Title; Amara the dreamer Chapter 39 KANINA pa natapos ang cremation sa bangkay ni Harikasi. Yakapyakap niya ang urn nito may laman ashes. Hindi siya natinag sa kanyang kinauupuan. “ Harikasi naman, bakit kaba umalis sa tabi ko?” Nag uunahan na naman sa pagpatak ang kanyang mga luha. “ Amara tayo na” pukaw sa kanya ni Ivy. “ Ivy, namimiss ko talaga si Hari” humihikbi niyang sabi. “ Alam ko Amara pero kailangan mo din umuwi na at magpahinga” “ Paano ako makakatulog Ivy ngayon wala na si Hari sa tabi ko. Nasanay akong katabi siya” Niyakap siya ni Ivy saka hinaplos haplos ang kanyang likuran. “ Anak, tayo na umuwi na tayo” pukaw sa kanyang ina. Tumayo siya at naglakad papunta sa kanyang sasakyan. NAKAKABINGI katahimikan ang sumalubong sa kanya nang buksan niya ang pintuan nang ka

