I dyed my hair again with black because its original color is already showing. It's evident when you'll look at the roots of my hair.
It's a Saturday at kagagaling ko lang sa coffee shop. Hindi kami nagkakasama ni Melanin kasi umabsent siya for the whole weekend. Binisita kasi nila ng Mama niya ang grandparents ni Mel na nasa Dipolog City.
Katulad ko, hindi rin kailanman nakilala ni Mel ang kanyang ama dahil buntis pa lang ang Mama niya, namatay na ang Papa niya dahil may cancer sa baga. Maswerte pa rin naman si Mel kasi andiyan pa rin Mama niya. Pinili ring magpart time ni Melanin sa coffee shop dahil gusto niyang kahit papaano ay makatulong siya sa Mama niya.
After I finished eating my dinner, I immediately did my evening routine. I brushed my teeth and took a half bath.
Nakabihis na ako ng pajamas at shirt nang humiga ako sa kama. I stared at the ceiling.
Nakakapagod pala. Ilang taon na rin ang nagdaan. Ayokong isipin ang mga nangyayari sa akin sa mga nakalipas na taon pero hindi ko rin maiwasan. Nakakapagod magdamdam, nakakapagod mag-isip, nakakapagod.
I grabbed my phone na nakapatong sa ibabaw ng drawer.
May usapan nga pala kami ni Elianna na magvi-video call kami ngayon. Buti nalang at nakapagload na ako kanina.
I checked my IG while waiting for El's call, at ilang sandali pa ay nakatanggap na ako ng tawag ni El sa messenger.
I swiped the answer button. Bumungad sa akin ang mukha ni Elianna na halatang bagong gising palang. Pareho kaming nakapantulog pero ang kaibahan, ako'y papatulog pa lamang pero siya'y bagong gising.
"Julsss, I miss youuu, Twinnie!"
Natawa ako sa itsura niya, "Miss na rin kita, El..."
"How are you na, Twinnie?"
"Alive and kicking! Ikaw, kamusta ka na?"
"Feeling great. Busy rin ako lately kasi marami kaming inaasikaso..."
Mahaba-haba rin ang naging kwentuhan namin ni Elianna. Nagreminisce pa kami sa mga kagagahan namin noon at tawang-tawa naman kami.
"By the way, Juls, we will go home na!"
Namilog ang aking mga mata sa biglaan niyang balita, "Really?! Kailan naman, El?"
"Secret muna 'yon. I want to surprise you soon..." she winked at me.
Sinimangutan ko siya pero tinawanan niya lang ako.
"Kailan nga?"
"Basta soon..."
Hindi na rin nagtagal, we decided to end our video call kasi may pupuntahan pa sila El tapos inaantok na rin ako. Hindi ko talaga siya napaamin kung kailan ang exact date ng balik nila.
"Bye, Juls. Take care..."
"You too..."
Sa mga sumunod na araw, naging busy ako dahil papalapit na ang quarterly exams namin. Nasa first quarter pa lamang kami pero ang dami na agad pinagkakaabalahan namin. Busy rin kami sa club. Nas-stress na ako kaka-remind at collect sa mga literary pieces sa iba't ibang grade level.
May iba rin kasing hindi nagseseryoso. Anong akala nila, naglalaro kami?
Bitbit ko ang envelop na naglalaman ng mga pinasang literary pieces, dumiretso ako sa kiosk kung saan namin napagkasunduan ni Alvin na magmeet. This will be our first meeting together after the club meeting we did last week. Ngayon lang kasi nagkakatugma ang free time namin.
I was still a few meters away from the kiosk where he's in, when I stopped. I stared at his back, he really has broad back. Nagfi-flex rin ang mga muscles niya sa braso, parang naglalaro siya sa laptop niya. Magulo na naman ang kanyang buhok na itim na itim na para bang ilang ulit pinasadahan ng kamay.
Nang makalapit ako sa kanya, rinig na rinig ko ang malulutong niyang mura na imported pa. Dinungaw ko ang kanyang laptop na umiilaw pa na parang rainbow ang keyboard, and I saw that he's playing COD.
"Fucker! I thought that's an ally!"
"Bullshit!"
I cleared my throat pero mukhang 'di niya pa rin ako napapansin kaya umupo ako sa harap niya. I read the name of his lappy, Predator. Bagay sa kanya, para siyang predator, e.
Mukhang nagulat siya sa biglaang pagsulpot ko sa harapan niya at naging dahilan pa iyon kung ba't siya natalo. Parang ang sarap tuloy tumawa nang malakas but I tried so hard not to.
"Damn it," he murmured pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.
I raised my brow when he eyed me with frustration.
He sighed and looked away, "Have you accumulated the lit pieces?"
"Yeah..." nilahad ko sa kanya ang envelop at tinanggap niya naman ito, "Nasort ko na 'yan. May label naman na mga poems, proses, short stories, etc." he just nodded.
"I'll show you the draft I made regarding the design of the cover..." kaya tumayo ako sa tabi niya.
Tiningnan niya ako't tinaasan ng kilay, "Tatayo ka na lang ba diyan?"
"H-Huh?"
"Sit beside me, Ramos."
I don't know why but I felt that my knees are slightly shaking.
Namangha ako nang Makita ang draft. Draft pa lang, ang ganda na, paano pa kaya kapag finish product na? Ngayon lang ata ako nakameet ng ganito kagaling na layout artist. Maraming magagaling pero para sa akin, siya 'yong nangunguna talaga.
"It's actually nice..."
Nilingon niya ako at nginisihan, "Of course, ako pa..." ang yabang! I mean totoo namang may maipagmamayabang siya pero ugh!
Pasimple ko siyang inirapan, "Miss Elijah and I already checked the submitted pieces at ikaw na raw bahala sa disenyo..."
"Alright."
"Hindi pa 'yan lahat kasi may hindi pa nagpapasa..."
Maaga naman kasi ang dismissal namin, mga alas tres pa lang ng hapon kaya hanggang five raw kami rito. Binasa namin ang mga lit pieces na ipinasa at nagbrainstorm kami ni Alvin ng ideas about sa disenyo. Gumagawa rin siya ng draft.
Pinakikinggan niya naman mga suggestions ko kahit alam kong ang shitty ng iilan sa ideas ko.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo, "Wait here. May pupuntahan lang ako sandali..."
"Okay."
I grabbed the pocketbook I borrowed from our library. Binuksan ko ang pahinang nilagyan ko ng bookmark and I started reading. I also listened from the music that's being played by Alvin from his lappy.
Ilang sandali pa ay nagulat na lamang ako nang may naglapag ng milk tea sa harap ko at ham and cheese na sandwich. Tiningala ko ito, my eyes are seeking for an answer. Tipid siyang ngumiti sa akin.
"F-For me?"
"Isn't it obvious?"
Such a jerk! I rolled my eyes at him pero kalaunan ay napangiti rin.
"Thank you..." nagtama ang tingin namin at para akong nilulunod ng kanyang malalalim na mata kaya nag-iwas ako ng tingin at tumikhim.
"U-Uh, m-magkano pala ito lahat?"
His gaze became intense, "You don't have to pay me, that's just my treat to you," binaling niya ang kanyang atensiyon sa kanyang laptop.
"Huh? P-pero – "
"A simple thank you will do, Ramos."
Ba't ba Ramos tawag niya sa akin?
I nodded. Nakakahiya pa rin sa kanya, "Thank you, Alvin..."
Before he could say something, a beautiful girl approached him.
"Alvin, pinapatawag ka ni Sir Yago sa office niya," nilingon ako ni Alvin, parang nagpapaalam sa akin ang kanyang mukha kaya tumango ako sa kanya. Napatingin rin ang magandang babae sa akin at ngumiti ito.
"Can you make the other drafts? Same idea lang naman..." even though I only have a little knowledge about the application he's using, I just nodded at him. Parang dala na rin ata ng taranta, mukha kasi siyang nagmamadali kaya parang nahawa tuloy ako.
Sabay silang umalis nung babae. Mukha naman iyong mabait, maganda pa kahit medyo kapos sa height.
Pinagpatuloy ko ang kanyang nasimulan na draft. Nahihirapan pa ako kasi 'di naman ako sanay sa paggawa nito. Hindi ako masyadong maalam sa app na 'to.
Nakafocus ako sa ginagawa sa lappy, inabot ko ang sandwich sa tabi ng lappy nang aksidenteng matabig ko ang katabi nitong milk tea.
Dala ng adrenaline rush, mabilis kong nabuhat ang laptop ni Alvin. Ang lakas tuloy ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Buti nalang talaga at hindi ito nabasa, kundi patay talaga ako. Why am I so clumsy?
Nilapag ko muna sa stall na upuan ang laptop. Buti nalang at may isang rolyo ako ng tissue kaya may pamunas ako sa ginawa kong kalat. Ang sayang tuloy ng milk tea. Konti pa lang ang nainom ko rito. Tanga mo Julienne!
May malapit na trash bin kaya doon ko tinapon ang plastic cup at tissue na ginamit kong pamunas.
May mga lower grades na naglalaro ng takbuhan, buti nalang at nailagan ko ang isang bata na parang hindi alintana kung mababangga niya ako.
Maybe I am really meant to be left behind. Luck is only visiting me when he feels like it. Oftentimes, he leaves me without even notifying me. I would only know that Luck left when Misfortune is already in front of me, flashing me his diabolical and deceiving smile. And that's when you'll realize that something's not right.
Nang makalapit ako sa kiosk ay may batang biglang tumulak sa akin nang malakas dahilan kung bakit nabangga ko ang stall kung saan ang laptop ni Alvin. Napasubsob pa ako sa sementong sahig ng kiosk at ramdam kong nagkagalos ako sa braso dahil ito ang ginamit kong pangsuporta.
"Ah!"
It's like everything's in slow motion. Everything around me seemed to pause and the only motion evident is the expensive laptop which somersaulted. What's worst? The laptop landed on the crushed stones on the ground. Ang screen pa nito'y nakahalik sa tanging malaking bato.
Umalingawngaw sa aking pandinig ang malakas na tunog ng pagkabagsak nito.
Parang end of the world na. Ang pagkabog ng aking dibdib ay napakalakas na tila sasabog na ito anumang oras. Shucks! Diyos ko po, tulungan niyo ako!
Nagmamadali akong bumangon mula sa pagkakasubsob, hindi ko na alintana ang p*******t ng aking braso't tuhod. Mabilis kong dinaluhan ang laptop.
Laylay ang balikat ko nang makita ang estado nito. I inspected it closely, and I must say that if this laptop is only human, he/she got a lot of bruises tapos putok pa ang labi. Ang screen niya'y parang umitim sa bandang gitna, parang may black hole.
Sana meron nalang black hole sa gitna nito para ipapalamon ko sarili ko, matakasan ko lang ang malaking problemang 'to.
Naiiyak na ako, "Oh God, help me..." parang nawala ako sa sarili ko ng ilang sandali kaya siguro hindi ko namalayang nakabalik na pala siya.
"What the freaking hell did you do to my baby?" his angry voice reverberated.
"A-Alvin, s-sorry... h-hindi ko talaga sinasadya. M-Maniwala ka..."
Sinuri niya ang kalagayan ng kanyang mamahaling laptop pagkatapos ay galit akong tinapunan ng tingin. His cold gaze sent shivers down my spine. It's like any minute from now, my whole body will be enveloped with ice because of the coldness that his stare brings.
"Accidental or not, you're still the reason why my laptop's damaged," parang gusto kong pumikit para makaiwas sa galit niyang mga mata.
"S-Sorry talaga... may mga bata kasing naglalaro... t-tapos naitulak ako," hindi nakatakas ang panginginig ng aking boses.
"Know what? I don't like clumsy people. Problema lang ang hatid. Do you know how much this laptop costs?"
Umiling ako sa kanya. Hindi ko alam kung magkano iyan pero alam kong napakamahal na hindi ko kayang bayaran. I wasn't able to stop my tears from trickling down to my cheeks. Nanginginig ang aking mga kamay.
"Sorry, A-Alvin... p-pag-iipunan ko. Mag-iipon ako para mapalitan ang laptop mo," kahit hindi ko alam kung makakaya ko bang mag-ipon para sa ibang bagay dahil hirap na nga ako sa gastusin ko pang-araw-araw.
Umiling siya, "I may sound sentimental but this laptop meant a lot to me. This was my grandpa's gift to me. His last gift before he bit the dust..." I saw the glint of pain in his eyes.
Napahagulhol ako ng iyak, "I-I'm sorry... I-I'm sorry. Gagawin ko ang lahat mabayaran lang kita..."
"Your sorry won't fix what's broken..." halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Frustration, regret, nervousness, but all sum up to one feeling – pain.
"I'll do everything mapatawad mo lang ako."
Tinitigan niya ako. Parang blangko 'yong mukha niya ngayon, "You'll really do everything?"
"Oo. Mag-iipon rin ako para mapalitan ko ang nasira ko," gagawin kong possible ang impossible.
"Okay. I'll give you three days to buy me a new one."
Tinitigan ko siya nang maigi. Umaasa akong babawiin rin niya ang sinabi niya o kaya sasabihin niyang "joke lang!" pero walang nangyari. Seryoso lang ang mukha niya na sa sobrang seryoso ay nakakatakot tuloy.
"H-Huh? Hindi ba pwedeng one month?"
3 days?! Seryoso ba siya diyan? Saan ako hahagilap ng malaking pera sa loob ng tatlong araw to think na estudyante palang ako?
"Don't make me wait that long. I am not very patient at isa pa, ako naman ang dehado dito. Three days is final."
"Hindi ba pwedeng three weeks?"
"Nope."
"2 weeks? Kahit dalawang linggo nalang, o?" pagmamakaawa ko.
"Don't push it. You won't like it when I get mad."
Nanghihina akong napaupo sa stall. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?