*** Harlyn's Pov Gabi na pero hindi parin ako makatulog. Iniisp ko parin kung ano ang mangyayari bukas. Nakatingin lang ako sa puti naming kisame at lutang ang pag-iisip. Ang laman lang ng isip ko ay puro problema, walang magandang pangyayari ang sumasagi sa isip ko. Hindi ko na alam pa talaga ang gagawin, hindi ko na alam, gusto ko ng sumuko pero hindi pwede. Alam kung marami nanamang mawawala bukas at alam kung pati narin ako ay mawawala rin. Ang hindi ko lang alam ay kung paano mapipigilan ang posibleng mangyari bukas. Gulong-g**o na talaga ang isip ko malapit na ata akong mabaliw. Biglang tumunog ang cellphone ko at tumambad ang pangalan ni Reynalyn dito. "H-harlyn?" tawag niya sa kabilang linya. Tumihaya ako sa pagkakahiga ko habang ang cellphone ko ay nakapatong sa tainga k

