay na akong siya ang adviser namin.
Rica's Pov
Lahat kami nagulat sa desisyon ni Sir. Hindi namin alam kung bakit. Parang ayaw niyang umalis sa pagtuturo pero merong naguudyok sa kanya.
"Parang ang bilis naman, Sir?" tanong ni Chester na katabi ko.
"Ganun talaga ang buhay. Mabilis" aniya.
Nagtaka ako sa sinabi niya. Ano namang connect ang buhay sa pag-alis niya?
"Eh bat pa kayo aalis, Sir? hindi ba pwedeng dito na lang kayo?" tanong ni Mariela sa kanya.
"Oo nga po" pagsang-ayun ko.
"May mga bagay kasi na pwede kong isakripisyo alang alang sa mga nakakarami. Wag kayong magalala dahil may papalit naman sa akin eh" anunsyo niya.
"Sir kailan po ba ang alis niyo?" tanong ni Harlyn sa kanya.
Natahimik ang buong klase at hinintay ang sagot ni Sir.
"Ngayon din" lahat kami nagulat sa sagot niya.
"Ang bilis naman ata, Sir!" ani Reynalyn.
"Hindi po ba pwedeng pagkatapos na lang ng Freshie Night?" tanong ni Elizabeth.
"Oo nga po. Extend niyo na po." pagsang-ayun din n Judy Ann na isa pa naming kaklase.
Umiling siya at hinawakan ang itim na kahon.
"Ano po iyan?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin at sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero kinukutuban ako sa pag-alis ni Sir.
"Ang nasa loob ng kahon na ito ay mga papel na may nakalagay na numero. Ipapabunot ko sa inyo. Lahat kayo ay makakabunot nito" aniya.
'Para saan po ba yan, Sir? Christmass party po ba? malayo pa ah" ani Ejay. Nagtawanan ang buong klase subalit ngumiti lang si Sir. May kakaiba talaga.
Chester's Pov
Nakatingin lang ako ng diretso sa kanya habang sinusuri ko ang bawat expresion ng kanyang mukha pati pananalita.
"Malalaman niyo rin ang gamit nito balanag araw" aniya. Tinignan ko ang kanyang bibig kung paano siya nagsasalita. Parang nanginginig ang labi niya pero hindi lang niya pinapahalata.
"Bat po pakayo magpapabunot kung hindi niyo rin naman sasabihin kung ano ang gamit nito?"singit ni Harlyn.
"Hindi ko iyon sasabihin. Kayo ang didiskobre kung ano ang gamit nito." sabi niya.
Pumunta siya sa harapan namin at binuksan ang kahon nito. Pinabunot niya ang mga nasa unahang row hanggang sa napunta na sa amin.
Kumuha ako ng isang kapirasong papel doon at tinignan ko kung ano ang nakuha kung numero.
Nakatingin lang ako doon habang nagtataka ang aking mukha. Maraming tanong sa kaisipan ko. Ano ang gagawin namin dito at para sa saan itong mga numerong ito?
"Tandaan niyo class. Parang isang laro lang ito, kayo ang didiskobre" aniya bago siya umalis.
Maraming katanungan sa isip ko na hindi ko masagot. Ano ba ang nangyayari?
Sir Bueno's Pov
Nagsiuwian na ang mga studyante dito sa Unibersidad. Binuksan ko ang pintuan ng silid aralan namin at tiyaka pumasok dito.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nito. Tiyak na mamimis ko itong classroom na ito.
Naririnig ko ang kaluskos ng hangin ng biglang may tumugtog na kanta.
'Why do birds,
Suddenly appear,
Everytime you are near.
Just like me,
They long to be
Close to you'
(Play the song nasa multimedia po)
Nilibot ko ang paningin ko sa buong silidpara hanapin ang tumutugtog na iyon at nakita ko ang isang pigura ng isang studyante na nakatingin sa akin habang nakangisi. Napaatras ako, lumapit siya.
"Good job Sir Bueno. Madali ka naman palang kusap" aniya.
Matalim ko siyang tinitigan. Isa siyang demonyo, hindi siya natatakot sa diyos.
"Nagawa ko na ang gusto mo! Ano pa ba ang kailangan mo ha?!" sigaw ko sa kanya.
Humalakhak siya na parang isang demonyo.
"Alam mo ang kailangan ko, Sir. Ang buhay ng lahat ng studyante sa IA." aniya.
Inilabas niya ang isang kutsilyo mula salikuran niya. Hinawakhawakan niya ang patalim nito habang nakatingin sa akin at nakangisi.
"Please tumigil ka na. Tumigil ka na habang maaga pa habang wala ka pang napapatay!" sigaw ko dito.
Biglang may kumapalampog sa pintuan ng silid.
"SIR! ANO PO ANG NANGYAYARI!" sigaw ni...
"ROSEMARIE?!" agad na sigaw ko. Nangamba ako baka kung ano ang mangyari sa kanya.
Binalingan ko ng tingin ang tao na nasa harapan ko.
"Wag mo siyang sasaktan!" sigaw ko sa kanya.
Ngumiti siya ng nakakaloko at tiyaka pumunta sa pintuan at binuksan iyon.
Agad niyang hinila si Rosemarie sa kanyang buhok at napasigaw ang bata sa akin. Agad akong pumunta sa kanya at itinayo.
"WALANG HIYA KA!" sigaw ni Rosemarie pero pinigilan ko siya dahil sa takot ko kung ano ang gagawin niya.
"W-wag... Bat ka pa nandito? Umalis ka na!" sigaw ko.
"Sir, hindi ko po kayo iiwan sa demonyo na iyan!" sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya. Nagpapasalamat ako dahil amy mga studyante akong mabubuti ang loob, isa pang dahilan kaya ayaw kong umalis dahil sa kanila.
"Okay lang ako. Magiging ok rin ang lahat" pagaalu ko.
Humalakhak ang tao na nasa harapan namin.
"Wow! Isang mabuting studyante na concern sa kanyang guro." aniya habang tumatawa.
Maytumugtog ulit na kanta.
'Why do birds,
Suddenly appear,
Everytime you are near.
Just like me,
They belong to be,
Close to you'
"NAgtataka ako, ano ang nabunot mo na numero Rosemarie?" nakaklokong tanong niya.
Hindi siya sumagot sa kanya bagkus ay tumingin siya sa akin.
"Sir tara na po. T-tumakas na tayo" sabi niya. Bakas sa kanyang boses ang takot.
"No..no...no... Walang makakatakas sa inyo!" aniya."Ano nga bang numero ang nakuha mo Rose?"
Hindi ulit siya sumagot kaya ako ang nagtanong sa kanya.
"Rosemarie, ano ang nakuha mong numero?!" sagot ko sa kanya. Sana hindi siya. Sana hindi...
"One" at pagkasabi niya iyon agad na pumunta ang tao na nasa harapan namin at sasaksakin na niya sana si Rosemarie pero prinotektahan ko siya kaya ako ang nasaksak.
May lumabas na dugo mula sa aking bunganga dahil sa pagkakasaksak niya sa akin.
'Why do stars,
Fall down from the sky.
Everytime you walk by,
Just like me,
They long to be,
Close to you.'
"T-tumakbo ka n-na!" sabi ko sa kanya habang hinawakan ang taong sumaksak sa akin. Ngumiti lang ulit siya.
"Good Bye, Sir!" sabi niya sa akin at diniin niya ang pagkakasaksak and everything turn to a black.
Rosemarie's Pov
Nanginginig ang mga tuhod ko habang tumatakbo papunta sa corridor. Tumakbo lang ako ng tumakbo ng may nakita akong classroom na nakabukas. Pumasok ako dito at pumunta sa ulok ng teachers table.
"Asan ka, Rosemarie?" isang nakakakilabot na tinig ang narinig ko.
Pinagpapawisan ako at nanlalamig ang mga kamay at paa ko habang nanginginig ang mga ito. Bakit niya ba ginagawa ang mga ito?
"Magpakita ka na. Hindi kita sasaktan..." tawag niya ulit pero nanatili lang ako doon sa pinagtataguan ko.
Bigla akong maynarinig na pagbukas ng pintuan kaya naman maslalo akong kinilabutan. Paano kung makita niya ako? Ano ang gagawin niya? Papatayin din niya ba ako?
"Wag ka ng magtago dahil mahahanap rin kita at pagnaahanap kita papatayin rin kita katulad ng guro na pakialamero na iyon!" galit na sigaw niya.
Napatakip ako ng bunganga para pigilan ang paghikbi ko. Naiiyak na ako sa takot, nanginginig na ang buong sistema ko habang nakahalukipkip.
"Huli ka!" kinilabutan ako dahil bigla siyang lumitaw sa harapan ko.
Agad niyang hinila ang buhok ko. Naiyak na ako sa sakit dahil sa paghila niya, parang matatanggal na ang mha hibla ng buhok ko sa anit ko.
"Sayang ka, ang bait bait mo pa naman." aniya at umiling iling. "Sorry ka nalang dahil ikaw 'yung nakabunot ng unang numero" aniya at ipinakita niya sa akin ang duguan na kutsil.
Napapikit na lang ako at naramdaman ko na lang ang pagkahiwa ng ulo ko.
Harlyn's Pov
Kinuha ko ang cellphone ko na mula sa bulsa ko at tinext ang mga kabigan ko.
Ako: To: Chester, Krisanta, Rica, Mariela
Asan na kayo? Andito na kami sa labas ng room. Bilisan niyo naman
Pagkatapos kung isend iyon ay ibinulsa ko na ang cellphone ko.
Hindi pa kami pumapasok sa room dahil hindi pa ito bukas dahi nakay Krisanta kasi ang susi nito.
Ilang minuto kaming naghintay sa labas ng room namin at sa wakas ay nakarating narin ang tatlo.
"Bat ang tagal niyo?" tanong ni Reynalyn.
"Kanina pa kami dito ha!" reklamo ni Elizabeth.
"Bumili lang kasi kami ng folder" ani Rica.
Pumunta naman si Krisanta sa harap ng pintuan at binuksan ito.
Dali dali naman kaming pumasoklahat at nilagay ang bag nain sa upuan pero may napansin ako sa sahig kung saan ako umuupo.
May kulay pula ito na parang dugo. Hindi ko na lang pinansin ito, baka natapon lang na water color o cutecs.
"Maglinis na tayo para makapunta na tayo sa field para sa wellnes" anunsyo ko sa kanila.
Dali dali naman silang pumunta sa akin kung nasaan ang mga clening tool.
Binuksan ko ang kabinet kung saan nandun ang mga walis pero pagbukas ko ay may biglang yumakap sa akin at biglang nagsisigawan na ang mga kaklase ko.
"AAAHHHH!"
"oH MY GAADD!!"
Pati ako hindi ako nakapagsalita. Tinignan ko ang tao na yumakap sa akin at doon nanlaki ang mata ko. Si Sir Bueno at duguan siya.
Hindi pa ako nakakatayo at nakakaipon ng lakas sa nangyari ay may bigla nanaman akong nakita sa sulok ng mesa. Isang katawan na wala ang ulo.
Napasigaw na lang ako at nawalan ng malay.
Someone's Pov
Natutuwa ako sa mga reaksyon nila. Natutuwa ako dahil bakas ang takot sa kanilang mukha.
Nagsisimula pa lang ako. Marami pa...marami pa ang dadanak na dugo dito sa section na ito...
Walang makakawala... lahat mawawala... walang matitira na kahit isa....I will make sure of that.
"Bat ka nakangiti?" tanong sa akin ni Jason na kaklase ko.
"Wala masaya lang. Bakit bawal ba?" sabiko at umalis sa loob ng room.
Nag uumpisa pa lang tayo, ngayon palang magsisimula ang laro.
***