Chapter 2

912 Words
Xavier's POV Napapikit na lamang ako sa takot at inihanda ang aking sarili sa katapusang naghihintay sa akin ngayon. Ngunit ilang sandali lamang ang lumipas ng makarinig ako ng mga kalabog kaya agad akong napadilat. Nasa harapan ko ngayon si Timothy Ezekiel at may mga kasama sya na nakikipaglaban sa mga nilalang  na duguan kanina. Hindi ak makagalaw sa mga labanang nangyayari sa harapan ko, sa loob mismo ng bahay namin. "Kuya!" Natauhan ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng bunso kong kapatid. Buhay pa sya! Kaya naman agad akong tumakbo papasok ng bigla na lang akong harangan ng isa sa mga pumaslang sa mga magulang ko at agad ako nitong sinakal at inihagis palayo.  Akma akong tatayo at kukunin ulit ang kapatid k ng pigilan ako ni Timothy Ezekiel. Bigla na lamang naglaho ang mga nilalang na pumaslang sa mga magulang pero nakita ko pa ang mga mata nila na kulay dilaw. At napatingin ako sa kapatid ko na hawak-hawak ng mga ito. "Kuyaaaaaaaaa!" Malakas at umiiyak na sigaw ni jerome bago sila tuluyang nawala sa aming paningin sa pamamagitan ng apoy na bigla na lamang lumabas sa mga kinatatayuan nila. "Hindi! Jeromeeeeee!" umiiyak ko na ding sigaw. Napatingin ako sa mama at papa ko. Tumakbo ako sa mga ito.  "Ma! Pa!" pilit kong niyuyugyog ang mga katawan nila at nagbabaka sakaling dumilat ulit ang kanilang mga mata. Naramdaman ko ang pagtapik sa aking balikat at may nagtatapik din sa aking likod na parang nagsasabing tahan na. Nakatitig lang ako sa mga magulang ko at sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ay bigla na lang nagdilim ang paligid ko. Pakiramdam ko ay nasa isa akong malambot na kama. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at nakita ko si Timothy Ezekiel na nakatitig lang sa akin. Inilibot ko ang aking paningin kung nasan ak pero hindi ko alam kung anong lugar to o kung kaninong bahay to. Muli akong tumingin kay Timothy Ezekiel. "Kamusta ang mama at papa ko?" Agad kong tanong sa kanya. "Gising na ba sila?" Sunod kong tanong dito. Pero buntong hininga lang ang itinugon sa akin nito at yumuko kaya agad nanaman akong umiyak. Sa isang iglap nawala ang pamilya ko. Wala na yung mga magulang ko at yung kapatid ko ay tinangay nila. "Bakiiiit?! Anong kasalanan namin?! Hindi. Hindi to pwedeee.!" Galit na galit kong tanong sa kanya habang umiiyak. Narinig kong bumuntong-hininga ulit si Timothy Ezekiel at umupo sa gilid ng hinihigaan ko. "Hindi na natin maibabalik pa ang nangyari na, pero maari mong baguhin ang mga maari mangyari pa." Makahulugang sabi nito sa akin. "Niloloko mo ba ako? Ang dami ko na ngang iniisip bibigyan mo pa ako ng bugtong dyan?" Asar na sagot ko sa kanya. "Tss. Magpahinga ka na muna." Asar na sabi nalang nito sa akin at tumayo upang lumabas ng kwarto na kinaroroonan ko ngayon. Iniisip ko ang mga mabilis na pangyayari. Kung bakit nila ginawa yun sa amin, sa mga magulang ko. "Teka bakit alam nila Timothy Ezekiel yung nangyayari sa bahay namin?" takang tanong ko sa aking sarili. Nakaramdam ako ng takot sa kanila ng maalala ko na hindi nga pala normal na mga nilalang yung mga nilabanan nila. "Hindi din ba sila normal o may balak din silang masama samin?"  Naputol ang pag-iisip ko ng pumasok si Timothy Ezekiel na may dalang tray ng pagkain, pero may mga kasama na sya ngayon. Lima sila kabilang na si Timothy.  "anong kailangan nyo at sino ba talaga kayo?" Lakas loob kong tanong sa kanila. Halata naman na hindi na nagulat itong mga 'to sa tanong ko marahil ay alam na nila na magtatanong ako ng ganito. "Ako si Timothy Ezekiel Baltazar, classmate mo ako sa school at ako yung nabunggo mo nung umaga at ako yung sumagip sayo sa rooftop at ako ang dahilan kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon." Pagpapakilala nito.  Napatanga na lang ako sa haba ng sinagot nya. Hindi naman yun ang ibig kog sabihin. "Sino kayo at ano kayo." Paguulit ko sa mga tanong ko. "We're evil." Seryosong sagot nito sa akin. Napanganga ako sa sagot nya. "Naka-drugs ka ba?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. "But how would you explain everything?" Baik tanong nito sa akin. Sabagay. Sa dami ng mga narasan ko sa isang iglap ay hindi na mahirap paniwalaan ang sinasabi nya sa akin ngayon. "Anong kailangan nyo o anong kailangan nila sa amin? Bakit nila ginawa yun?" tanong ko ulit sa kanya. "Ikaw." sagot nito. "Anong ako? Bakit? Anong kinalaman ko sa inyo?" sunod-sunod kong tanong ko sa kanya. "Because you are bound to be the greatest weapon of heaven against us." sagot ng isang lalaking kasama ni Timothy Ezekiel. "I'm Aera." kusang pakilala nito sa akin. "Anong greatest weapon of Heaven?"naguguluhan kong tanong ulit sa kanila. "A war between Heaven and Hell in the near future, And this planet  will be the battleground." sagot ng isa pa. "Im Jericho and this is Jonathan and Gregory." pakilala nito sa sarili at sa dalawa pang kasama nito. Napatingin naman ako kay Timothy Ezekiel Baltazar. "You can call me Ezekiel or whatever you want." Parang napipilitang sabi nito sa akin. "Im Xavier Alexis Xavier for short. Pero teka sandali, hindi ko talaga kayo maintindiha eh. Anong kinalaman ko at ng pamilya ko sa mga nangyayari sa inyo?" Tanong ko pa din sa kanila. "Tsaka kung mga demonyo kayo bakit nyo ako tinutulungan ngayon?" Tanong ko ulit sa kanila. ---------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD