Chapter 4

2002 Words
I can feel my whole body shaking.  Hindi ko na matingnan ang kanyang mukha lalo na ang kanyang mga matang parang anong oras nalang ay lalamunin na ako. Huli kong sulyap sa kanya ay kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. "S-Sorry p-po, S-Sir... 'Di ko po talaga s-sinasadya, n-nagulat po kasi ako..." hindi ko mapigilan ang pagkakautal at panginginig ng aking boses. I can't look at him in the eyes. Pinulot ng kasama niyang lalaki ang cellphone niyang mas mahal pa ata kesa buhay ko. Sinuri niya ito at ngumisi bago niya nilahad sa lalaking nagmamay-ari ng ginintuang cellphone. He inspected his phone closely. "Sorry po, Sir... Sorry po talaga..." nakayuko kong pagpapaumanhin. My nervousness only heightened because of his silence. Is he mute or deaf? Can't he speak? Kahit sabihin niya nalang na hindi niya tinatanggap ang sorry ko. Pero 'wag naman sanang ganun. Kung nasira ko ang phone niyang ginintuan at pagbabayarin niya ako ay wala talaga akong maibabayad. Kahit ata ibenta ko lahat ng meron ako ay 'di magiging sapat. Ba't ba ganyan phone niya? Parang nakakahiyang madapuan ng alikabok. "What's happening here?" it seems like the thumping of my heart only tripled. Manager Ysa is always calm pero hindi niya pinapalagpas ang mga pagkakamali namin. Kami pa ni Melanin ang laging suki ng panenermon niya porke't kami ang mga estudyante pa at pinakabata ritong stuff. I'm also frightened with the thought of him commanding Manager to fire me. Kung mawawalan ako ng part time job, paano ko nalang susuportahan ang sarili ko? Ilang dasal ata ang nasambit ko sa aking isipan.  "Oh, maliit na bagay lang. Hindi dapat ikabahala..." ani ng lalaking kasama ng may nagmamay-ari ng ginintuang phone. Para naman akong nakahinga nang maluwag. Pero kung tutuusin ay siya naman ang dahilan kung bakit ko nasagi ang golden phone na 'yon kasi nagulat ako sa biglaang paglitaw niya sa tabi ko. Tinapik niya ang aking balikat, "It's fine, Miss... No damage. Alvin's phone is as robust as his-" "Shut it, Kev..." he cut him off then eyed me dangerously, "Stay away from my sight or you wouldn't like what I'll do to you..." Mabilis pa sa alas kwatro akong nakaalis sa harap nila at buong duty ko ay sa kitchen nalang ako nagpa-assign. Hindi nga ako nakatakas sa sermon ni Manager Ysa. Pero okay lang 'yon kesa mawalan ng trabaho nang tuluyan. Parang mother figure na rin namin si Manager Ysa rito sa coffee shop kaya iniisip nalang naming love niya kami kaya pinapangaralan. Nag-out ako bandang 5 PM. Mamamasyal pa sana kami ni Mel ng araw na 'yon pero nag-extend kasi siya ng ilang oras to compensate for her lates. Nanghinayang nga siya dahil 'di niya raw naabutan ang ginawa kong katangahan. Hmp! Hindi ko naman 'yon sinasadya. I became friends with Melanin when I started working in the coffee shop. At first, 'di kami nagkakaintindihan 'cause she's like... how do I explain her personality?  Uh, lagi niya akong pinagti-tripan. She's an ambivert at ewan ko sa kanya pero ang dami niyang girl crushes. Mukhang mas marami pa ang crush niyang babae kesa lalaki. Also, she loves juxtaposing my views and opinions before. But then she told me one time na that's just her unique way of making friends with me. So weird. Sa weekends naman kami nagba-bonding dahil hindi naman kami pareho ng school na pinasukan. Naalala ko ang makulit ko ring best friend and doppelganger na si Elianna. We parted ways 2 years ago. May dual citizenship siya so doon na siya nagpatuloy sa pag-aaral sa US dahil kinailangan nilang manatili muna roon para sa therapy ng Daddy niya. We communicate regularly naman. I woke up early in a Sunday. I have a duty later at 9:00 AM kaya magsisimba muna ako at di-diretso na sa coffee shop. Nagluto ako ng breakfast at kumain muna bago naligo. Mabilis rin naman akong natapos. I wore a grey knitted top, high-waist jeans, and simple flats. I placed my phone and wallet inside my grey mini sling bag. I locked the windows and doors of my apartment before I made my way to the church. Sumakay ako ng tricycle para 'di ako ma-late sa mass. Hindi pa lang kami nakakarating sa simbahan, I already heard the loud chiming of the bell. Bumaba ako sa bungad ng simbahan. Maraming nagbebenta ng iba't ibang klase ng bulaklak dito. May mga nagbebenta rin ng mga popcorn, cotton candy, at mga balloons with different designs and colors. Binigay ko na ang aking pamasahe, "Salamat, Manong..." Nakahilera ang iba't ibang mga sasakyan sa parking lot ng cathedral. Marami na ang tao sa loob dahil malapit ng magsimula ang Holy Mass.  May nakita akong bakante sa gitnang bahagi kaya doon ako umupo. Kinuha ko ang aking phone mula sa bag at tinext si Melanin, informing her where I'm seated. Nilagay ko ang maliit kong sling bag sa tabi to reserve it for Melanin. Panigurado kasing late na naman iyon. Sa huling text niya sa akin, sabi niya papunta na siya but I'm pretty sure na ang ibig sabihin niyon ay papunta na siya kamo sa banyo upang maligo. Nagsimula na ang misa at sa kalagitnaan ng opening song, naamoy ko ang pamilyar na pabango ni Melanin. Nilingon ko ito at sa mahinang boses, "Ang tagal mo naman, Mel..." Nagpeace sign siya sa akin, "Sorry na. Wala kasi akong masakyan, mailap ang mga trycicle sa amin, e..." Dumating ang communion, magkasabay kaming tumayo ni Mel para pumila. Pinauna ko siya at nasa likod niya ako pumwesto. My nose was attacked by the strong yet hypnotizing manly scent. I glanced at the guy beside me. Hapit sa kanyang katawan ang button-down shirt niya na kulay itim. He has toned muscles in the arms and god knows what's inside that shirt na 'di na ako magtatakang bunga iyan sa pagbabad niya sa sarili sa gym. Naka faded jeans rin siya at Vans low top. His hair is as black as ebony and it's slicked back. He bit his lower lips. My eyes landed on his deep set chuck hazel ones. "The body of Christ..." My eyes widened when something dawned on me. Tumaas ang kanyang kaliwang kilay at parang pinipigilan ang pagpapakawala ng mapaglarong ngisi. Mas lalong lumakas ang pagtikhim, "The body of Christ..." Gumalaw ang kanyang panga at nginuso niya ang harap. My face heated profusely at parang umakyat yata lahat ng dugo sa mukha ko nang mapagtantong nasa pinakaharap na pala ako ng linya. Halata na ang inis sa mukha ng lay minister na nagbibigay ng hostiya. Shucks!  Hiyang-hiya kong nilahad ang aking kamay para tanggapin ang hostiya. Nagsambit ako ng dasal na sana'y lamunin nalang ako ng lupa ngayon. Sobrang nakakahiya! Mas lumala lang ata ang pagpula ng aking pisngi nang makita ko ang mga nakasunod sa akin na banas na banas ang mukha. May matanda pang nagpaparinig sa akin, "Hay mga bata nga naman ngayon. Kahit nasa simbahan ay landi pa rin ng landi..." nakayuko akong naglakad patungo sa pwesto namin. Pagbalik ko sa inuupuan namin ay sabay kami ni Melanin na lumuhod sa kneeler. Pinanlakihan pa ako nito ng mata at ngumuso sa pinangyarihan ng nakakahiyang krimen. Iniwas ko ang aking paningin at nagsimulang magdasal. Nang matapos, nakatanggap agad ako ng pangungurot sa tagiliran, "Aray, Mel!" "Hoy ano 'yong kanina, ha?" I looked away. Kahit kailan ay usisera talaga ito. "H-Huh? Anong kanina?" Sumimangot siya sa akin, "'Wag ka na ngang magmaang-maangan pa!" Pilit ko siyang hindi pinapansin pero pilit niya namang hinuhuli ang paningin ko. Kinikiliti pa niya ako sa tagiliran palibhasa'y alam niyang malakas ang kiliti ko rito. "Wala nga lang 'yon, Mel..." "Hindi mo ako maloloko. Marunong ka na, ah. Sino 'yong lalaki kanina?"  "Hindi ko kilala..." lumunok ako dahil sa klase ng tinging iginawad niya sa akin. Inirapan niya ako't bumungtong hininga siya, "Maniwala naman ako sa'yo..." Mabilis natapos ang Holy Eucharist. Siksikan sa labasan kaya hindi muna agad kami tumayo. When we decided to go, nahagip ng paningin ko ang lalaking nagmamay-ari ng ginintuang cellphone. I don't know why but nervousness suddenly enveloped my whole system. "U-Uh, Mel, maya nalang kaya tayo umalis? Medyo marami pang tao, e."  Nagtataka naman niya akong nilingon, "Ba't naman? Gusto mo ma-late tayo?"  "Hindi naman tayo mali-late..."  Pinasadahan niya ng tingin ang labasan. Ngumiti siya ng nakakaloko nang huminto ang kanyang tingin sa kung sino, "Aha!" she even laughed like she's plotting a diabolical plan in mind. Sinundot niya ako sa tagiliran, "In fairness, ang gwapo't hot niya, ah."  My eyes widened because of what she said, "W-What are you talking about?"  Sa halip na sagutin ang tanong ko, hinila niya agad ako. Kasing bilis ng kidlat ang sumunod na nangyari. What happened seems like a bolt from the blue. I wasn't able to dodge Mel's sudden push. I was slammed against the back of the guy who owned a golden phone. But it wasn't just a simple bumping incident, kasi itong nangyari sa amin, it's like chest to back.  Breast to back rather. Pumikit ako nang mariin. What the freaking freak! I won't lie, I'm still in the tenth grade pero ang katawan ko'y napakamature na. At kapag sinabi kong mature, my boobs are already included kasi parte naman 'yan ng katawan ko. Hindi rin ako magsisinungaling na hindi ako nasaktan because c'mon! Try to hit your own twin peaks against a hard wall kasi parang ganyan ang nararamdaman ko ngayon.  Nakakaiyak. Nakakahiya. Ang sakit! I'm like a kettle containing very hot boiling water when he turned to face me. If someone would ask me if I could draw and paint his face with that kind of expression, maybe I already poured all the black paints on the canvas. Kasi ngayon, kasing dilim ng buhok niya at suot niya ang ekspresiyon ng mukha niya. His jaw clenched tightly. Pumikit rin siya nang mariin, parang nagpipigil. "What's your problem, Miss Clumsy from the coffee shop? Did you do this on purpose to catch my attention? 'Cause if you do..." he crouched a little and I felt his hot breath on my neck, "...then congratulations! You succeeded." In that moment, I felt like I was a mute and I couldn't utter a single word. Hindi ko siya nakontra at hindi ko naipagtanggol at nailigtas ang aking sarili sa kahihiyan.Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad paalis. Para namang napako ako ngayon sa kinatatayuan ko. Nakita kong huminto siya nang may tumawag sa kanyang babae. Parang gulat pa siya nang makita ito at tinanggap niya, open arms, ang pagyakap ng babae sa kanya. The girl has a honey glow skin. Natural ang ganda nito. Nakapony tail ang mahaba niyang buhok na nakakapag-paalala sa'kin sa dati kong buhok. Maliit ang kanyang mukha, round eyes, pointed nose, pouty lips. Walang ibang kolorete sa mukha maliban sa lip tint niya sa labi. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Nahagip ng tingin ko si Melanin na nagngingiti sa gilid ko at parang pareho pa kami ng tinitingnan. Nabuhay ang pagkainis ko sa kanya dahil sa sinadya niyang pagtulak sa akin. Siya naman ngayon ang sinundot ko sa tagiliran kaya napawi ang ngisi sa mukha niya at napalitan ito ng kaunting takot. Sa huli ay ngumiti ito, tila nagpapacute at nagpeace sign pa, "Sorry na, Juls... I just needed to confirm something..." "Ang sakit kaya nun tapos nakakahiya pa doon sa tao..." simangot kong reklamo. She suddenly hugged me, "I'm sorry, bebe Juls... I won't do it again 'cause I am a creative person, I create new mistakes." Pinalo ko tuloy siya sa braso at umani ito ng halakhak mula sa kanya. Kahit kailan ay puro siya kalokohan. Tuluyan na akong lumabas sa simbahan. Nagugutom tuloy ako.  Akala ko hindi na susunod si Mel sa akin pero tinabihan niya ako nang maghanap ako ng tricycle na maaaring masakyan patungo sa coffee shop. "Bebe Juls, galit ka pa? Patawarin mo na ako please... Sorry na. 'Di naman talaga dapat ganun 'yong pagkakatulak ko sa'yo, e, pero nakakainis kasi 'yong bading sa tabi ko kanina..." exaggerated pa ang pagpapaawa niya. I rolled my eyes but an idea popped in my mind. "I'm hungry..." "Iyon lang pala. I will treat you with Blueberry Cheesecake sa coffee shop!" "I'm also thirsty..." lumunok ako ng laway. Pinipigilan ang sariling bumunghalit ng tawa. "I will also treat you with your favourite frappe!" Timing naman na may humintong tricycle sa tapat namin kaya sumakay na kami. I'm looking forward for my libreng Blueberry Cheesecake and frappe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD