It seems like my neuron’s myelin sheath malfunctioned. It’s like my brain ceased from working. Parang nabingi ako ng ilang sandali.
“H-Huh?”
Umangat ang gilid ng kanyang labi pero ‘yong tingin niya ay tila nakakapaso, parang anong oras nalang ay matutupok na ako sa intensidad nito.
“Just be my pretend girlfriend, Ramos, and you don’t have to worry about replacing my laptop,” para akong nakikiliti sa mainit niyang hininga malapit sa aking leeg.
A bolt of thunder struck my stupefied brain at parang natauhan ako. Naggising ako mula sa kanyang panghihipnotismo. The tightening of my heart muscles is becoming rapid due to my resuscitating irritation. Is he going mad?
“Are you crazy?! Do you think I’ll agree with your foolish idea?” he stepped back a little because of my sudden outburst.
“Think about it, Ramos. You won’t have to work your ass triple hard just to reimburse me for the damage you’ve caused. You just have to act like you’re my real girl… Simple…” ang kalmado niyang postura at ekspresiyon ay parang dumagdag pa sa aking iritasyon. Nagagawa pa niyang kumalma samantalang ako, nababaliw na ako sa magiging kahihinatnan ko nito!
Umayos ako ng tayo at tiningnan siya ng diretso sa mata, “Ayoko nga. You know what? I’m not fond of games, and if you want to play, find another prospect who would agree to be your toy because I won’t allow myself to be played by a… jerk…” I rolled my eyes and flipped my hair. I even caught his shock expression, but it’s immediately replaced by an amused visage.
I turned my back and I was about to walk away when he told me something that made my knees quiver.
“Part time job, scholarship – what Ramos has that she values the most. Should you bid your goodbye to those precious things?” kahit nakatalikod ako, ramdam na ramdam ko naman ang nakapaskil na ngisi sa kanyang labi habang binibitiwan ang mga salitang ito, “Try me, Ramos.”
Nanginginig man ang aking mga binti ay pinilit ko pa ring maglakad nang mabilis, papalayo sa kanya. He just proved me how a schmuck, sleazebag, scuzzball, jerk he is!
Kumukulo ang dugo ko dahil sa kanya pero hindi rin mawala sa isip ko ang kanyang huling mga salita. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin, pero paano kung totohanin niya? Hindi naman kailangang gawin niya akong sham girlfriend. I know that he loves games! Pero ‘wag niya naman akong isali sa mga laruan niya. Hindi ko naman siya tatakbuhan, e. Kahit napakamahal pa noong lappy niya, gagawa akong paraan para mapalitan ‘yon.
Alam ko ring gwapo siya, hindi ko na itatanggi ‘yon, but his looks doesn’t give him the license to just play around. To play with me.
Pinunasan ko ang kaunting takas ng luha sa aking mata. Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa coffee shop. Buti nalang at wala pa si Melanin. Matalas pa naman ang pang-amoy niyon sa mga problema.
Days have passed, our paths didn’t cross again, and that’s because I did my best to evade him. Hindi na ako bumababa tuwing recess at kapag lunch naman, hindi ako pumupuntang canteen. Alam kong hindi naman ‘yon laging kumakain sa canteen ng lunch, but just to make sure I won’t bump against him.
Natapos na rin ang first quarter exam namin. Thanks, God, I survived kahit na ang daming bumagabag sa aking problema.
The thought that anytime, I will be summoned in the office of the prefect or principal because they’ll withdraw my scholarship, and the thought that all of a sudden, I’ll just lose my part time job which is my primary source of income – haunted me. Always. Nakakaparanoid tuloy.
I knew that I did well; I’m doing well in class, but if my opponent has many connections and money, I knew I’d never win the tussle. With money, a lot of it, you can easily manipulate everything and pull the strings. A wad of money entails connections which makes everything as easy as snapping your fingers.
Recess ngayon at dahil ayokong bumaba at wala rin akong magagawa, dumungaw ako sa railings ng building namin. Tinitingnan ko ang mga estudyanteng pumupunta at galing na sa canteen. Usually, they came in groups. Mga nagbibiruan at nagtatawanan. Ako lang ata ang naiiba sa mga estudyante rito dahil wala akong grupo ng kaibigan.
I’m civil with my classmates, but I just don’t feel like hanging around with them if not for school projects or activities. I mean, they’re fine, but it seems like they’re intimidated with me oftentimes. I’m not also good in starting a conversation with them other than school related stuffs.
Nagulat ako nang may biglang nagtakip ng kamay sa mga mata ko. Pilit kong tinatanggal ito pero hinihigpitan niya naman.
“Hulaan mo muna sino ‘to!”
Despite my eyes closed, I still rolled them. Tingin niya ‘di ko siya makikilala?
“Stop this, Laxton!” hindi ko mapigilan ang pagtakas ng pagkainis sa aking boses. Tinanggal niya naman ang kanyang kamay sa pagkakatakip nito sa mata ko.
“Wow! Kilala mo na talaga ako…” tuwang-tuwa ang kanyang boses.
“Parang tanga, e, magkaklase tayo kaya ba’t naman ‘di kita makikilala?” napailing ako nang tinawanan lang ako nito.
Nang binaling ko ulit ang tingin ko sa baba ay nagtama ang paningin namin ng taong ilang araw ko ng iniiwasan. Napahinto ito mula sa paglalakad kaya napalingon tuloy ang dalawa niyang kasama sa kanya nang mapansin nilang hindi na nila ito kasabay. May sinenyas siya sa mga ito at nakita kong tumango ang dalawa saka umalis.
Binalik niya ang kanyang tingin sa akin, hindi ko naman mabasa ang ekspresiyon ng kanyang mukha.
He raised his brow. I don’t know what got into me but I stuck my tongue out. His look darkened.
Kumabog nang malakas ang aking dibdib nang makita ko kung saan siya papunta. Sinundan ko talaga ito ng tingin para makasiguro, but he’s really heading to our building’s stairs!
Nilingon ulit ako nito at ngumisi. That kind of smile that shouts danger. Nanlaki ang aking mga mata at nanginginig pa ang aking mga kamay.
“May problema ka ba, Miss Matalino?” si Ton. Nakalimutan kong hindi pa pala ito umalis. Nagtataka ang kanyang mukha nang binalingan ko ito ng tingin.
“U-Uh, kung may maghahanap sa akin, sabihin mong pinatawag ako ng adviser natin, ah,” kinakabahan kong bilin kay Ton. Naguguluhan man siya sa akin pero kalaunan naman ay tumango rin ito kaya mabilis akong tumakbo papunta sa rest room.
Shucks! Hingal na hingal pa ako at may kaunting pawis pa sa noo ko. Buti nalang at may hanky ako sa bulsa.
‘Yong ibang girls na nagre-rest room ay parang nawiwirduhan sa akin dahil pinapaypayan ko pa ang aking mukha at pasilip-silip rin ako sa tuwing may magbubukas ng pinto. Pati nga janitress na nagma-mop sa sahig, e, tinanong niya ako kung nakakita ba raw ako ng multo. Umagang-umaga naman po.
Pero ang sarap sagutin na sana multo nalang ‘yong nakita ko. Mas hindi pa ako natatakot sa multo kesa sa taong kagaya ni Alvin.
“Nandito ka lang pala, Juls! Hinahanap ka ni Alvin, e, nasa labas pa nga iyon ng room. Hihintayin ka raw niya…” mas lalong nadagdagan ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi ni Nina.
Nang aktong lalabas na si Nina ay tinawag ko ito kaya napahinto siya malapit sa pintuan.
“N-Nina…”
“Juls?”
“Uh, kung nandiyan pa rin si Alvin, pwede bang ‘wag mong sabihin na nandito ako?” pakiusap ko sa kanya.
May pagtataka man sa kanyang mukha pero tumango naman ito at ngumiti, “Okay. Ako ng bahala, Juls.”
Nginitian ko siya, “Thank you, Nina…”
“No worries. Gotta go…”
Nagtagal pa ako sa rest room hanggang sa tumunog na ang bell. Wala naman na siguro siya doon. I’m sure may klase pa ‘yon kaya I think, as of now, papunta na ‘yon sa SHS building.
Lumabas ako sa rest room at tumakbo papuntang room. Tama nga ako at wala na si Alvin doon. Mabuti nalang at hindi pa dumating ang subject teacher namin kaya hindi ako nalate. Magkasabay lang rin kami ng class monitor namin, kaya no late talaga.
Mabilis lumipas ang oras, nang maglunch time na ay sumabay ako sa mga grupo ng estudyante para kung sakali mang nag-aabang si Alvin ay matatabunan ako. Sa labas ulit ako ng campus naglunch.
I felt so drain and tired. It’s drizzling and it’s so windy kaya sinarado namin ang mga bintana ng room dahil pumapasok ‘yong maliliit na droplets ng tubig dala ng hangin. Sa tuwing ganito ang panahon, I just want to lay on my bed, cover myself with my blanket, and sleep all I want.
Nakakatamad at parang ang sarap matulog sa klase pero nilalabanan ko ang antok dahil ayoko ng maulit ang nangyari last time na napagalitan ako ng guro namin.
I yawned stealthily. Last subject na namin ‘to ngayong araw kaya pagtiyatiyagaan na. Ang boring naman kasi magdiscuss ng subject teacher namin. Tapos siya rin mismo ay parang walang kasigla-sigla kaya mas lalo tuloy nakakaantok.
“Okay, class. Get ¼ sheet of paper. Let’s see if you really understood the lesson,” ani Miss. Sumunod ang mga pagpoprotesta ng aking mga kaklase dahil marami kasi kaming hindi nakikinig nang maayos pero nang makita namin ang medyo galit ng itsura ni Miss ay sinarili nalang namin ang pag-angal.
Miss disconnected the HDMI from her laptop kaya mabilis na naglaho ang kanyang ppt sa screen ng tv. Kinuha niya ang HDMI, nilukot at nilagay sa ilalim ng lectern.
Shucks! Lumilipad pa naman ‘yong isip ko dahil ang boring niyang magturo! Hindi ko naman inaasahan na magpapasurprise quiz pala si Miss.
Kinuha ko na ang aking isang pad ng ¼ paper. Kumuha ako ng isa at ibinalik ito sa bag. ‘Yong iba kong mga kaklase ay nagkukumahog pa sa panghihingi ng papel. Mabuti nalang at natuto na ako. ¼ paper ang pinakarami kong binili na papel dahil ito mostly ang ginagamit namin.
“Number your papers from one to ten…”
I picked my pen and numbered my paper as what our teacher directed.
“Number one: It is any which does not involve numerical data. Often involves words or language. May also use images or photographs and observations…”
Thank, God. I finished the quiz without my brain literally bleeding. The quiz is very easy for those who put their whole attention on listening, but for those who are like me, na lumilipad sa Mars ang utak, mahirap na. But still, I’m thankful because I was able to pass the quiz.
“Julienne,” nagulat ako sa pagtawag ni Miss.
“Miss?”
“Kindly collect the papers and the assignments I gave last meeting, and then hand it to me later. I’ll be staying in the Teachers’ lounge.”
“Yes, Miss,” tumango ako.
“Thank you…”
“Welcome, Miss,” she nodded at lumabas na sa room, yakap-yakap ang kanyang laptop na kulay blue.
I started collecting the papers. Hindi pa kasi ito nirecord ni Miss kanina. Nang makolekta ko na lahat ay inayos ko pa ito dahil may naipong quiz papers sa assignment papers dahil sa iba kong kaklase na magugulo. Hindi naman kasi paunahan ang pagpasa pero sila ay parang nagpapaligsahan.
Sa ramp na ako dumaan pababa. Mabilis natapos ang pagbibigay ko kay Miss sa mga papel.
Papaliko na sana ako sa isang pasilyo nang manlaki ang aking mga mata dahil papunta siya rito sa direksiyon ko! He grinned widely when he noticed me, stunned. I act on impulse, mabilis akong pumasok sa comfort room.
Hindi ako nagmarathon but it seems like I did dahil hingal na hingal ako pagpasok sa CR.
My eyes widened when I realized where I was. I’m inside the boy’s comfort room! Napatampal ako sa aking noo dahil sa kahihiyan sa sarili. Oh my god! How stupid of you, Julienne!
Nang marinig ko ang mahinang pagpihit ng doorknob ay kasing bilis ng kidlat akong pumasok sa isang cubicle. Isa lang naman ang cubicle ng boy’s CR na ‘to dahil pulos mga wall-hung urinal na ang nandito. Pero kung minamalas ka nga naman, sira ang lock ng pinto! Parang maiiyak na ako.
Paano nalang kung may makakita sa akin rito? A girl inside a boy’s comfort room? Green minded, judgmental, and gossipmongers would surely make a great blab about this. Especially that my reputation as a student is so good.
Napatigil ako sa pagpipilit na i-lock ang pinto nang may malakas na puwersang tumulak mula sa kabilang side ng pinto. Ang malakas ko sanang tili ay napigilan ng taong nagtakip ng kamay sa aking bibig. Ang bango ng kamay niya.
“Don’t make a noise…” his familiar voice sent goosebumps to my whole body.
Nakasandal ang kanyang katawan sa pinto. My back is against his chest. His right hand is covering my mouth, while the other snaked on my waist. He’s like back hugging me! This jerk!
Nakarinig kami ng mga boses na papasok dito sa CR. Nagtatawanan pa sila.
“Natatae ako, Bro…” nakarinig ako ng tawa mula sa kausap ng isang lalaki.
“Tumae ka…”
Parang trumiple ang paghataw ng aking dibdib dahil sa sunod-sunod na pagkatok ng lalaki sa pinto ng cubicle kung saan kami. Ramdam ko na ang pamumuo ng pawis mula sa aking noo, tapos hindi pa ako masyadong nakakahinga dahil sa nakatakip na kamay ni Alvin.
Shucks! Parang mahihimatay na ako!
“May tao ba rito?” patuloy pa rin ang pagkatok niya.
“May tao dito, Pare… Nagbawas ako pero hindi masyadong maflush dahil mahina ang tubig. Sa ibang CR ka nalang…” hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag o matatawa kay Alvin. He should save the both of us!
This is against the rule! Hindi pwedeng pumasok ang babae sa CR ng mga lalaki and vice versa. Kung mahuhuli kami rito, lagot na! Hindi ko na kayang isipin ang magiging consequences.
“Talaga, Pare? Ba’t walang amoy ang binawas mo?” pinipigilan ko ang aking sarili na hindi bumunghalit ng tawa. Julienne, isipin mo ang scholarship mo na mawawala dahil lang pumasok ka sa CR ng mga lalaki! Ang panget noon pakinggan kung sakaling ‘yon ang magiging rason ng pagkakatanggal ng pagiging isko mo.
Tumataas baba ang kanyang dibdib. Naramdaman ko naman ang kanyang mainit na hininga na dahilan ng pangangatal ng aking mga tuhod.
“Ah, Oo, Pre! Mabango kasi talaga stool ko…” ang cute. In-english niya pa. Pero mabango raw?! Hindi ba pwedeng sabihin niya na may ventilator naman?
“Sige, Pare…” narinig ko ang kanilang mga papalayong hakbang at ang pagbukas at sara ng pinto.
Mabilis kong iwinaksi ang kanyang kamay mula sa pagkakatakip sa aking bibig at huminga ako nang malalim bago siya hinarap.