Paglapag ng eroplano namin sa Cagayan De Oro ay may naghihintay na kaagad sa amin. Mabilis na kinuha ng lalaki ang dala naming gamit. Naibang timpla ni Damon ng kausapin ko sya kanina pero bago ako makatulog nakita ko pa sya na masuring binabasa yung terms and agreement na ginawa ko. Actually I was expecting for him to say something but he didn't. At hindi katulad kanina nung umalis kami sa Pampanga hinayaan nya akong bumaba magisa although may naghihintay naman sa akin at umaalalay pa din. It suddenly felt strange for me but then I ignored the feeling. Kaagad kong tinawagan si Sandra ang panganay na anak ni Manang Lorna. "Good afternoon po Señorita Ela, si Sandra po ito nasa room na po si Nanay, sa awa po ng Diyos ay mas maayos na po sya," agad na balita sa akin ni Sandra. Par

