Puspusan na ang pag prepare sa kasal na magaganap sa Korea habang patuloy pa din naman ang pagsasagawa ng bahay na kanila na ding titirahan matapos lang ang kasal. Hindi mapaglagyan ang tuwa na nararamdaman ng dalawang taong ito na ngayon ay pinapaalam na sa mga kanya kanya nilang magulang ang planong pagpapakasal. Sabi nila eh kailangan sigurado ka sa mga magiging desisyon mo kung tungkol ito sa kasal, lalo na sa kasal. Pero hindi naman kailangan pag isipan kung talagang mahal mo na ang isang tao hindi ba? Ganyan kung isipin ito ni Benedict, wala ng dapat sayangin na oras lalo pa at hindi naman na sila tumatanda. 2 buwan na ang nakakalipas nang dumating ang mga magulang ni Benedict para sukatan sila. Sunod naman na dumating sila Xavier, Aida at baby Aiden Xavier's POV "Wifey, akin na mu

