" NAKU babangon na talaga ako, naka dalawang beses kana ah." sabi niyang mabilis na tumayo bago pa siya angkinin nitong muli.
"Kahit ilang beses pa ako mag p****y burger hindi ako mag sasawa." natatawang sabi nito.
“ Ewan ko sayo!” inirapan niya ito at tinungo ang banyo.
" Amara."Tawag nito sa kanya nang nasa pintuan na siya. " I love you" Sabi nito ng linungin niya.
“ I love you too” kinikilig niyang tugon rito at iniwanan na niya.
Dumeretso siya sa kusina pagkatapos niyang maligo. Masaya siyang naghahanda ng kanilang pananghalian. First time niyang makasalo si Edward na tanging sila lang dalawa. Hindi ma alis alis ang mga ngiti sa kanyang labi.
Paakyat na siya sa itaas para tawagin ang binata nang makapag pananghalian na sila. Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang tunog nang doorbell.
“ Sino nanaman kaya itong nagdo-doorbell?” tinungo niya ang gate para tignan kung sino ang dumating.
Nagulat pa siya nang mapag buksan si Sheila nang gate. Bigla siyang nanlumo sa isipin hindi nanaman niya makasalo ang amo sa pananghalian.
“ Para ka ata nakakita ng multo." pagtataray nito sa kanya nang mapansin ang pagka gulat sa mukha niya.
“ Ano nanaman kaya ang ginagawa nang babaeng ito?” bulong niya sa sarili
" Ang sir mo?"
" Nasa kuwarto niya natutulog” tugon niya rito.
Nakasunod siya ritong naglakad papasok sa loob. Dumiretso itong umakyat sa itaas papunta sa silid nang binata.
Ngaling-ngali siya hilahin ang buhok nito sa inis. Pero pinigil niya ang kanyang sarili alam niyang mapapahamak siya pagginawa niya iyon.
Masakit man sa dibdib makita niyang may kaagaw siya, pero kailangan niyang maghintay kung kailan ang tamang panahon para sa kanila ni Edward.
“ Kung kailan man ang panahon na iyon, ay ang hindi ko alam” maypait sa boses niya nang sabihin niya iyon sa sarili. Pumasok siya sa kusina para tapusin ang ginagawa niya.
NAG WAWALIS siya sa sala nang makita magkasunod na bumaba nang hagdanan si Edward at Sheila pareho seryuso ang mga mukha nito.
Sinulyapan siya ni Edward at dumeretso itong naglakad palabas nang bahay.
“ Amara buksan mo ang gate” utos sa kanya ni Sheila.
Nilapag niya ang walis at tinungo ang gate para buksan iyon. Nakatayo siya sa gilid sa nakabukas na gate.Inantay niyang makalabas ang sasakyan ni Edward.
“ Saan kaya ang punta nang dalawa. Ano kaya ang nangyari? bakit Seryuso ang mga mukha nila” sa isip niya habang nakatingin kay Edward na nagmaneho nang kotse. Nasa tabi nito si Sheila nakaupo.
Hindi maalis sa isipan niya ang pagiging seryuso sa mukha nang dalawa. Ngayon niya lang ito nakita sa ganoong ayos na para bang masabitan nang isang kilong baboy ang mga nguso.
Malungkot ang mukha niyang kumain mag isa. Na udlot ang inasam asam niya kanina makasama ang binata sa hapagkainan.
Ilang oras na ang nakalipas hindi parin bumabalik si Edward. “ Saan kaya sila nagpunta magdidilim na hindi parin bumabalik si Edward”
Insaktong alas syete nang gabi nang dumating si Edward. Agad niyang tinungo ang gate para pagbuksan ito.
Napakunot-noo siya nang makita magkasunod ang sasakyan ni Consita at ang sasakyan nang mga magulang ni Sheila.
“ Ano ba ang meron?” takang tanong sa sarili.
Dumeretso sa sala sina Edward at Sheila. Kasunod ang mga magulang nito. Naguguluhan siyang isinara ang gate.
" Amara!" Tawag sa kanya ng among babae. Mabilis siyang lumapit rito.
Tinapunan niya ng tingin ang binata malungkot ang mukha nito nakayuko.
Katabi nito nang upo si Sheila at mag katabi ang mga magulang nang babae sa harap nila. Nakaupo naman ang ginang sa dulo nang sofa.
“ Mukhang seryuso ang usapan” anas niya nang makita puro seryuso ang mga mukha.
" Ma'am, bakit po?" tanong niya nang makalapit sa Ginang.
“ Ipaghanda mo kami ng maiinom.” Utos nito.
“ Okay po ma’am” tugon niya at tumalikod upang magtungo sa kusina.
" Kailan ang kasal?" Excited na tanong ng Ginang sa mga magulang ni Sheila.
Hindi pa siya gaano nakalayo kaya rinig na rinig niya ang boses ni Consita.
" Sa lalong madaling panahon” tugon nang ama ni Sheila.
“ Naku, mare magiging mag bala-i na tayo." Masayang sabi naman ng ina ni Sheila.
“ Magpapakasal na si Edward at Sheila?” hindi maka paniwalang bulalas niya
Parang pinag sasaksak ang puso niya sa subrang sakit nang kanyang naramdaman.
“ Paano magpakasal si Edward kay Sheila? Paaao ako? ang sabi niya mahal niya ako? pinaasa lang niya ako?napahikbi na siya
Patakbo siya pumasok sa loob ng c.r at don binuhos ang naramdaman hinanakit para sa binata.
" Ang tanga tanga ko naniwala sa iyo mahal mo ako. Ang sabi mo gagawa ka ng paraan para ipakilala ako sa nanay mo.
Pero bakit magpapakasal kana?" napahagolhol siya. Itinakip niya ang palad sa kanyang bibig. “ Ang sakit sakit”
" Amara!" narinig niyang tawag sa kanya ni Consita ng mapansin siyang matagal nakabalik.
Pinunasan niya ang kanyang mga luha at lumabas ng c.r. namugto ang kanyang mga mata humarap sa ginang.
" Amara, bakit ganyan ang hitsura mo? Umiiyak kaba?" alalang tanong nang ginang sa kanya nang mapansin na mugto ang kanyang mga mata.
" Na puwing lang po ako ma'am." tugon niyang nakayuko. Sa sulok nang kanyang mga mata nakita niyang nakatingin sa kanya si Edward
" Pwedi po ba akong magpaalam ma'am maaga sana ako uuwi? masama ho kasi ang pakiramdam ko." Sabi niya na pigil ang sarili wag maiyak.
Tumango tango ito sa kanya“ Sige,pero agahan mo bukas ha?” bilin nito.
“ Okay po, aalis napo ako ma’am. Mauna napo ako sa inyo” baling niya sa mga magulang ni Sheila at mabilis na tumalikod.
Halos takbuhin na niya ang kanilang bahay, para maibuhos lahat ang sama ng loob niya.
" Amara, maaga ata ang uwi mo ngayon?" bungad sa kanya nang ina.
" Okay ka lang ba?" Alala nitong tanong ng mapansin ang pagiyak niya.
" Nay, ganito ho ba ang naramdaman niyo nong niloko kayo ni itay?" tuluyan na siyang napahagolhol.
Napayakap siya sa ina sa subrang sakit na kanyang naramdaman.
“ Sino ba yang lalaki nanluko sa iyo anak?" hinaplos nito ang mahaba niyang buhok.
" Si Edward po nay." mahina niyang tugon.
" Naku, anak bakit ang amo mo pa?
Ang layo ng antas natin sa pamumuhay nila. Malamang mag hahanap yon ng ka uri niyang mayaman." Malungkot na sabi ng ina sa kanya.
“ Kaya nga nay, nagkamali ako ng inibig pero hindi ko ma utosan ang puso ko nay na wag siyang mahalin." Naiiyak niyang sabi sa ina.
" Aling Ema nandiyan po ba si Amara?"
Tawag ni Marikit ang pumutol sa kanilang iyakan mag ina.
Nag punas siya ng luha at nilabas ang kaibigan. " Marikit na dalaw ka? "
" Amara, nandito ako para tanungin ka na baka gusto mo sumama sa akin mag Japan.” Sabi nito sa kanya.
" Ano ang trabaho sa Japan?” Intresado niyang tanong.
" Mag Japayuki ako Amara, naghahap pa sila ng isa. Sumama ka” hikayat nito sa kanya.
“Gusto ko sana sumama Marikit pero hindi ko kaya iwan sila inay dito."
" Sayang naman Amara, tanggihan mo. Ang mahal ng sahod doon matutupad mo ang pangarap mo Amara." Pangungumbinsi nito.
" Pag iisipan ko Marikit," tugon niya rito