Chapter 38

1333 Words
  Parehas kaming hindi nagsasalita ni Damon hanggang sa makarating kami sa mansion nila Maureen. I immediately messaged Maureen that we are already here. Pagbaba ko ay nakita ko na syang hinihintay ako sa labas. Kaagad na umaliwalas ang mukha nya pero makikita mo pa din sa kanya yung parang pagkabalisa nya. Agad nya akong hinablot nung makababa ako ng sasakyan na pa tingin pa sya rito. “Bakit kasama mo si Damon?” naka taas ang kilay na tanong nya sa akin. “Mahabang paliwanag Maureen, for now I need to know what my Dad is doing here?” tanong ko sa kanya. Agad naman na napalitan ng nagaalala expression yung mukha nya. “Its okay, sanay na ako sa kanya. I hope wala naman syang sinabi or ginawa nab aka naka offend kay Tito.” Nahihiya kong sabi kay Maureen. Dad can be really cruel sometimes, parang nakakalimutan nyang sariling anak nya ako kung ipahiya or hamakin nya ako sa harapan ng ibang tao, pero bihira lang naman din yun but I just don’t want him to ruin my life right now. “Kanina ka pa nya hinihintay Psyche,” sagot sa akin ni Maureen. Tumango ako sa kanya at saka sabay kaming pumasok ng mansion nila. Unlike our family, Maureen’s family has really good roots. Yung mga ancestors nya ay talagang may kaya na sa buhay even before their family legacy. Kami kasi ay dahil sa pagsisikap at pagtyatyaga ni Dad kaya nagkaroon ng marangyang buhay. Sinigurado ni Daddy na hindi naming dadanasin ni kuya yung hirap ng buhay na pinagdaanan nya. Ginawa ni Daddy ang lahat para makita ng family ni Mom na worth it si Daddy sa pagmamahal ni Mom. She was his inspiration, bata pa lang kami ay nakita na naming ni Kuya kung gaano kamahal ni Dad si Mom kaya ganun nalang siguro ang nagging galit nya sa akin ng mawala si Mom at si Kuya ng dahil sa akin. Hawak hawak ni Maureen ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa pool area kung nasaan si Dad at si Tito Marquez. Isang masayang ngiti ang ibinungad sa akin ni Tito Marquez ng makita nya ako. “Good morning po Tito,” bati ko rito at saka ako bumeso. “Magandang umaga din Iha, lalo kang gumanda Ela kamukhang kamukha ka na talaga ng Mommy mo.” Masayang sabi rin nito sa akin. Nahihiyang na pa tango nalang ako sa sinabi nya sa akin. Matapos kong bumati kay Tito Marquez ay bumati naman na ako kay Dad na ngayon ay naka tingin sa akin, napansin ko kaagad yung malaking inihulog ng katawan nyam ula nung naming pagkikita. I wanted to rush to him and hug him, pero pinigilan ko talaga ang sarili ko hanggang sa makakaya ko. Slowly, lumapit ako sa kanya para sana bumeso pero inangat nya yung kanang kamay nya signalling me not to continue. Napapahiya na hindi ako tumuloy. Parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko at pareparehas kaming natahimik. Tumikhim si Tito Marquez at saka tipid na ngumiti sa akin. “Umupo ka Psyche iha, I heard from Maureen that you are planning to pursue modelling? And you got a huge project! Iba talaga itong anak mo kumpadre,” masayang kwento ni Tito Marquez kay Dad. Hindi manlang ako naka kita ng masayang expression mula kay Dad, malungkot na hinaplos ni Maureen ang kamay ko. “Ah kumpadre sa totoo lang ay kaya ako nandito gusto ko sanang makausap ng sarilinan itong si Psyche, medyo personal,” sabi ni Dad kay Tito Marquez. “Ahh ganon pa kumpare sige mauuna na muna kami ni Maureen hihintayin nalang kita dito sa field mamaya kumpare at ng makita naman natin kung may ibubuga ka paba sa golf mukhang masyado kang busy sa kompanya mo mas magaling na siguro ako sayo ngayon,” biro ni Tito Marquez kay Dad. “Just call me okay?” bulong ni Maureen sa akin bago sya umalis. Pagka alis ni Maureen at ni Tito Marquez ay parang mas bumigat yung atmosphere dito sa lanai. “Kamusta Estella?” seryosong tanong ni Dad sa akin. His voice is full of animosity. I knew it, hindi ko alam kung bakit may parte sakin sa umasa nab aka kaya sya nandito ay baka dahil narealize nya na at the end of the day kami nalang namang dalawa ang magkasama. It shattered my heart kasi all along I hoped that maybe maybe dad would appreciate me more kung siguro mawala ako. “Maayos naman po ako Dad,” sagot ko naman sa kanya. Tumango tango naman sya sa akin. “Ako ba ay hindi mo kakamustahin?” tanong nya sa akin. Nagulat man ay agad din akong nakabawi sa tanong nya. “Ah sorry po, yes po Dad kayo po kamusta na po kayo? Ang kompanya po kamusta na po?” kamusta ko naman sa kanya. Dad smirked. “How dare you?” kalmado nyang sab isa akin. Hindi ko kaagad na naintindihan ang sinasabi nya kaya pinroseso pa ng isip ko yung how dare you nya. At dahil hindi ako kaagad nan aka sagot feeling ko ay mas lalong natrigger niyon yung galit ni Dad. “Ang kapal ng mukha mong iwanan ang kompanya tapos ano? Magmomodelo ka lang? sinayang ko lang ang lahat ng ipinakain at ibinuhay ko sayo! Wala kang kwenta!” galit na galit na sabi nya sa akin. Gulat na gulat na na pa atras ako sa kanya. “Dad please wag po kayong magalit dito, wala po kayo sa mansion nyo Dad nakakahiya po kay Tito Marquez at kay Maureen.” Nahihiya kong sab isa kanya. Habang lumilingon lingon pa ako sa paligid para tignan kung may naka kita o naka rinig ba sa usapan namin. Hindi ko gusto na may ibang maka rinig ng usapan naming dalawa hindi lang dahil sa nahihiya ako. Ayokong may makarinig ng usapan naming dahil ayokong isipin ng iba na masama syang tao dahil sa masama nyang pagtrato sa akin. “Kung talagang alam mo ang salitang kahihiyan pwes bumalik ka na sa kompanya at ibalik mo lahat ng bagay na dapat ay ipagsilbi mo sa akin at sa kompanya na nagpaaral at nagpalaki sayo!” galit na sigaw nya sa akin. Hindi ko alam kung paano akong magrereact sa sinabi nya. “Pero nagresign na po ako,” sagot ko sa kanya. Na pa hilot naman si Dad sa ulo nya na parang na wawalan sya ng gana sa mga pinagsasahgot ko sa kanya. “Hindi pa sapat yung serbisyo na binigay mo sankompanya wala kang Karapatan na umalis dapat buong buhay mo ay iggugol mo para sa kompanya na pinaghirapan naming ng mommy mo! Wala kang Karapatan na umalis nang dahil lang sa ayaw mo na! ano ng klaseng anak ka?!” galit nag alit na sigaw nito sa akin. Huminga ako ng ilang beses bago sumagot sa kanya pinigil ko rin ang sarili ko na umiyak dahil lang sa nasasaktan ako sa sinasabi nya. “Pero hindi po ba wala namang akong saysay sa kompanya nyo? Hindi po ba?! Hindi ba wala naman akong kwenta?! Hindi po ba wala naman akong ambag at sana ako nalang an namatay ha?! Hindi ba?! Bakit nngayon?! Bakit ngayon na pinipilit ko ng ayusin yung nbuhay ko eto nanaman kayo at paulit ulit na sinasabi sa akin na wala akong Karapatan na wmaging masaya? Dad ako ho yung klase ng anak na kahit hindi nyo itinuring na anak ay itinuring pa rin ho kayong magulang.” Madiin kong sabi kay Dad. Nakita ko kung gaanong sakit at galit ang rumehistro sa mukha nya ng marinig ang mga sinabi ko. Iniangat nya ang jamay nya at inantay ko na nalang na lumapat ito sa pisngi ko pero hindi iyon nangyari. Nakita kon nalang si Damon na hawak hawak ang kamay nya. “Mawalang galang na po, pero hindi nyo po pwedeng saktan ang asawa ko.” Seryoso at matigas nyang sabi kay Daddy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD