Amara the dreamer Episode 4

1204 Words
" HINDI kaya si Amara ang babaeng nagsasayaw sa birthday ni Patrick?" naitanong niya sa sarili. Hindi parin siya kumilos mula sa kanyang pinagka sandalan nang makalabas siya nang banyo. " Imposible naman" bawi nang isang bahagi nang isipan niya. "Pero kahawig talaga eh. Ayaw ko man aminin pinukaw niya ang pagka lalaki ko. Ang kinis talaga nang katawan ni Amara, may pagka miss flawless kung tawagin. Saka ang lambot nang katawan “ tumingala siya sa kisame saka ngumiti nang maalala ang nakita" Inferness malinis siya naka shave" natatawang sabi sa sarili. MATAGAL naka tulala si Amara, nang maiwan ni Edward. Hindi niya akalain na makita siya nito sa loob nang banyo “Akala ko umalis siya nandito lang pala sa bahay. Nakakahiya makita ako sa ganon na ayos." nagmamadali siyang naligo. Hindi niya maiwasan mapa ngiwi nang maaalala nakita siya nito nagsasayaw. " Ay ewan, basta nakakahiya talaga!” sinuot niya ang kanyang short at ang t-shirt saka lumabas nang banyo. " Ang galing mo palang kumimbot"natatawang sabi ni Edward nakasandal sa dingding. Sinadya siyang hinintay nitong lumabas. Napapiksi siya sa pagka gulat nang bigla itong nagsalita" Aatakihin naman ako sa puso sa ginagawa mo" naka simangot niyang sabi. Hindi makatingin rito na iilang siya. Nakita na nito ang hubot hubad niyang katawan. " Ang ganda pala ng katawan mo Amara, hindi lang halata dahil sa kasoutan mong mga maluluwang na damit." sabi pa nito na lalong nagpapailang sa kanya. "Bakit ho ba kasi kayo pumasok bigla bigla." Maktol niya rito na hindi parin makatingin. " Hindi ko naman alam na nandoon ka, bakit hindi ka naglock nang pinto? " " Hindi ko naman kasi alam nandito ka pala sa bahay akala ko kasi lumabas ka" paliwanag niya. " Sa susunod maglock kana nang hindi ka mabusuhan" tukso nitong sinabayan nang pagtalikod. Naiwan siyang natigilan. Hindi niya ginusto ang makita siya sa ganong ayos nang amo na para ba siyang baliw." nakakahiya talaga!" bulalas niya nang maalala ang pagkikimbot kimbot niya sa loob nang banyo Matapos niyang makapag luto nang kanilang hapunan agad siyang naglatag nang plato sa mesa bago pa siya nakatapos sa pag hain nang pagkain bumaba na si Edward. Nagkatitigan silang dalawa nang lumapit ito sa hapag kainan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaction. Nauna siyang nag baba nang tingin. " kain kana" sabi niya sa mahinang boses. Ngumiti ito na tila nanunukso " Show me how you bursleque" natatawa nitong sabi sa kanya. Bigla nag init ang dalawang niyang pisngi sa sinabi nito. Hindi niya alam kung matutuwa pa ba siya nakipag kulitan ito sa kanya or mahihiya. Ang tagal niyang hinintay ang araw na ito mabigyan siya nang pansin ngunit hindi sa ganitong paraan. " Kumain nalang po kayo, gutom lang yan" sabi na lamang niya rito at sinabayan niya iyon nang pagtalikod pumasok siya sa kusina para hugasan ang pinaglutuan niya. Nang sa ganon may dahilan siyang mawala sa harapan nang binata. " Samahan mo ako ritong kumain Amara" aya nito sa kanya. Nilingon niya ito at nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti ito sa kanya bigla siyang kinilig nang ngitian siya nito " Ang guwapo talaga hindi nakaka sawa" anas niya. Nagbawi siya nang tingin hindi niya kayang tagalan ang tingin ni Edward. " Mamaya na ako" maikli niyan tugon pinagpatuloy ang ginagawa. Binilisan niyang matapos ang kanyang trabaho sa kusina nang makauwi na siya nang maaga. Niligpit niya ang pinagkainan ni Edward nang matapos itong kumain. “ Salamat Amara masarap ang niluto mo” puri nito sa kanya nakatayo sa harapan niya. Gusto niyang ilapat ang kanyang palad sa noo nito para masiguro hindi ito nilalagnat. “ Himala nag papasalamat na ito ngayon” bulong niya sa sarili Naglakad ito paakyat sa hagdanan sinundan niya ito nang tingin. Huminto ito sa paglakad bago tuluyan umakyat. Yumuko siya para bitbitin ang plato papunta sa kusina nang magsalita ito. “ Amara, I pologize sa nangyari kanina” anito sa seryusong mukha. “ Wala iyon, kalimutan muna yon” tugon niyang tumalikod bitbit ang plato papunta sa kusina. Matapos niyang gawin ang mga trabaho niya umakyat siya sa itaas para magpaalam na kay Edward na uuwi na siya. KANINA pa nakahiga si Edward sa kama. Matapos niyang kumain nang hapunan ay bumalik siya sa kanyang silid. Hapong hapo ang pakiramdam niya kanina nang nasa hapagkainan siya pero ngayon nasa silid na siya bigla nawala ang kanyang pagud. "Edward, aalis na ako" narinig niyang boses ni Amara sa labas nang kanyang silid. " Okay, pakisara nalang ang pintuan sa ibaba pagka labas mo" tugon niyang hindi kumilos sa pagkahiga Nakipag titigan siya sa kisame nang biglang mag flashback sa kanyang isipan ang mukha ni Amara at ang babae sumayaw. "" iisa lang ba sila? bakit ba nagulo ang isipan ko ni Amara?" Kinuha niya ang kanyang celphone nasa kanyang tabi at tinawagan si Steve. " Taga saan ba iyong babae sumasayaw?” bungad niya nang sagutin ni Steve ang tawag niya. " Hindi ko nga alam ang kulit mo. kakilala lang iyon nang kakilala ko. Bakit ba kasi atat kang makilala siya?" angal ni Steve sa kabilang linya. Halatang nakukulitan na ito sa tanong niya. Napa kamot siya sa ulo" kasi may gusto akong malaman" tugon niya. " Papasa nga nang number nang kakilala mo" tila ba hindi na matatahimik ang kaluluwa niya kapag hindi niya makilala ang babaeng iyon. Masyado na nitong ginulo ang mundo niya. " Ako na ang tatawag" alok ni Steve sa kabilang linya. " Obsesses kana ata riyan" narinig niyang sabi bago nito pinindot ang end button nang celphone. Nagpalakadlakad siya sa loob nang kanyang kuwarto habang hinintay ang tawag ni Steve. Hindi na siya makapag antay malaman sino iyong babae gumulo sa isipan niya. lumipas ang ilang minuto hindi parin siya binalikan ni Steve. Kaya tinawagan na niya itong muli. " Marikit daw" tugon nito sa kanya nang sagutin nito ang tawag niya. Nadismaya siya sa sinabi nito. " Bakit ba ako dissapointed na hindi si Amara yon. Stupid me" kastigo niya sa sarili. " AMARA, pinapasabi nga pala nang kakilala ko pwedi kaba sumayaw uli sa birthday nang kaibigan niya ngayong huwebes? " Sabi ni Marikit sa kanya nang magkita sila sa poso Araw nang linggo day off niya kaya nag lalaba siya nang kanilang mga marurumi damit. Naalala niya ang paparating na birthday nang among si Edward. Baka mabuking siya nito pag mag sasayaw pa siya. " Hindi na ako mag sasayaw" tanggi niya. " Bakit naman? ikaw ang ni-request eh" giit ni Marikit. " Saka sayang din ang pera. Isang gabi lang may 5000 kana" pilit nito sa kanya. Napaisip siya sa kikitain niya tatangihan niya. Sayang nga iyon” Sige papayag na ako pero ganon parin ha? mag sout ako nang maskara" sabi niya rito. Tinangoan lamang siya nito. " BAKIT niyo ako pinapapunta dito sa hotel?"Takang tanong ni Edward sa mga kaibigan. "Syempre, hindi naman kami papayag na wala kaming maibigay na regalo sa iyo." Nakangising sabi ni Steve. “Bukas pa naman ang birthday ko” angal niya. Piniringan ni Steve ang kanyang mata gamit ang panyo at pinaupo siya sa gitna. “ Advance nanga” sabi nito habang tinali ang panyo sa likod nang ulo niya. Mayamaya pa narinig niya ang maharot na tugtug na careless whisper. Napangiti siya sa isiping makikita na naman niya ang babaeng noon pa niya gustong makilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD