Chapter 36 - Ziya

1416 Words

Magbabasa pa ako ng libro para makatulog nang may kumatok sa pinto ng silid ko. Buhay na buhay pa ang diwa ko dahil sa kilig. Ni hindi ko na naramdaman ang bigat ng loob ko pagdating kanina sa bahay. Kaagad ko pa nga siyang na-text para ipaalam na nakauwi na 'ko. "Hi, princess..." Si Kuya Duncan pala ang kumatok. Umupo ito sa gilid ng kama malapit sa akin. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako ang prinsesa sa bahay na ito kung hindi si Adriana. "May kailangan ho kayo?" "Galit ka ba sa Kuya Duncan mo?" nakangiti at masuyo nitong tanong. Marahan akong umiling. "Umiwas ka kasi kaagad kanina at umakyat ka kaagad dito." "M-may mga babasahin pa ho kasi ako..." pagdadahilan ko. Kinuha niya ang isa kong kamay ay ikinulong sa mga palad nito. "Pasensya ka na kung hindi ka muna namin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD