Nasa canteen ngayon sina Aya at ang mga kaklase niya. Hindi pa rin makapaniwala ang tatlo sa sekretong inamin niya.
"Oh my gosh, Aya! Grabe ang pagpapantasya ko kay Ash, tapos all along asawa mo pala siya!"hindi pa ring makapaniwalang saad ni Trixie.
"Ang buong akala namin ay kayo ni Lance pero how come si Ash ang naging asawa mo? Pa'no na si Lance?"ani Lyka.
"Mahabang istorya nga. Kaya huwag na lang nating itanong."wika naman ni Hana.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na ang medyo suplado na tahimik at hot na hot na si Ash dela Merced ay asawa mo pala."hindi pa rin makapaniwalang saad ni Trixie.
So, ganun pala ang description ng mga ito kay Ash, sa isip ni Aya.
"Pero tanong ko lang bakit hindi apelyido niya ang ginagamit mo?"tanong ni Lyka.
"K-kasi sa totoo lang biglaan naman talaga ang naging kasal namin. Isa lang iyong pagkakamali. Napilitan lang akong pakasalan because of what happened t-that n-night."namumula ang pisnging amin niya sa tatlo.
"Oh, my gosh! Aya. So sinunggaban mo pala siya kaagad para maging kayo."saad ni Lyka.
"N-no."
"So, kumusta siya sa kama? Masarap ba siyang-"
"Hey! Ang bibig mo Trixie, masyado ng censored." Saway ni Hana rito sabay takip ng bibig nito. Nagpout lang ng lips si Trixie matapos bawiin ni Hana ang kamay.
"Itatanong ko lang naman kung...kung masarap ba siyang humalik. Masama ba iyon?"nagmamaktol na sabi ni Trixie sa tatlo.
"Bakit tinatanong mo pa ba 'yan? Syempre, oo noh? Kaya nga natali kaagad tong si Aya eh."satsat ni Hana.
"To be honest hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Hanggang ngayon kasi si Lance pa rin ang gusto ko. Pero I'm afraid to lose him. Naguguluhan na ako."amin ni Aya. Talagang naging magulo na ang lahat. Hindi niya na alam kung ano ba ang totoo sa kanyang nararamdaman.
"Oh no! Hindi naman pwedeng gustuhin mo si Lance at gugustuhin mo rin si Ash, Aya."sabi ni Hana.
"Kaya nga, that's insane!"dagdag naman ni Trixie.
"Kung ako sa'yo kay Ash nalang ako."sabi ni Lyka.
"Bakit naman?"curious na tanong ni Aya.
"Cause my instinct says that he loves you more than any man can do." Kinilig naman ang dalawa sa sinabi niya. Napag-isip-isip naman si Aya.
Siya mahal ni Ash? Bakit naman? Nakikipaglandian nga ito kay Yesha eh, sa isip niya. " But I don't love him. Si Lance pa rin ang gusto ko." wika niya.
"My Gosh, Aya! Nasa sayo na nga ang malaking isda, pinapalagpas mo pa."inis na komento ni Trixie.
"Baka naman nagseselos ka kay Yesha kaya ka ganyan?"sabi ni Hana.
"A-ako magseselos sa babaeng iyon? No way!"deny niya sa tatlo. Pinandilatan lang siya ng mga ito ng mata.
"H-hindi ko siya mahal. One night stand lang ang nangyari sa amin. We're both drunk, kaya there's no feelings attached with what happened between us."mahabang paliwanag niya sa tatlo.
"Talaga?"ani Lyka at talagang sinusukat siya ng mga ito kung hanggang saan ang feelings niya.
"Ika nga, the more you hate, the more you love."dagdag pa ni Trixie.
"Oo nga, Aya. Kapain mo muna ang dibdib mo bago mo sabihing hindi mo talaga siya gusto. Baka sa bandang huli wala na siya bago mo marealize na deep inside with your heart, siya naman pala talaga ang itinitibok nito."mahabang litanya ni Hana. Tagos iyon sa puso ni Aya ang mga sinabi ng kaibigan. Dahil naguguluhan siya ngayon baka may punto rin ang mga ito.
"I'll help you decide, Aya."maya-maya ay sabi ni Lyka sa kanya.
"H-how?"tanong ni Aya.
"After that night, may nangyari pa ba ulit sa inyo?"
"W-wala. Ayoko ng maulit pa ang pagkakamaling iyon."saad niya.
"Well, kapag pinayagan mong may mangyari ulit sa inyo and you're not even drunk it only means you love him."paliwanag ni Lyka sa kanya.
"Wow, mukhang exciting 'yan ha?"ani Trixie. "Pupusta ako dyan. Sigurado akong matatalo ka sa dare ni Lyka, Aya. Ang hot kasi ni Ash. You cannot resist his charm."dagdag pa ni Trixie.
"Mukhang interesting nga. Walang dayaan, Aya ha?"dagdag pang sabi ni Hana. Pinagkakatuwaan talaga siya ng tatlong ito.
"Aya Valdemor dela Merced. Maganda naman Aya, eh. Ba't hindi na lang yun ang gamitin mong pangalan?" Sabi ni Trixie.
"Maghihiwalay rin naman kami. At ayoko talaga, period."diin niya sa tatlo.
"Bahala ka, pagsisisihan mo rin 'yan."ani Lyka.
"Hey! Pinagkakaisahan n'yo na naman ako." Saway ni Aya sa tatlo.
"Basta tandaan mo ang sinabi namin. Huwag kang mandadaya ha."
"Bahala kayo."aniyang isinukbit ang bag at tumayo na.
"Hoy! Saan ka pupunta?"tawag ni Trixie sa kanya. Nilingon niya ang tatlo.
"Hello, it's 1:30 pm na, may klase pa tayo noh?"sabi niya sa mga ito. Nagmadali naman ang tatlo sa pagkuha ng mga gamit nila.
"Naku! Si Sir Philosophy pala ngayon. Patay tayo kapag na-late."ani Lyka at nagtakbuhan na sila.
"O, Ash?" nagulat pa si Yesha nang makita si Ash na papasok sa fastfood na pinagtatrabahuan nila.
"Hi."bati niya kay Yesha.
"Sabi ni sir na magpahinga ka muna. Ba't narito ka na? Kakadischarge mo lang kahapon, ah."concerned na tanong ni Yesha sa kanya.
"Wala naman akong magawa sa bahay eh, kaya dito na lang ako."wika ni Ash at pumunta sa closet nila para magpalit ng damit. Friday ngayon at half-day lang ang klase nila kaya maaga na naman ang time in niya sa fastfood.
"Sigurado ka bang okay ka lang ha?"muling tanong ni Yesha sa kanya. Kinakausap siya nito sa labas ng pintuan.
"Oo nga. Malakas na ako."sagot niya. After magpalit ng uniform ay tinungo niya na ang kitchen area at ginawa na ang trabaho niya.
"Huwag kang mag-alala, maaga naman akong mag-a-out mamaya. Susunduin ko pa kasi si Aya, hindi ko kasi siya nahatid kaninang umaga kaya nagtaxi na lang siya papuntang school. Takot kasi 'yun sumakay ng taxi pag gabi na." May klase siya kaninang umaga pero ipinagpilitan ni Aya na huwag na lang siyang pumasok. Sa halip ay magpahinga na lang daw siya
"O-okay."mahal nga talaga nito ang asawa. Iyon ang nababasa ni Yesha sa mga mata ni Ash habang nagsasalita.
Six thirty ngayon ang labasan ni Aya kaya medyo natatakot siyang maglakad sa labas. Madilim na kasi at maraming mga taong hindi naman estudyante sa university ang nakatambay sa labas. Isasabay sana siya ng tatlo pero tinanggihan niya ang mga ito. Sigurado kasi siyang tatadtarin lang ng mga ito ng tanong si Ash. Kalalabas pa lang naman nito ng hospital baka mabinat pa ito nang dahil sa tatlo.
Kahit na natatakot ay nilakasan ni Aya ang loob na maglakad sa labas ng campus. Habang naglalakad ay hindi niya alam kung ano ang sasakyan. Magtataxi ba o magje-jeep siya. Kahit na takot siyang maglakad ng ganitong oras sa labas ng campus nila ay nilakasan niya ang kanyang loob. Mabilis ang mga hakbang na naglakad siya sa gilid ng kalsada. Alerto lahat ang kanyang pandama.
Medyo malayo-layo na rin ang nalakad niya nang muntikan na siyang madapa naapakan niya kasi ang sariling sintas ng sapatos. Dahil iyon sa pagmamadali kaya hindi niya na napansin na nakalas pala ang sintas ng rubber shoes na suot. Agad siyang yumuko at dali-daling itinali ang sintas.
"Naku, pag minamalas ka nga naman oh."kausap niya sa sarili. Dahil sa kaba ay hindi na siya magkandatuto sa pagtali.
Six thirty pa lang naman ng gabi eh, bakit konti na lang ang mga taong naglalakad? Natanong niya sa sarili. Bakit ba kasi ang layo ng sakayan ng jeep? Mas pinili niya na talagang sumakay ng jeep kesa magtaxi, natatakot kasi siyang mag-isa.
Matapos niyang matali ang sintas ay tumayo na siya at naglakad.
Sa kanyang paglalakad ay may sasakyang biglang huminto sa kanyang unahan. Nagpatuloy lang siya sa paglakad at 'di niya iyon pinansin.
Napansin niyang bumukas ang bintana sa frontseat at passenger seat nito. Nakita niya na may dalawang lalaki ang dumungaw mula sa bintana ng sasakyan.
"Hey, miss! Wala ka bang sundo? Ihahatid ka na lang namin?"wika ng isa na nakangisi. Sa palagay ni Aya ay kaedad niya lang ang isa at ang isa pa na nakaupo sa frontseat ay nasa trenta na ata.
Sumikdo ang dibdib niya sa kaba at takot.
Ganunpaman ay nagpatuloy siya sa paglalakad subalit umagapay pa talaga sa kanyang paglalakad ang sasakyan.
"Miss ang suplada mo naman? Sumabay ka na lang kasi sa amin para hindi ka na mapagod sa paglalakad."sabi naman ng mas bata. 'Eto nga, heto na nga ba ang sinasabi niya. Malakas ang kabog sa kanyang dibdib. Takot na takot na talaga siya.
Tahimik siyang umuusal ng dasal.
"Miss! Huwag ka na kasing pakipot pa!"sabi ng mas matanda sa frontseat. Maiiyak na talaga siya sa takot. Kinapa niya ang cellphone sa bag. Tatawagan niya si Ash. Sa takot at kabang nararamdaman ay hindi niya na alam pati pag-open ng cellphone niya. Patuloy pa rin siya sa paglalakad nang may mabunggo siya.
"Aya..."dinig niya sa pamilyar na boses. Umangat ang kanyang mukha to confirm.
"Ash..."agad siyang yumakap ng mahigpit sa binata at isiniksik ang kanyang ulo sa dibdib nito. Tuluyan na siyang napaiyak.
"Aya, ligtas ka na kaya huwag ka ng matakot okay."sambit ni Ash. Niyakap niya rin ang dalaga ng mahigpit at hinaplos-haplos ang buhok at likod nito to make her calm.
"Wala na sila. I'm sorry at natakot ka."wika ni Ash sa pagitan ng hikbi ni Aya.
"Ash...ash..."paulit-ulit na usal ni Aya. Ngayon nakita na ni Aya ang binata ay naglaho na lahat ng kanyang kaba. She feels safe now in his arms.
"Tayo na, umuwi na tayo."wika ni Ash.
Pinunasan niya ang mga luha ni Aya bago niya ito iginiya sa paglalakad. Nagulat pa si Ash, nang biglang humawak ng mahigpit sa kanyang mga braso si Aya. Isiniksik nito ang sarili sa kanya.
Sa buong buhay ni Ash ngayon lang sila naglakad ng ganito kalapit ni Aya. Sigurado siyang hindi niya malilimutan ang gabing ito.
Pumara si Ash ng taxi at sumakay na sila pauwi.
Pagdating nila sa bahay ay pansin pa rin ni Ash ang takot sa mukha ng dalaga. Mabuti na lang talaga at sinundo niya ito, hindi niya talaga mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari rito.
Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang asawa.
"Huwag ka ng matakot, okay?"masuyo niyang alo rito.
"Ash, kasi...ang akala ko talaga mapapahamak na ako. Takot na takot ako kanina, mabuti na lang dumating ka."hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib nito.
"Huwag ka ng mag-alala, ligtas ka na okay. I will not let them hurt you."sambit ni Ash na nakatiim-bagang. Subukan lang talaga ng mga iyon na gawan ng masama si Aya hindi niya talaga sasantuhin ang mga ito.
"S-salamat."she uttered those words.
....
Kakatok na sana si Aya sa pinto ng silid ni Ash nang makita niyang nakabukas pala ito.
Nakita niya ang binata na nakaupo sa ibabaw ng kama nito at nahihirapang tanggalin ang benda sa noo. Lumapit siya kaagad sa binata.
"Ako na."she volunteered. Dahan-dahan niya iyong tinanggal.
Hindi na tumanggi si Ash sa tulong na inaalok nito. He intently stared at her face while she's doing the dressing on his forehead.
Malambot ang mga kamay nito.
That innocent and angelic face na hindi niya pagsasawaang tingnan. He just really adore and love this woman, very much.
"Ash, papalitan din ba-"napatigil siya sa pagsasalita nang magsalubong ang mga mata nila ng binata. Teka, bakit bigla yatang uminit ang paligid. Hindi na naman siya kinabahan pero bakit ang lakas na naman ng kabog sa kanyang dibdib. Hindi siya makapagsalita sa mga titig ni Ash sa kanya.
Waah!! Ito na nga ba ang ikinatatakot niya kapag ipinagkanulo na siya ng sarili niyang damdamin.
Hindi naman ganito kalakas ang impact kapag sila ang magkasama noon ni Lance eh. Pero bakit ganito na lang kabilis ang t***k ng puso niya sa tuwing magkakalapit sila ng binata. Dumako ang kanyang paningin sa mga labi nito and she suddenly feels the urge to kiss him. Bakit ba siya nagkakaganito? Si Lance ang mahal niya at hindi si Ash sigaw ng isipan niya pero bakit ganito na lang katindi ang attraction niya kay Ash. Ngayon niya lang aaminin sa sarili na super gwapo naman talaga ni Ash eh. Hot na hot nga talaga ito kahit may sugat at benda sa noo.
"Aya..."dinig niyang usal ni Ash sa pangalan niya. Naramdaman na lang niya ang pagyapos ng mga kamay nito sa beywang niya at unti-unti siyang hinahapit palapit sa katawan nito.
Hanggang sa magpantay ang mukha nila. Hahalikan ba siya nito? Bigla tuloy siyang nataranta sa isiping iyon. Ito na ba ang sinasabi nila na hinding-hindi siya makaka-resist sa charm ng asawa niya?
"T-teka, itatapon ko lang muna 'to sa basurahan." tukoy niya sa mga cotton at bendang nagamit para makaiwas. Agad siyang tumayo para iwasan ang nakakatunaw na mga titig nito. Subalit bigla siyang hinila ni Ash kaya bumagsak siya sa kandungan nito. Natataranta siya at hindi niya alam kung ano ang gagawin kung ano ba ang iaakto niya sa harapan nito.
Nagulat na naman siya nang pagdikitin ni Ash ang mga noo nila. She smells that sweet scent of him.
She felt that tingling sensation when his lips landed on his forehead giving her small kisses. Hinalikan nito ang magkabila niyang mga mata kaya napapikit siya. And then sumunod naman ang magkabila niyang pisngi. Alam niyang pulang-pula na ang mukha niya at gusto niya nang lumubog dahil nahihiya siya pero may parte ng utak niya na gusto naman niya ang ginagawa nito kaya hinayaan na lang niya. Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. Nang tingnan niya si Ash, oh my! Bakit ba ang sexy nito. He looks like a Greek God in her eyes giving her ever that passionate kiss.