Chapter 2

3225 Words
Chapter 2 Tobias Anderson POV Matagal akong nakatitig sa kawalan. Malalim ang aking iniisip. Hindi mawala sa aking isipan ang sinabi ng aking ama. “Marry Deshauna Barrameda. She's capable of running a company. Magaling siya, Tobias, at kailangan natin siya upang mas mapalago ang ating kompanya. Huwag mo akong bibiguin.” Napabuntonghininga ako. Gulong-gulo na ang aking isipan. Kailanman ay hindi ko gusto ang dalaga. Matagal na ko na siyang kilala ngunit mas natuon ang aking atensyon sa pinsan niyang si Tatiana. Hindi ko maisip kung paano ko pakikitunguhan ang dalaga kung sakaling maikasal ako sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Daddy ay dumiretso ako sa Gin Palace na pagmamay-ari ni Tim, ang aking best friend. “Tobias.” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. “Tim,” malamig kong sagot. “What brings you here?” tanong ko sa kaibigan. Tinaasan niya ako ng kilay. “I own this place,” pabalang niyang sagot. “Nakalimutan mo na?” tanong ni Tim. Halata sa boses niya ang pagtatampo. Napabuntonghininga ako. “I have a problem,” nakangiwi kong wika. Umupo siya sa aking tabi. Nilaro-laro ko ang hawak na kopita. Hindi ko pa naiinom ang laman nitong alak. “Babae?” baling na tanong sa akin ng katabi. Hindi ako sumagot. Tumango-tango si Timothy. “Babae nga,” sagot niya sa sariling tanong. Buntong Hininga ang aking katabi. Nanatili akong tahimik at hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I don't want to appear rude or mean to him. “Magkuwento ka,” utos ni Tim sa akin. “I don't like her,” panimula ko. Umiling-iling ako. Diring-diri. “I just don't want to be entangled with her. I don’t like her,” namomroblema kong saad. “Deshauna?” patanong na sagot ni Tim sa akin. Tumango ako. “Tobi, mag-isip ka nang maayos. Baka sakaling magbago pa ang isip mo. Deshauna is good. Tama si Tito. Magaling si Deshauna sa lahat ng bagay.” Umiling ako. Ayaw kong marinig ang iba pa niyang sasabihin tungkol sa babae. Hindi lang talaga matanggap ng aking isipan na magpapakasal ako sa kanya. She's not my type. She's boring, plain, and too innocent. Ibang-iba siya kay Tati. Mas gusto ko si Tatiana kaysa sa kanya. “Hay naku! Bakit naman kasi pumayag ka?” tanong ni Timothy. Pati siya ay namomroblema na rin dahil sa akin. Hindi ako nagsalita. Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. “I think we're on the same boat,” usal ni Tim kapagkuwan. Nagtataka ko siyang tiningnan. Nakakunot ang noo niya. Nakatiim ang bagang at nakakuyom ang mga kamao ng aking katabi. “What do you mean?” tanong ko sa kaibigan. “I was forced into a fix-marriage.” Nagulat ako nang abutin ng binata ang hawak kong kopita at inisang lagok ang laman nito. “H-Hey!” nagugulat kong awat kay Timothy. “That's mine!” singhal ko pa. Nilingon niya ako. “Wala ka yatang planong inumin iyon, eh,” rason ng kaibigan. “Tsk! I payed for it!” reklamo ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang ang aking katabi. Masama rin ang timpla ng mukha nito. “Then, shall we drink our sorrows away?” tanong niya sa akin. Sumang-ayon ako. Isang pitik lang ng kamay ng kaibigan ay inasikaso kami kaagad ng mga staff ng kaibigan. Pumunta kami sa VIP room at doon nilunod ang mga sarili sa alak. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. NAGISING akong masakit ang ulo. Hinilot-hilot ko ang aking sentido. Nasusuka ako. Kaagad akong tumayo at hinayaan kong mahulog sa sahig ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Kaagad akong naglakad papasok sa banyo at naghilamos. Tiningnan ko ang aking mukha. Namumula ang aking labi at namamaga iyon. Nagtataka ko itong hinaplos. “What the heck!” gulat kong sigaw. “Kinagat ba ako ng lamok?” tanong ko sa sarili. “Tsk!” Mahilo-hilo akong lumabas at naglakad pabalik sa kama. I stopped on my track. Ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata. Nakahiga sa kama ang isang babae. Oo, babae at hindi ko man lang ito napansin kanina. Mahaba ang aking mga hakbang habang papalapit sa kama. Hinawi ko ang kumot mula sa katawan ng babae. A shriek sound escaped from the woman's mouth. Wala siyang saplot sa katawan. Her hair was disheveled and a hickey was evident on her neck. Galit ang bumalandra sa mukha konang makilala ang babae. Kaagad ko siyang nilapitan at hinila ito paalissa aking kama. “What did you do?” dumadagundong ang aking boses nang tanungin ko ang dalaga. “Deshauna Barrameda!” sugaw ko sa malamig ang boses. “Aw! Nasasaktan ako!” reklamo ng dalaga. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay dahil sa galit. Nanginginig ang aking labi. Gulat at pagtataka ang bumalandra sa aking mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit nrto iya ngayon sa bahay. Nagpalinga-linga ako. Bahay namin ’tong dalawa. “B-Bitawan mo ako!” pakiusap ni Deshauna sa akin ngunit hindi ako nakinig. “What did you do?” pasinghal kong tanong sa kanya. Hindi siya nakapagsalita. Nangangatog ang kanyang mga tuhod at kamay. Pati ang labi ng dalaga ay nanginginig dahil sa takot. “Let me go! Please!” nahihintakutang sambit ni Deshauna. Binitawan ko siya. “W-What did you do to me?” kinakabahan kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at bakit nagising akong magkatabi na kami sa kama. “N-Nothing,” nanginginig na sagot niya sa ’kin. “Ikaw ang may ginawa sa ’kin,” anunsyo niya dahilan upang matigilan ako. Nagtataka ko siyang tiningan. “What?” gulat kong tanong. “Pinagsasabi mo?” hindi makapaniwala kong tanong ulit sa kanya. Pansin ko ang pagiging balisa ni Deshauna. Hindi siya makatingin nang diretso sa aking mga mata. Mas lalo lang akong nagagalit sa kanya. “We made love.” Tumaas ang aking kilay nang marinig ko ang kanyang sinabi. “What?” Pumalatak ako. “Made love?” “You’re delusional, Deshauna. I can't even look at you!” Tumawa ako nang malakas. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Tiningnan ko ang aking katawan. Nakasuot ako ng boxer samantalang si Deshauna ay tanging manipis na nigth gown lang ang nakabalot sa katawan nito. Umiling ako. “Get out!” pagtataboy ko sa kanya. Nagtataka siyang napatitig sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang kumot. Halata sa mukha nito ang pagiging balisa at malamang ay hindi nito alam kung ano ang gagawin. Ayaw niyang masaktan niya ito. Wala siyang ideya sa mga nangyari at gusto niyang malaman ang totoo. “Lumabas ka na bago pa kita kaladkarin!” banta ko gamit ang mababang boses. I grabbed a robe and stormed out of the room. Madness flashed in my mind. Paano nangyaring kasama ko siya sa kama? Ganoon na ba ako kalasing kagabi? Bakit wala akong maalala? Bakit walang pumapasok sa aking isipan? No memories, nada, nothing. I fetched my phone at mabilis kong hinahanap ang numero ni Tim at tinawagan ito. I heard a ring. “Timothy,” malamig ang boses na bunagd ko sa kaibigan. “W-Why? It is still early, Tobias. Natutulog pa ako,” napapakamot sa ulong reklamo ni Timothy. “Lasing ba ako kagabi?” walang kagatol-gatol kong tanong sa kanya. Natahimik ang kabilang linya. “Why are you asking?” “Just answer my question,” mariin kong usal. Buntong hininga siya. “Yeah,” sagot ni Tim. “Rate it,” utos ko. “W-What?” bulalas niyang tanong. “Just rate it! D*mn it!” singhal ko. “Whoa! Whoa! Easy!” pagpapakalma niya sa akin. “10 out of 10,” sagot niya kapagkuwan. Napangiwi ako sa narinig. “What!” malakas kong singhal. “Whoa! What happened?” usisa ni Tim. Naiwang nakanganga ang aking bibig. I can’t believe it. Napailing ako. “I don't know,” pabulong kong sagot. “I think I was bewitched,” komento ko nang matauhan. Narinig ko ang marahas na paghinga ng aking kausap. “Huh? What do you mean?” nagtataka niyang tanong. “Magkasama tayo kagabi, Tobi. Ano ba ’yang pinagsasabi mo?” gulat na tanong ni Tim. Napabuntonghininga ako. “Hindi ko rin alam. I woke up with a woman beside me, Tim. I can’t believe it!” malakas kong singhal. Nahilamos ko ang sariling kamay sa aking mukha. Napamura ako sa sobrang kaba. What if something happened between us? I can’t accept that fact. Hindi puwede. Natigilan ang nasa kabilang linya ngunit kalaunan ay malakas siyang tumawa. “What the heck? Ano naman ang nakakatakot doon?” hindi makapaniwalang tanong ni Tim sa akin. Napaismid ako. “D*mn it! Hindi puwede, Tim! Hindi puwede! I can not accept this!” nanggigigil kong sambit. “Hindi ko ito matanggap!” dagdag ko pang sigaw dahil sa inis. “And you are laughing at me!” pagmamaktol ko pa. “What!” pasinghal na usal ni Tim. “Come on, Tobias. Hindi na ako nagulat, okay? You are twenty six. Natural na lang ’yan,” komento pa ni Tim. Napailing na lang ako. “Bata ka pa. Tayo. Ayos lang ’yan,” pang-aalo la niya sa akin. Napabuntonghininga ako. Hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi. “No! Hindi ko naiintindihan! Hindi nga puwede!” matigas kong pagtanggi. “H-Ha?” tila gulat na tanong sa akin ni Tim. “Ano ba ang problema? Bakit hindi puwede? What's wrong with you?” “Argh! It was Deshauna, Timothy! I can’t believe my eyes! She was here. Well, pinalayas ko na.” “W-What?” gulat na tanong ni Tim sa akin. “Dude, you're doomed.” Napabuntonghininga na lamang ako. “Okay. Bye.” Pinatay ko ang tawag. Nahilot ko ang sentido dahil sumakit iyon. Huminga ako nang malalim upang maalis ang inis sa aking dibdib. Wala akong maalala. Pinilit kong inalala ang mga nangyari ngunit wala akong nahita. There were clouds in my mind. Nothing popped up. Nothing. Not even a single one. “Damn it!” natutuliro kong singhal. Did something really happen between us? Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. Binuksan ko ang refrigerator. Can of beer ang aking nakuha imbis na tubig. Dahil sa inis ay binuksan ko na lamang ito at mabilis na tinungga ang laman. “Ah!” sigaw ko. Sinabunutan ko ang sarili. Wala talagang pumapasok sa aking isipan. Padabog kong itinapon ang lata ng beer sa basurahan na nasa tabi ng counter. Naglakad ako papuntang sala at pabagsak na naupo sa sofa. “My head is spinning,” nauubusan ng pasensyang usal ko bago pumikit. Deshauna's POV Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto pagkatapos akong pinagtabuyan ni Tobias. Halos liparin ko ang distansya ng hagdan at sala upang makababa kaagad. Hindi ko na naisip na kunin pa ang aking mga damit. Halos mapunit ang aking nightgown dahil sa sobrang pagkataranta. Mabuti na lang at nahablot ko pa ang aking maliit na bag bago makababa. Kaagad kong tinawagan si Jennie upang sunduin niya ako. “Jennie!” bulalas ko nang ilang minuto ang lumipas ay sumagot siya. “Bakit ang tagal kong sumagot?” tuliro kong tanong. “Y-Yes,” aligagang sagot ni Jennie. “Bakit?” tanong niya. “Please, sunduin mo ako! Tobi is mad!” hestirikal kong sambit. Nilingon ko ang aking pinanggalingan. may narinig akong nabasag. Oh my goodness! What did I do? Deshauna, you are doomed! “H-Ha? What! Why? Ano ba ang nangyari?” naguguluhang tanong ng aking kausap. “Please! Bilisan mo! Sunduin mo ako sa labas ng subdivision! Bilisan mo!” mariin kong utos. “Wait! Nagbibihis pa ako!” reklamo ni Jennie. Kaagad kong pinatay ang tawag at mabilis na naglakad palabas ng Subdivision. Pinagtitinginan pa ako ng guard dahil sa aking hitsura. Hindi ko man lang natingnana ang aking sarili sa salamin. Wala akong kaide-ideya kung ano ang hitsura ko ngayon. Kaagad kong sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri. “Goodness! This is insane!” saway ko sa aking sarili. Napalundag ako sa gulat nang may humintong sasakyan sa aking harapan. Humahangos akong sumakay at padarag kong isinara ang pinto. “Go!” utos ko pa. Gulat kong binalingan si Jennie. Saka ko lang napansin na wala siyang suot an pang-ibaba. “What?” taas-kilay kong tanong. “Magkuwento ka,” wika niya. Bumuntonghininga ako. Habang nagmamaneho siya ay hindi ako mapakali. “Ano na? Hindi ka ba magsasalita? What did you do this time, Deshauna?” may banta sa boses na tanong ni Jennie sa akin. Pilit akong ngumiti. Ramdam kong naging ngiwi iyon dahil sa kaba. “Ahm, I had this wild and stupid idea. And then, boom, failure,” usal ko. Tumaas ang kilay niya kahit hindi siya nakatingin sa akin. “Huwag mo nga akong tino-talkshit, Des. Seryoso ako rito. What did you do?” Huminga ako nang malalim. “Something happened. Yesterday. Pinapipirma ako ni Tita Ana. Gusto niyang makuha ang kompanya. Ibebenta niya ang Manor kung hindi ako papayag sa kanyang kondisyon,” mahabang paliwanag ko. Nagugulat na tumingin sa akin si Jennie. “What?” “I know. She’s a little cray-cray,” wika ko. “She wanted the Capstone, Jen. Gusto niya ring ibigay ko ang lahat ng projects ko kay Tatiana.” Nahampas ni Jennie ang manibela. “That’s ridiculous!” malakas niyang singhal. Bumuntonghininga ako. “I know. Pero kasi, ayaw ko ring mawala sa akin ang Manor, Jennie. Naroon ang alaala ko kay Mommy Thea. I don't want to lose my home,” malungkot kong saad. “Bakit ka naman pumayag?” nagtataka niyang tanong sa ’kin. “The Manor was listed in market already. Wala akong magawa,” wika ko. “Ibibigay niya sa akin ang Manor king papayag ako sa gusto niya. Bunos na lang si Tobi,” pilit ang ngiting wika ko. “Oh! Ano nga pala ang nangyari sa inyo? Bakit ka niya pinalayas? At bakit ba naroon ka sa bahay na iyon?” sunog na tanong niya sa akin. “Doon ako pumunta pagkatapos kong makipagsagutan kay Tita Ana. Hindi ko alam na doon siya uuwi. He was drunk, kaya may nagawa akong, mali.” “Tapusin mo na at naiinis ako sa ’yo,” nakasimangot na usal ni Jennie. “I, pretend, that something, happened between, us,” paputol-putol kong sagot. Baka kasi mabatukan niya ako. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang aking sinabi. “Are you crazy?” bulalas niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Para siyang bumubuga ng apoy. “Nababaliw ka na, Deshauna. Bakit ba hindi mo na lang siya hayaan?” inis niyang tanong sa akin. “Oo, alam kung gusto mo siya pero, Des, hindi ikaw ang mahal niya. Hindi ikaw ang gusto niya. Let him be,” sermon niya sa akin. “Hayaan mo siya,” pag-uulit pa niya. Tunahimik ako. Wala akong masabi. Totoo naman. Lalo na ngayon na may nagawa akong mali sigurado akong mas kamumuhian ako ni Tobias. Ngunit ayaw kung maging masaya sila. Hindi puwede. Hindi maaring makuha niya ang lahat ng akin. Sa akin dapat si Tobias. Ako ang una sa kanya. He was mine first at hindi ako papayag na mapunta lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi ako magiging masaya kung hahayaan ko silang magtagumpay. Napailing ako. Hindi ko sasabihin kay Jennie ang aking sunod na plano. I need to lie low for now. Iiwas muna ako sa kanila. A month later, bitbit ko ang isang paper bag galing sa drug store. Suot-suot ko ang aking sunglasses dahil ayaw kong may makakilala sa akin. Hindi rin natutuloy ang engagement nina Tobias at Tatiana. Hindi ko alam kung bakit. Marami na rin ang nagtatanong lalo na sa social media kung bakit hanggang ngayon ay hindi nila ako mahagilap. Well, may pinaghahandaan ako. Marami naman ang nakakaalam na hiwalay na kami ni Tobias. Hinayaan kung magkagulo ang mga tao tungkol sa relasyon namin. Today is the right time to cause chaos between the two lovebirds. Napangisi ako habang tinitingnan ang dalawang guhit sa pregnancy test. Of course, it’s fake. Ngunit ito na ang huling pagkakataon upang mabawi kung ano man ang inagaw ni Tatiana. Hindi ako papayag na siya ang magiging masaya sa huli. Umuwi muna ako sa Manor. Mag-isa ko na itong inaalagaan sa ngayon. Hindi ko kaya, lalo na at nawalan ako ng trabaho dahil napasakamay na nila ang Capstone. Ang kompanya ni Mommy Thea. Mapait akong ngumiti. Kaagad akong naligo. Pagkatapos ay nag-ayos ako. Pinasadahan ko ng tingin ang susuutin kong damit. High slit iyon at kita ang aking mga hita. The dress was red. Red like lava, loose and flowing elegantly as my stiletto tapped a rapid rhythm. I smiled at my own reflection. “Well, let’s hope for the best!” excited kong sambit. Binalingan ko ang maliit na purse at tiningnan ko ang laman niyon. “Today will be good,” usal ko pa. Ilang minuto lang din ang ginawa kong pagmamaneho bago ko narating ang The Capstone. Naghintay siya ng ilang minuto bago niya naisipang bumaba. Inayos niya ang suot at tuwid na tumayo. Taas-noo, habang naglalakad siya papasok sa malawak na bulwagan ng kompanya. Halos patapos na rin ang seremonyas nang makapasok ako. Halos lahat ng mga naroon ay sa akin natuon ang paningin. I hear gasps, mumblings, and gossip. I didn't mind and I didn't care. Diretso lang ang tingin ko sa mga taong nakatayo sa harapan. Magkahawak-kamay ang dalawa at halata sa mga mukha ng mga ito ang gulat nang makita ako. I smiled lightly. “Am I late?” I asked the obvious. Natawa ako nang mahina. “Sorry, I missed the party,” anunsyo ko. Kaagad na nalukot ang ni Tatiana. Napansin ko ang mahigpit niyang kapit sa katabing si Tobias. Maging ang binata ay masama ang tingin sa akin. Mabuti na lang at may tumutugtog na musika at hindi masyadong awkward ang paligid. “Deshauna,” tiim-ang bagang na usal ni Tobias. “Don't make a scene here,” mariing banta sa akin ni Tobi. Ngumisi ako. “Hmm. I am not making a scene. Sorry, I welcomed myself without your consent. Ngayon ko lang din kasi nalamang may pa-party rito.” Nagpalinga-linga ako sa paligid. Rinig na rinig ko ang bulung-bulungan sa paligid. “Is that Deshauna?” “Wow!” “She looked stunning!” “The dress is gorgeous!” “Whoa! She’s hot!” Napangisi ako ulit. Nginitian ko nang matamis ang dalawa. Biglang lumapit sa akin si Tita Ana. Nagmano ako bilang paggalang. “Deshauna,” nagbabanta ang boses na aniya. “Hello, Tita. I'm sorry I was rude for ruining the party.” Bumuntonghininga ako. “I am just here to give something,” anunsyo ko. I heard gasps. Hindi ako lumingon. Now is the time. Ayaw kong masira ang plano. Tinitigan ko sa mga mata si Tobias. “Here.” Inilahad ko ang aking kamay. “Make sure to see it before you throw it,” utos ko pa. Tumalikod akong may ngiti sa labi ngunit nangangatog ang aking mga tuhod dahil sa sobrang kaba. I managed to casually smile to everyone before disappearing from the crowd. A positive pregnancy test will turn their whole world upside down.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD