Malungkot na napa luha ako habang patuloy sya sa pagkukwento akala ko sa pagalis ko ay mas magiging tahimik ang buhay ng mga tao nan aka paligid sa amin ni Dad. Akala ko na ako lang ang nagpapasama sa kanya kaya mas minabuti ko na umalis. Dad, hindi ako ang kasama mong inilibing nila Mom at kuya kung hindi ang sarili mo. Patuloy pa din kami sa pagiiyakan ni Angelica na para bang sa bawat iyak naming ay nababawasan ang lungkot at sakit. “Angelica get yourself ready okay? Kukuhanin kita dyan sa mansion. I will get you and then we will go visit Manang Lorna okay?” sabi ko kay Angelica. “Ma’am wag mo na po akong sunduin rito magpapaalam na din ho ako kay Senior babalik nalang po ako sa ampunan at doon ko nalang po kayo hihintayin Ma’am puntahan po natin si Manang Lorna sigurado po ako n

