Dalawang araw na lang mula ngayon ay uuwi na siya ng Maynila. Ilang araw na rin siyang hindi pinapansin ni Sebastian at late na rin ng gabi ito kung umuwi. Sa iisang bubong lang nga sila nakatira pero mas dinaig pa nila ang mga estragherong di namamansin at nag-uusap. Kung minsan ay sinusubukan niya itong lapitan at kausapin, subalit sa huli ay umiiwas ito at ang bagsak niyan ay sakit sa kaniyang puso. Kahit masakit iyon sa part ni Charlotte ay tinitiis na lamang niya. At times when she's alone she would cry... Hard. Natatakot naman siyang unang kausapin ang asawa, dahil alam niyang galit parin ito sa kaniya. Sinimulan na niyang iligpit ang ilan sa kaniyang mga damit at gamit. Kung ang paglayo niya ang hinihiling nito para mag-isip. Sige, gagawin niya iyon, dahil sa labis na pagmam

