Title: Amara the dreamer Chapter 32 “ AMARA, magkape ka” alok ni Ivy nang makita siyang lumabas nang kuwarto kinaumagahan. ” Hindi ako nakatulog ka gabi.” sabi niyang umupo. “Ano na ang plano mo ngayon?” tanong ni Ivy nagsalin nang kape sa tasa. “ Hahanap muna ako nang puwesto na pansamantalang titirhan namin ni Inay. Tapos aayusin ko ang pagbawi nang sa akin" humigop siya nang kape na inabot sa kanya ni Ivy. " Nay, magkape na kayo" baling niya sa ina nang nilapitan sila nito. " Magandang umaga tita" bati ni Ivy rito " Magandang umaga din Ivy" tugon nitong umupo sa tabi niya. " Nay, hahanap lang ako nang pansamantalang titirhan natin ha? babalikan ko kayo mamaya" sabi niyang tinapos ang kanyang agahan. DUMAAN muna siya nang boutique bago siya naghanap nang mauupahan. Halos ma

