Title; Amara the dreamer Chapter 43 “ TITA Amara pwedi po ba tayo mag sayaw?” Untag ni Renzo sa kanilang pag-uusap ni Edward ng nasa venue na sila ng kasal. “ Naku, may kaagaw pala ako.” Nakangiting biro ni Edward sa anak. Niyakap niya si Renzo at dinala sa bulwagan nakihalo sila sa ibang mga bisita naroon nagsasayaw. “ Tita Amara, papakasalan mo ba si daddy? magiging mommy na po ba kita?” bigla tanong nito. Natatawa siya rito“ Mas ma bilis pa ata tong bata nato kaysa ama.” “ Tita Amara, I want a baby brother, para may kalaro napo ako.” Natigilan siya sa sinabi nito. “ Sino ang nagturo saiyo niyan?” Nakangiti niyang tanong rito. “ Wala po, ako lang po.” Tinignan niya ito ng maigi saka piningot ang ilong “ May nagturo ata saiyo niyan eh" “ Wala nga po, nalulungkot lang po a

