"B-bakit?" Nauutal niyang sita sa asawa, "may dumi ba ako sa mukha?" Na-ko-conscious siya sa paraan ng pagtitig nito, hindi siya tuloy makakain ng maayos. "Wala... I just want to look at you." Diresahang sagot nito na hindi man lang inaalis ang mata sa kaniya. "Para kasing tatlong taon kitang hindi kita nakita... You don't know how miserable I am missing you..." Pinamulhan tuloy siya ng mukha. Pati siya rin naman ah, kung alam lang nito gaano niya ito ka-miss. Kung gaano na niyang gustong umuwi, actually pinapauwi na siya ni Alena, tinawagan pa nga siya nitong baliw dahil sinabi niyang lalayuan muna niya ang asawa. "...o-O.A. mo naman..." Hindi niya mapigilan ang mapangiti. "Para tatlong araw lang naman..." "Tatlong araw 'lang'?" Pinanlakihan siya ni Sebastian ng mata. "Don't you ever

