Title: Amara the dreamer Chapter 34 GABI NA NANG ihatid si Amara ni Ivy sa bahay nila. Nagulat pa siya nang maabutan ang sasakyan ni Harikasi sa labas nang kanilang bahay. " Bakit nandito ang sasakyan ni Harikasi?" kunot-noo niyang tanong. Nagmamadali siyang bumaba sasakyan. “ Ano kaya ang kailangan nang driver ni Harikasi?” aniya sa sarili habang naglakad papasok sa loob nang kanilang bahay. " Nay?" Nagulat siya ng makita si Harikasi naka upo sa plastic na upuan. Ang buong akala niya ay nasa Japan ito. Nagtama ang kanilang mga mata. Kumakabog ang kanyang dibdib habang titig na titig sila sa isat’isat. Hindi niya alam paano ito harapin. Nahihiya siya sa kanyang ginagawa dito. “ Amara” sambit nito sa pangalan niya na may bahid nang lungkot sa boses nito. Kumirot ang puso ni

