Chapter Twenty

4172 Words
Kinabukasan ay nagising si Ash dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana. Kumilos siya at nag-inat ng mga kamay nang mapansin niyang wala na sa kanyang tabi ang asawa. Agad siyang napabangon. "Aya."tawag niya na tinungo ang banyo baka sakaling naroon lang ang asawa pero pagbukas niya ng pinto ay wala si Aya. Tuluyan na siyang lumabas ng silid at tinungo ang silid ni Aya baka naroon lang ito, but to his surprise wala din dun si Aya. "Aya."aniyang sa sala na naman nagtungo ngunit hindi niya rin nakita ang asawa doon. Napasabunot siya sa sariling buhok at napatanong sa sarili. Panaginip lang kaya ang nangyari sa pagitan nila ni Aya kagabi. Pero agad ring tumutol ang isipan niya. Alam niyang totoong-totoo iyon. Sa pagkakatanda niya ay yakap-yakap pa niya ang asawa kagabi bago siya tuluyang makatulog. Nanghihinang napaupo siya sa sofa. Naiisip niya na baka galit na naman si Aya sa kanya dahil sa kapangahasan niya. "Ash!"agad siyang napatayo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nakita niya si Aya na nakatayo sa kanyang harapan, naka-apron ito at halatang galing sa kusina. Nilapitan niya kaagad ang asawa at ikinulong sa mga bisig. "Ash..."naibulong ni Aya. "Baby, akala ko, akala ko kung saan ka na nagpunta."wika ni Ash habang mahigpit pa ring yakap ang asawa. "A-ash..."her heart races again hearing his endearment to him and being wrapped in his arms again. She also felt na hinalikan nito ang ulo niya. Napapikit siya sa ginawa nito. Now she knows, she loves him that much. Siguro hindi niya lang maamin sa sarili noon na mahal niya ang lalaki because they were friends. At naitanim na rin sa kanyang utak na si Lance ang gusto niya at siyang pakakasalan. Nagbago lang ang lahat nang iyon, ang kanyang nararamdaman when that accident happened. Noon niya napagtanto sa sarili that she cannot afford to lose him. Still, he is her husband, pagbali-baliktarin man ang mundo. Ngayon masayang-masaya siya. Napangiti siya habang nakahilig pa rin ang ulo sa dibdib ng asawa. "I'm sorry, please don't be mad at me, honey."dinig niyang sabi rito. Napatingala siya kay Ash hanggang dibdib lang kasi siya nito. Sumimangot siya kaya mas lalong nataranta ang binata. Naaliw naman siyang pinagmasdan ito. Mukhang tinakasan kasi ang mukha nito ng kulay at parang pinagsakluban na ng langit at lupa. Hindi niya na napigilan pang ngumiti. "A-aya..." "Nagluto lang ako ng agahan natin, ano ka ba? Napapraning ka na yata eh."aniyang humiwalay na kay Ash at bumalik na ng kusina. Sumunod naman ito sa kanya. Nakita ni Ash ang nakahapag ng pagkain. Medyo sunog na itlog at hotdog, bacon at fried rice na mukhang hindi naman talaga fried rice. "Maupo ka na. Kumain na tayo, malapit na ang klase natin."dinig niyang sabi ni Aya. Sinunod niya ang asawa at naupo. Kumuha siya ng fried rice at hotdog. Napansin niyang hindi pa kumakain si Aya sa halip ay pinagmamasdan siya nito. "P-pasensya ka na. Alam mo namang hindi talaga ako marunong magluto eh."nahihiyang sabi nito sa kanya. "Ano ka ba? Masarap nga itong luto mo eh."aniyang kinain na ang bacon at sumubo ng fried rice nice. "Hindi naman eh."giit ni Aya. "Masarap nga kasi ikaw ang nagluto."nakangiting wika ni Ash and it makes her heart fluttered. Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sila papuntang school.After a few minutes after preparing ay umalis na rin sila. Hindi na nagtanong pa si Ash sa asawa about sa nangyari sa kanila natatakot kasi siyang baka i-reject na naman siya nito. Mabuti nang ganito na wala siyang alam kung ano ang tunay nitong nararamdaman, at least umaasa pa rin ang puso niya na may konti siyang puwang rito. "Hi, Ash! Masigla ka ngayon ah?"bati ni Yesha sa kanya. "Oh, hi."nakangiti niyang tugon sa dalaga. Nakaupo siya ngayon sa armchair niya habang nilalaro sa kamay ang ballpen na hawak while having that sweet smile on his lips. "I think, there's something with you today."komento ni Yesha. "Ano naman?" "Hindi ka na mukhang problemado. At ang liwanag na ng mukha mo? Halatang ang saya-saya mo nga eh."mas lalong napangiti si Ash sa sinabi nito. Talagang masaya siya ngayon because of what happened last night at saka kanina before they parted ways with his wife. Palabas na sana ng sasakyan si Aya kanina nang pigilin niya. Hinila niya ito at hinalikan sa pisngi. Alam niyang nagulat si Aya sa ginawa niya pero hindi naman ito nagalit sa halip ay nagmamadaling umalis. Alam niyang in some ways, mapapaibig niya rin siguro ang asawa niya. "Hey, Ash!"anitong pinitik siya ni Yesha sa harapan. "Ha? May sinasabi ka?"nakangiting tanong niya. "Kahapon lang ang lungkot-lungkot mo? Bati na siguro kayo ng asawa mo ngayon ano? Kaya ang saya-saya mo." "Well, s-siguro nga."sagot niya na malawak pa rin ang ngiti. "Aya, sama ka sa amin mamaya, ha?"sabi ni Trixie sa kanya. "Saan naman?" "Basta sumama ka na lang."sabat ni Lyka. "Magugustuhan mo dun, Aya. I'm sure."nakangiting wika ni Hana. "Okay."she thinks there's something fishy with these three. Sumang-ayon na lang siya para tapos ang usapan. Kinahapunan ay umalis na silang apat sakay ng sasakyan ni Trixie. Nagulat na lang siya nang ihinto ng kaibigan ang sasakyan sa parking area ng fastfood kung saan nagpa-part-time si Ash. "T-teka, ano ba ang gagawin natin rito?"nagtatakang tanong niya sa tatlo. "Kakain syempre."nakangiting tugon ni Lyka. Hinila na naman siya ni Hana papasok sa loob. Waah! Teka, ba't ganito kinakabahan siya? Ganun na lang ang bilis ng t***k ng puso niya habang papasok sila sa loob. It's her first time na makikita si Ash while on-duty. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nakita siya. Parang ayaw nang humakbang ng kanyang mga paa. "Aya, halika na."ani Lyka sabay hila sa kanya. Malakas pa rin ang t***k ng kanyang puso. Pumwesto sila sa may sulok malapit sa cooking area. Hindi na siya makakibo, iniisip pa lang niya na makikita muli ang asawa ay muli na namang nagpa-flashback ang maiinit na tagpo sa pagitan nila kagabi. Ipinilig niya ang ulo, nag-iinit na naman kasi ang magkabila niyang pisngi sa isiping iyon. "Uy, Aya in-love ka na talaga siguro sa husband mo ano?"tudyo sa kanya ni Trixie. "Ha? Ano ba kayo?" "Huwag mo na kasing ideny."si Lyka. "Halata na sa mukha mo, Aya. Tingnan mo nga iyang mga mata mo. Nagti-twinkle-twinkle na."dagdag pa ni Hana. Napayuko si Aya at itinuon ang paningin sa ibabaw ng mesa. Alam niyang huli na siya ng mga kaibigan niya at pulang-pula na ang kanyang mukha. "Just wait, here. Oorder lang ako."paalam ni Trixie. Sinamahan naman siya ni Lyka. "Here's your order ma'am!"masiglang inilapag ni Yesha sa mesa ang pagkaing inorder nila. Nagulat pa ito nang makita si Aya. Nang makabawi ay nginitian nito ang dalaga. "H-hi, Aya."bati nito. "Yesha, h-hello."nagdalawang-isip pa si Aya kung babatiin niya rin ito. "Nasa washing area pa si Ash. Teka, sasabihin ko sa kanya na narito ka." "Ha? Ah, huwag na. Kakain lang naman kami rito."tanggi ni Aya. "S-sige. Enjoy your meal."anitong umalis na. "Wow! So, magkakilala na pala kayo ni Yesha, Aya."saad ni Trixie na may pataas-taas pa ng kilay. "Oo."tugon niya sa tanong nito. "So, alam niya na rin na mag-asawa kayo ni Ash?"tanong naman ni Hana. "S-siguro." "Well, siguradong alam niya na. Pero kung makalandi siya kay Ash akala mo parang tuko kung makakapit."naiinis na sambit ni Lyka. "Sige na, kumain na tayo."ayaw niya ng pansinin pa ang sinabi ng mga kaibigan. "Ash, ang asawa mo, nandyan sa labas."bulong ni Yesha. Napatigil naman si Ash sa ginagawa. Sumilip siya mula sa loob, baka kasi binibiro na naman siya ni Yesha. But there she is! Sitting in the corner chatting with her friends. Nagtataka siya, hindi naman kasi ito nagpupunta sa fastfood na pinagtatrabahuan niya. "O, heto. Ikaw na ang maghatid nitong maligamgam at malamig na tubig na request nila."nangingiting turan ni Yesha. Agad na ipinatong ng dalaga ang tray sa kamay niya na naglalaman ng apat na basong tubig. Gusto rin naman niyang makita si Aya, ang totoo n'yan, nasasabik na nga siyang makita ito. Kanina pa nga siya nag-iisip kung bakit ang bagal ng takbo ng oras. This is his chance now kaya lumakad na siya. Hindi siya napansin ni Aya habang papalapit sa table ng mga ito 'cause they're busy chatting. "So, what about the dare, Aya? Kumusta na?"tanong ni Trixie kay Aya. Hindi makaimik si Aya sa sinabi nito. Nahihiya kasi siyang sabihin na may nangyari na ulit sa kanila ni Ash at kagustuhan niya iyon. "Ba't ayaw mong magsalita? Alam na namin, Aya. We can see it in your eyes."si Lyka na tinitigan talaga siya sa mga mata. "Sige nga, look at our eyes, sabihin mo na walang nangyari about sa dare namin sayo."sabi ni Hana. "O-okay. Bakit ba kasi ang kulit-kulit n'yo dito n'yo pa napiling pag-usapan iyan?" "We'll masyado lang po kaming excited. Kasi kahapon lang umiiyak ka at ngayon kay saya-saya mo na. So, we think there's something fishy happened last night."saad ni Trixie na kinikilig pa. Wala na talaga siyang kawala sa mga ito. "Sige na sabihin mo na, nagawa mo na ang dare namin sayo ano?"kulit ni Lyka sa dalaga. Napabuntung-hininga si Aya. "Yes, may nangyari nga sa amin kagabi. W-we made l-love last night, if that's what you want to hear."namumula ang mga pisnging amin niya sa mga ito. Napakabilis ng t***k ng puso niya, isipin pa lang ang nangyari kagabi ay nag-iinit na naman siya. Dinig niya ang tilian ng mga ito. "Waah! Aya, sa wakas nagawa mo rin ang dare namin sayo. Dapat ilibre mo kami, this summer ha. A grand vacation to Palawan or Baguio.Ikaw naman ang panalo eh."tuwang-tuwa na wika ni Trixie. Ganun din ang lapad ng ngiti ng dalawa. "A-aya."dinig nila kaya napalingon silang apat. "Ash."sabay pang sambit ng tatlo. Parang tinakasan ng kulay ang mukha ni Aya. Hindi niya alam kung ano ang narinig ni Ash pero base ngayon sa ekspresyon ng mukha nito ay may narinig nga itong hindi maganda. Nakatiim-bagang na inilapag nito ang tray sa ibabaw ng mesa. "A-ash..."sinubukan ni Aya na hawakan ang kamay nito subalit ipiniksi lang iyon ng binata. "Excuse me."malamig nitong tugon at umalis na. Gusto sanang magpaliwanag ni Aya sa narinig nito subalit alam niyang galit ngayon si Ash base sa kilos nito. Napapikit siya. Mamaya, pag-uwi nito kakausapin niya ang asawa. Sa halip na bumalik ng washing area ay dumiretso si Ash sa stock room. Pumasok siya sa loob at isinara saka nanghihinang napaupo at napasandal sa pintuan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig, buong akala niya ay may pag-asa na siya kay Aya dahil hindi man lang ito tumutol sa nangyari sa pagitan nila kagabi. Tapos ngayon maririnig niya na 'dare' lang pala ang lahat. Ang sakit-sakit lang talaga ng puso niya ngayon. Wala na ba talaga siyang pag-asa? Hanggang ngayon ba ay si Lance pa rin ang gusto nito? Ano ba ang gagawin niya para magustuhan lang siya ng dalaga? Naisabunot niya ang mga kamay sa kanyang buhok. Nahihirapan na siyang mag-isip. Nagsisikip ang kanyang dibdib at nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata. Iiyak na naman siya. Kay hirap-hirap ngayon ng sitwasyon niya. Pakiramdam niya nawala lahat ang sigla at determinasyon niya. Ngayon, naguguluhan na naman siya kung ano ang dapat niyang gawin. Ang ipaglaban ba ito o ang tuluyan na lang sumuko. Alam niya kapag isinuko niya ang dalaga ay magiging masaya namam ito sa piling ni Lance pero kapag ipinaglaban pa niya ang pag-ibig rito ay pareho lang din silang masasaktan sa huli. Ano ba'ng desisyon ang dapat niyang gawin? Gulong-gulo na siya. "Aya. W-we're very sorry."nalulungkot na wika ni Trixie. Nakokonsensya siya pati ang dalawa sa nangyari. Imbes na makatulong sila ay nakadagdag lang sila ng problema. "Ayos lang iyon."pilit ang ngiting sabi niya sa tatlo. Nandito na sila sa labas ng apartment ni Aya. Hinatid na siya ng tatlo pauwi matapos ang insidente kanina. "Are you sure?"pananantiya ni Hana sa kanya. "O-oo naman. Kakausapin ko na lang siya mamaya pagdating niya."wika niya sa tatlo. "Sige, maiwan ka na namin.Alis na kami."paalam ng tatlo sa kanya. "Okay, bye. Mag-ingat kayo."pilit ang ngiting gumuhit sa mukha niya. She knows deep inside her heart that she's not okay. Ang totoo kanina pa niya pinipigilan ang sarili na maiyak. Gusto nga niyang habulin at yakapin si Ash para makapagpaliwanag pero pinigilan niya ang sarili. Hindi kasi dun ang tamang lugar para sa bagay na iyon. Hihintayin niya ngayon ang pagdating ni Ash at magpapaliwanag siya, konsola niya sa sarili. Tingin ng tingin si Aya sa orasan pero mag-a-alas dose na ay wala pa rin si Ash. Sinubukan niya ring i-dial ang number nito subalit out of coverage naman. Napahalukipkip na naupo siya sa sofa. Nag-aalala na naman siya. Sino ba ang tatawagan niya para itanong kung nasaan ba si Ash? Si Yesha? Hindi pwede. Wala naman siyang number ng dalaga kaya wala na siyang magawa kundi ang mag-antay buong magdamag. Habang patuloy na dina-dial ang number nito ay di niya na namalayan ang pagtulo ng mga luha. Ilang oras na ba siyang naghihintay dito? Baka hindi na planong umuwi nito? Baka tuluyan na siyang iwan ni Ash. Nangangamba na naman ngayon ang puso niya sa maaaring mangyari. Natatakot siya, isipin pa lang na mawawala na sa kanya si Ash. Hanggang sa makatulugan na lang niya ang mga isiping iyon habang may butil ng mga luha ang pisngi. Sinadya talaga ni Ash na huwag umuwi. Narito siya ngayon sa loob ng kotse sa parking lot ng fastfood. Dito na lang siya matutulog. Ayaw niyang umuwi. Natatakot kasi siyang baka pagdating niya sa bahay ay marinig mula mismo sa mga labi ni Aya ang katagang ito, 'Oo, isang dare lang ang lahat kaya huwag ka ng umasa na mamahalin kita, Ash kaya magising ka na sana sa katotohanan. Tapos na ang pantasya mo.' Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinilot ang sentido. Akala niya handa na niyang pakawalan si Aya, pero ngayon takot siyang ipagtabuyan nito. He's still holding on for that marriage kahit alam niyang malabo na ang lahat. Mamayang madaling araw na lang siguro siya uuwi kapag tulog na ito. Kinaumagahan nang magising si Aya ay agad siyang sumilip sa bintana. Tiningnan kung nakauwi na ba si Ash. Natuwa siya nang makita ang sasakyan. Siguradong nakauwi na nga ito. Agad niyang tinakbo ang papunta sa silid ni Ash. "Ash!"tawag niya sabay pihit sa seradura at tinulak ang pintuan. Napalis ang mga ngiti niya nang malamang wala naman pala doon si Ash. Tiningnan kung naroon pa ang school bag nito pero wala na rin iyon. Ibig sabihin, maaga itong umalis at iniwan siya pati ang sasakyan. Kinabahan na naman siya. Dagli niyang tiningnan ang lalagyan ng damit nito baka tuluyan na nga siyang nilayasan ni Ash. Sunud-sunod na pumatak ang kanyang mga luha nang makitang konting damit na lang nito ang naiwan. Lahat ng panglakad nito ay wala na. Kung ganun iniwan na nga siya ng asawa niya. Nanghihinang napaupo siya sa sahig habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha. Hindi man lang kasi siya nitong hinayaan na magpaliwanag. Agad itong umalis without even saying goodbye. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone niya. Hindi magkandatutong pinulot niya ang inilapag na cellphone sa tabi sa pagbabasakaling si Ash ang tumatawag. Subalit pagtingin niya sa screen ay 'Mama Calling' ang nakaregister. Pinalipas niya muna ang ilang segundo bago sinagot ang tawag ng ina. She cleared her throat first. "H-hello, ma."pilit niyang pinasigla ang boses para hindi nito malaman na umiiyak siya. "Hello, Aya." "Napatawag ka ma, bakit?"tanong niya. "Syempre para kumustahin ang dalawa kong anak."masiglang sagot ng mama niya. "A-ayos lang kami dito ni Ash ma. We're fine and doing good."she invented those words para hindi na ito mag-alala sa kanila. "Okay. Pwede bang makausap sandali si Ash?" "S-si Ash?"ano ba ang idadahilan niya sa ina ngayong wala na nga ang asawa niya. "Oo. Narito ngayon ang mama niya sa tabi ko. Gusto siyang makausap." "P-po?" "Nasa'n ba siya?" "Ano ma, m-may binili pa sa labas. Patatawagin ko na lang siya pagdating niya."pagdadahilan niya sa ina. "S-sige ma. Maliligo pa ako. May pasok pa ako ngayon."paalam niya. "O sige, basta tumawag kayo."sabi nito. Agad na pinatay ni Aya ang cellphone at napaiyak. Siniksik niya ang sarili sa edge ng kama ni Ash, nakaupo sa sahig at niyakap ang sarili habang umiiyak. Wala na ngayon si Ash, ano ba ang gagawin niya? Andito ngayon si Ash sa boarding house na tinutuluyan ni Yesha. May bakante kasing isang kwarto doon. Dito na muna siya tutuloy, parang ayaw niya na munang magpakita kay Aya. Dito lang siya nang sa ganun ay makakaiwas muna siya sa mga posibilidad na mangyayari kapag nagkausap sila. Hindi pa rin kasi siya handang palayain ang asawa. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay narinig niyang may kumatok sa pintuan. Si Yesha ang bumungad sa kanya nang magbukas siya. "Ash, kumusta ka na dito?" "Ayos lang naman."wika niya. Pumasok sa loob ng kwarto niya ang dalaga at naupo sa ibabaw ng kama. "Ano ba kasi ang nangyari? Kahapon lang masaya ka. Tapos ngayon, daig mo pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa." "Napakalaki ng problema ko."sabi niyang naupo sa may tabi ni Yesha habang nakayuko ang ulo. "Makikipaghiwalay ka na sa kanya?" "N-no. Ayoko. Ayokong maghiwalay kami kaya nga narito ako ngayon. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang tuluyang makipaghiwalay sa kanya."madamdamin niyang saad kay Yesha. Hindi naman kaagad makaimik ang dalaga sa mga salitang binitiwan niya. Sa sinabi nito, she confirmed na mukhang wala na talaga siyang pag-asang mapansin ni Ash at kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya. Mahal na mahal talaga nito si Aya dahil kung hindi, wala sana ito ngayon dito. "A-ano na ang plano mo ngayon? Hindi mo ba siya kakausapin?" "Hindi na muna. Gusto ko na munang iwasan siya." "B-bakit? H-hindi naman masosolusyunan ang problema n'yo kung hindi kayo mag-uusap." "Hindi pa kasi ako handa sa mga sasabihin niya. Paano kapag nagkausap kami sabihin niya sa akin na layuan ko na siya. Sabihin niyang hindi niya ako mahal at kailanma'y hindi niya ako magugustuhan. Sa tingin mo ba kakayanin ko iyon kapag sinabi niya? Tinangka ko na ngang kitilin ang sarili ko eh." "A-ash..."nahabag ngayon ang damdamin ni Yesha habang tinitingnan ang nagsasalita na binata. He is crying! Definitely! Ang swerte ni Aya at may lalaking nagmamahal sa kanya ng ganito katindi. "Kung ganun kailan mo siya balak kausapin?" "S-siguro kapag handa na akong tanggapin na wala naman talagang kami."malungkot niyang saad. Pinunasan niya ang nalaglag na luha. Nakakahiya at umiiyak siya ngayon sa harapan ni Yesha. Pakiramdam niya ang hina-hina niya. Ngayon parang tanga si Aya na nag-aabang sa labas ng building nila Ash. Gusto niyang kausapin ang asawa at magpaliwanag subalit hindi pa niya ito nakikita magmula kanina. Kahit namumugto ang mga mata ay pumasok pa rin siya. Gusto niya kasing makausap si Ash at aminin dito ang totoo kung gaano niya na ito kamahal. Pero mukhang hindi naman umaayon sa kanya ang panahon. Hapon na kasi ngayon pero ni anino nito hindi niya nakita sa campus. Ngayon hapon niya lang naisip na baka nga hindi ito pumasok kaya buong maghapon niya itong hindi nakita. Naglakad na siya palabas ng university. Pupuntahan niya ito sa fastfood, baka naka-duty na ito ngayon. Mabilis ang mga paang naglakad nga siya papunta roon. Sana hindi na lang siya nagpunta sa fastfood. Eh di sana hindi niya na nakita ang tanawin na nakapagpasakit sa kanyang dibdib. Nakita niya kasing palabas ang dalawa. Masayang-masaya ang mukha ni Yesha habang nakakapit sa mga braso ni Ash. Nakangiti rin naman ang binata. Nakita niyang sumakay ng jeep ang dalawa. Hindi niya alam kung saan ang lakad ng mga ito. Mas lalo siyang napaiyak. Ipinagpalit na ba siya nito kaagad kay Yesha? Parang ayaw ng humakbang ng kanyang mga paa. Gusto na lang niyang maupo at umiyak dun sa tabi ng kalsada. Mabuti na lang dumating sina Trixie at ihinatid siya sa bahay. Kinabukasan kahit masakit ang dibdib ni Aya at mugtong-mugto pa rin ang mga mata ay pumasok pa rin siya. Gusto pa rin niyang makita si Ash at makausap ito. Inabangan pa rin niya ang paglabas nito sa building. Hindi naman siya nabigo kinahapunan. Sabay na lumabas ang dalawa, si Yesha at Ash sa building ng college of engineering. Nakita niyang nagmamadali sa paglalakad ang mga ito. "Teka, Ash. Hintayin mo ako."dinig niyang habol ni Yesha sa binata. Agad itong humawak sa braso ni Ash nang makaagapay sa paglalakad si Ash. Nilalamon na naman ngayon ng selos si Aya. Nasa may tabi siya at sasalubungin sana niya si Ash. Maglalakas-loob siyang kausapin ito. Iyon nga ang ginawa niya eksaktong malapit na ito sa kanya. Nakita niyang nagulat si Yesha nang makita siya kaya napabitaw ito sa braso ng binata. "A-ash..."usal niya. Halos hindi na siya makapagsalita ngayon. Kinakabahan siya at may bikig ang lalamunan niya. Parang gusto na naman niyang maiyak sa harapan nito. Gusto niyang yumakap dito subalit di niya magawa nasa tabi kasi nito si Yesha at natatakot siyang baka itulak lang siya nito. Nakita niya ang malamig nitong mga mata at walang ekspresyon na mukha. Ni hindi man lang siya nito tinitigan sa mga mata kaya napayuko siya. "Ash...pwede bang...m-mag-usap-" "I'm sorry pero nagmamadali kami ngayon."diretsong saad nito. Hindi man lang siya pinatapos sa pagsasalita. "Yesha, tayo na."anitong hinila si Yesha at nilagpasan na siya. Nanghihinang nasundan niya ng tingin ang dalawa. Tinakpan niya ang bibig. Naiiyak na naman siya dahil sa malamig na pakikitungo ni Ash sa kanya. Akala niya makakausap na niya ito subalit hindi pala. Iiwasan lang pala siya nito. Unti-unti siyang napaupo sa may tabi. Isinubsob niya ang mukha sa mga tuhod at doon umiyak. Wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng ibang estudyante. Maya-maya ay may naramdaman siyang humaplos sa kanyang ulo. Agad siyang napatingala sa pag-aakalang bumalik si Ash para kausapin siya. Subalit nadismaya na naman siya na si Hana pala iyon kasama sina Trixie at Lyka. Malungkot din ang mga mukha nito. "Ihahatid ka na namin, Aya."sabi ni Trixie. Umiling-iling siya sa sinabi nito. Ayaw niya munang umuwi. "Saan mo ba gustong pumunta?"tanong ni Hana. "K-kahit saan."sabi niya. "Kung ganun sumama ka na lang sa amin. Gigimij kasi kami ngayon." "Okay, sasama ako." "T-talaga?" nagtatakang tanong ni Trixie. Hindi naman kasi ugali nitong sumasama sa mga gimik nila sa bar. Masyado kasing conservative si Aya pagdating sa mga ganyang bagay. "Oo."tugon ni Aya. Tinulungan nila itong tumayo at naglakad na sila papuntang parking lot. Ang ingay ng paligid. Marami ang nagsasayaw sa dance floor sa saliw ng maingay na musika. Lahat nagkakasayahan maliban sa nagdurugong puso ni Aya. Nasa counter sila ngayon at nag-order si Trixie ng inumin nila. Nagulat pa ang tatlo nang agad niyang tinungga ang isang baso ng tequila. Nag-order pa ang dalaga ng hard drinks saka uminom ng uminom. Nang magsayaw sila ay nakisabay rin si Aya sa pagsasayaw nila. Lasing na kaagad ito. "Ash, bakit mo ba iniwasan si Aya kanina? Ba't hindi mo na lang siya kausapin para matapos na ang problema ninyo."tanong ni Yesha sa kanya habang naglalakad na sila pauwi sa boarding house na inookupa. "Ayoko. Natatakot nga akong kausapin siya. Baka hilingin niya na naman sa akin na palayain ko siya sa kasal namin."tugon niya. "P-pero... sa nakita ko kanina sa mukha niya, mukhang hindi naman pakikipaghiwalay ang sadya niya." "Paano mo 'yan nasasabi?" "Wala. Instinct lang iyon ng mga babae."nakangiting sagot ni Yesha at nagpatiuna na sa paglalakad. Alas-dose na ng gabi ay hindi pa rin makatulog si Ash. Naiisip pa rin niya ang sinabi ni Yesha sa kanya kanina. Nagpabiling-biling siya sa higaan. Hindi kasi siya mapalagay. Muntik na siyang mahulog sa sahig ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa may tabi at tiningnan kung sino ang tumatawag. Sumikdo na naman ang kaba sa kanyang dibdib nang makitang si Aya ang tumatawag. Hindi niya iyon sinagot at hinayaan lang mag-ring ng mag-ring ang cellphone niya. Sa pangatlong beses na pagtawag nito ay hindi niya na rin natiis na huwag itong sagutin. "H-hello." "H-hello...i-ikaw ba 'to Ash?"sabi ng kausap niya. Nagtaka siya kung bakit hindi si Aya ang nakausap at dinig na dinig rin niya ang maingay na background nito. Saka mukhang lasing yata ang kausap niya base sa pananalita nito. "B-bakit? Sino ba ba 'to? Nasaan si Aya?"sunud-sunod niyang tanong sa kausap. "S-si T-trixie 'to... R-remember...? Iyong n-napakagandang k-kaibigan ni Aya at-" "Yeah. Nasaan nga si Aya. Sabihin mo na agad."agad niyang pinutol ang paglilitanya nito. Kinakabahan na naman kasi siya. Sinasalakay na naman kasi ang dibdib niya ng sobrang pag-aalala para sa asawa. "S-si Aya...lasing na lasing na siya kaya...puntahan mo siya rito.. Nagwawala na siya..h-hindi na namin mapigilan.." "Nasaan ba kayo?" "D-dito sa bar, itext ko na lang sayo ang address okay, para hindi ka malito."anito saka pinatay na ang cellphone. Nagmadaling nagsuot ng sapatos at jacket si Ash. Nag-aalala siya ng husto kung ano na ang nangyari sa asawa. Pagkatanggap ng text ay agad siyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD