Xavier's POV Unang araw namin Switzerland at sabak agad sa mga matitinding snow activities dahil hindi naman pwedeng naka mukmok lang kami maghapon sa kwarto. "Ano ready ka na ba? Ice Sledding muna tayo para dire diretso na tayo sa forest hunting" "Okay sige deal, teka suot lang ako ng jacket." Malapit lang samin ang mga puntahan para mag ice sledding kaya di na kami nahirapan na mag hanap pa. Una kong sinubukan dahil halata naman kay Aida na natatakot pa sya kaya nanguna na ako para naman makita nya na hindi naman talaga nakakatakot ang mag ice sledding. Nung una ay ayaw nya pa talaga pero nung napilit ko at sinabing baka matagal pa kaming makapunta ulit ay sumunod naman agad sya ayaw nya din kasing napapag iwanan kaya ayun sinubukan nya na din. "Oh ano? Sabi ko naman sayo maganda n

