Chapter 3

2236 Words
Nagising na lang ako na puro puti ang paligid ko. Napabalikwas naman ako nang bangon dahil sa sobrang kaba. Nasaan ba ako? Napabaling ako sa pintuan at lumabas ang isang nurse. "Gising na po pala kayo. Kumusta po ang pakiramdam po ninyo? Wala po kayong hilo na nararamdaman?" Sunod-sunod na tanong niya. Tumango na lang ako para shortcut na sa pag uusap. "Miss, sinong nagdala sa akin?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang aking dexstrose. Ito ang ayoko sa ospital ang daming naka-kabit sa katawan. "Uh... di po niya sinabi ma'am.. pasensya na po ah. Hindi ko po namukhaan busy din po kasi ako kanina. Pero po nakontak ko na po yung Rafael po sa phone niyo. Papunta na daw po siya..." saka ito bahagyang umusog palayo at lumabas ng kwarto. Pero... sino yung tumulong sa akin na dalhin ako dito? Ang huling naalala ko ay yung hinalikamn niya ako. Ang init pa naman ng labi niya. "Hey, are you okay now?" Bungad ni Rafael. Naku-naku may pagka-OA pa naman din ito. Tumango naman ako at ngumiti. "Yeah...I'm alright. No need to worry." Iniisip ko ay kung sinumbong na niya ito kay daddy. Paniguradong pai-imbestigahan na yung nangyari. "Don't tell dad." "He needs to..." hawak-hawak niya ang kanyang cellphone. Akma niyang ida-dial pero pinigilan ko siya. "Wag na... he's in work. Mamaya hindi niya matapos iyon sa ginagawa niya." Knowing my father, he is a workaholic person. "If you tell please make sure he's done." Alam kong hindi niya mapipigilan na sabihin sa daddy ko. Parehas silang paranoid. "Okay." Sabi niya at ibinulsa ito. Nakahinga naman ako ng maluwag na okay na siya doon. "Sir, sabi po ng doktor okay na po siyang i-discharge. Hindi naman daw po kailangan matagalan ang confinement niya po. " Ngiting sabi ng nurse. "May fi-fill upan lang po kayo sa baba at okay na po. Bayad na din po pala lahat ng bill niya po." Nagkunot ang noo niya at tumingin pabalik ito sa nurse. Wari ba'y naguguluhan sa narinig. "Miss bayad na yung bill?" Tanong muli nito. "Yes Sir... iyon po ang nakalagay sa record niya kaya okay na po."ngiting sabi niya kay Rafael na lalong kumunot ang noo nito. "Si-sige miss pupunta na lang siya sa baba. Para pirmahan yung papeles." Ngiti kong sabi. Kaya mabilis naman ang paglabas ng kwarto ng nurse. "Oh pumunta ka na doon. Nga pala thank you sa pagbayad. Utang yun ah... babayaran ko." "Hindi..hindi ako ang nagbayad ng bill mo." Ako at nagkunot ng noo sa sinabi niya. Pinagloloko niya ba ako? Eh walsmang pwedeng gumawa noon kundi siya lang. "I swear Mads.. hindi ko ginawa iyon. Andito pa nga dapat yung gagamitin ng pera." Ipinakita niya pa yung cash na dinala niya. Kung ganoon sinong gumawa noon? "Welcome Madam!" Bungad ni Andy kasama ang ilang trabaho ng umuwi ako galing ospital. Nagulat ako dahil hindi siya lang ang naroroon. Nagsaboy pa ng conffetti sa ulo ko. "Tse.. grabe ka na Andy ah... yari ka sa akin." Bumulong ako sa kanya. Ngumiwi lang ito ang ngumisi. Naghanda sila ng konting pagsasalo. "Mommy! I miss you! Karga!!" Itinataas ni Clein ang kamay niya para buhatin ko siya. Pero umiling ako lumbel sa laki niya. "Clein... next time na lang ahh.. Masama pakiramdam ni mommy. Nanghihina ako." Sabi ko sa kanya Kaya naman si Rafael ang bumuhat sa kanya. "Big boy ako muna ang magbubuhat sa'yo ah." Ningitian naman siya ng anak ko. "Pap... pap.." ningitian naman pabalik ni Rafael. Umupo ako sa malapit na sofa. "Okay ka na ba? Mamaya hindi pa.." ani Sir Justin. Ngumiwi ako sa kanya pero tumango ako. "Ayan! Nagluto ako ng sopas para sa'yo Madi." Sabi ni Celine na may dalang mangkok. Nakasunod naman ang kasambahay ko na dala ang pagkain ng iba. "Wew... pwede nang mag-asawa..." pang-aasar ng mga katrabaho namin. "Ang tanong meron bang aasawahin?" Nahalata ko na medyo namula at pasimpleng tumingin ito bahagya sa tabi ko. Sinundan ko ang kanyang tingin at tumungo ito kay Rafael. Sumimangot at umiwas sa kanya ito ng tingin. May something?? Bahala na sila inaantok ako. "Good morning Miss Madison..." bati ng security nang makabalik ako ng opisina. "Hi..." ngumiti ako. Nagulat lang ako nang bumukas ang lift ay si Mr. Lim ang lumabas. Umiwas ako ng tingin at pumasok sa loob ng elevator. Pero nabigla pa ako ng nakita kong bumalik ito sa loob. Hindi ko siya tinitignan. Ang ginagawa ko ay pinakikiramdaman ko siya. Hanggang sa bumukas ang lift ay dumiretso ako sa opisina ni Sir Justin. Pinapasabi niya sa sekretarya na papuntahin ako para sa isang project. "Good morning Sir.." bungad ko sa opisina niya. "Goo--- oh Mr. Lim andito ka pa pala..." Dito pala din ang punta niya pero bakit? Hindi ito umimik at sumulyap kay Sir Justin. "Miss Aragon, gusto ko magpresent ka ng sample work mo as a photographer. Gusto kasi kumuha ng sample works mo para sa ad ng Sofia at... sa isang company na based from London." Napaawang ang bibig ko sa narinig. "I'm not choosy on my work but... but why do I need to do the job. I mean there are other professional photographers here in the company yet I was chosen?" Ningisian niya ako nang sumulyap ako. F*ck it! Is he going to do something? "Well miss Aragon... I think you did your job pretty well that's why I chose you to do the job." Aniya. Inabot niya ang isang portfolio. "Read this... our theme for this season is wedding..Maraming nagaganap ng kasalan kaya I want you to do the photographs." "Isa pa... I think its a good experience to photograph the whole hotel. For our advertisement." Gusto ko sanang tanggihan ang offer pero kita ko sa mata ni Sir Justin na gusto niya tanggapin ko yung trabaho. "I'll set my conditions regarding this and if you will not comply I won't do it." Matigas kong sabi. Mukhang makakapasok ulit ako sa Sofia. Hindi nga lang bilang empleyado. Kundi sila na anh kliyente ko. "Okay just tell me you terms and conditions and my hotel will do the rest." saka iniwan ang calling card. "Just call my secretary if you are already decided." Tumango na lang ako para matapos na. Working for him again? This time I won't let myself fall to him. Iyon ang isang BANG sa akin para akong nagising sa pagkakaantok. Kung bakit naman kasi gusto niya ko kunin di ba? Isa pa sabi ni Sir Justin ay kabilang yung sa promotion ng Sofia sa isang magazine ng kompanya. "Wala ba pwedeng gumawa niyan Sir Justin? Kasi naman parang masta-stuck up ako niyan sa trabaho ko sa kanya." "Well Madison, think about this offer." nilahad niya ang isang tseke. "He already paid your service." Napangiwi na lang ako nang bummaling ako sa kanya. He is devishly smiling. Tila tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari ako naman ay naiinis. One hundred million dollars!? "I don't know... I'm still going to think over it. Although, I have an exclusve contract here. Please, be careful on offering me certain amounts. Ayokong bahiran ng pera ang trabaho ko. Mahirap malusutan ang media baka mainggit ang iba." Pero mukhang di ito natinag sa mga sinabi ko. Seryoso lang tingin niito sa akin. Hindi ko siya pinansin doon. Hanggang sa tinawag niya ang kanyang sekretarya niya. "Please do the job." saka ito tumayo at umalis ng opisina. Lumingon lang ako kay Sir Justin na ngayon ang kunot ang noo. "Bakit parang may mali akong nakikita? He never begs for anything."Kinuha niya yung mismong folder na iniwan ni Mr. Lim "Mukhang ito yung gusto nilang concept sa pictorial. If you are still doubting I recommend you to accept this. It is the biggest offer. Kinuha ko iyon at nagtungo sa table ko. Napatingin ako sa tseke at bumalik lahat ng alaala ko. Shit! Wala ba akong takas? Iniisip ko din yung anak ko... anak namin. Hindi niya pa alam na nabuntis ako. Dead end? Iniutos ko na kay Andy na kontakin ang Sofia pina-fax ko na din yung signed agreement. Isang pang billboard lima para sa magazine at isa para sa advertisement. "Okay set-up guys." sabi ko nang magsimula ang shhot sa isang garden doon sa loob ng hotel. Kita ko na mas lumago ang Sofia noong huli kong iniwan ito. Natapos na din ang renovation at mas lumaki na ang hotel rooms. Una ay ang seductive motiff para sa honeymooners. isang couple din ang ginamit as a model. CLICK! CLICK! CLICK! "Change costume...." sabi ko nagpunta ako sa gilid at tinignan ang shots. "So, scanning the pics." napatalon ako sa boses sa gilid ko. Kahit hindi na ako tumingala ay alam kong siya iyon."Kumusta ka na, Mi--- or Mrs. Aragon. I heard you pass out while shooting for the fashion show." "Ye-yeah edyo na-stress lang ako at ang dami kong iniisip, Sir." Wait? Tinawag niya ba akong Mrs.? Ang akala ba niya ay nag-asawa na ako? "Okay get back to work." sigaw ko. Nasipag-pasan ang staff sa mga model. "Mauuna na po ako." Lihim akong sumulyap nangnasa malayo ako. Hindi ko makita kung anong ekspresyon niya pero nakatayo lang siya doon at nakatingin banda sa amin. CLICK! CLICK! CLICK! Sa buong shoot a naroon lamang siya. Tinignan siya ng staff namin. May isang naglakas loob na puntahan siiya at offeran ng kape. nakita kong tinanggap niya pero hindi niya ito iniinom. "Okay tapos na!" sigaw ko ng matapos yung shoot. Pumunta na sila sa susunod na lugar ng shoot. Inayos ko yung gamit ko. "Why don't you wear your ring? Does your husband knows it? Hindi ba ito nagagalit?" sunod-sunod na tanong niya. Pero binaliwala ko iyonkinuha ko yung phone ko at ti-nap ang screen. "Is that your son?" "Napa-iwas ko yung phone ko sa kanya. s**t! "Miss Madison, okay na po yung scenario." lumapit sa akin si Andy. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalayo ako sa kanya. Nag pokus ako sa pagkuha ng litrato. Hindi pwede masiraang concentration ko. Nakita kong dumating ang ilang board members kasama yung babaeng kasama niya noong nakaraan. Makikita ko muli sila. "Water break." Sabi ko. "Oh miss Kim!? Tama ba ang nakikita ko? Ikaw na ba yan?" Si Prosecutor Han. Tumango ako at ngumiti. "Long time no see..." tipid kong sagot. Nakugnot ang ilang board members dahil sa presensya ko. "Ohh.. akala ko ba nasa Cebu ka? We saw there a year ago kasama nga namin itong si--" "Mr. Yang." Pigil ni Sir Aldriq. Lumingon ako sa kanya nakabaling na kay Ms. Montesilva ang atensyon nito. Kita ko masaya siya aa piling ng iba. I am fighting back my tear. "Kulang na lang ay si Anthony. Nasaan ba si President? Don't tell me kasama niya---" natigil ang lahat ng may tumikhim mula sa hindi kalayuan. "Hello Madison!" Mabilis itong pumunta sa akin at niyakap ako. "Long time no see! Kahit na boyfriend ako ng best friend mo." Natawa naman ako doon. Siya na ang President ng Sofia. Ibang level na siya hahaha! "Uyy, Sir andito ka pala? Kala ko naghoneymoom na kayo ni Ms. Montesilva?" Ngumisi siya. Mukhang inaasar niya si Mr. Lim. "Stop it Anthony." Saway niya rito. Kita kong nakayakap ang babae sa baywang niya. Umiwas na lang ako ng tingin. "Uhm balik lang po ako sa trabaho ko." Paalam ko. Tumango naman sila. "Game." Dapat maging okay na ako. Okay naman siya eh. Honeymoon? Siguro malapit na sila ikasal. Yun nga ikakasal na yung dalawa. "Madam, ready na." Tapik ni Andy sa balikat ko. Hindi ko na pinahaba pa ang session doon. Tinapos ko na at nagdeklara ako ng pack-up. "Madam ito ata ang pinakamabilis natin na shoot. May lakad?" Baling sa akin ni Andy. Umiling lang ako at inayos ang gamit. "Tara na." Hindi ko makakasama si Andy para makasabay sa pag-uwi. May date daw sila ng boyfriend niya. Buti pa siya may boyfriend. Hayy... Nagpahatid lang ako sa bus stop para doon sa sumakay pauwi. "Ingat ka, madam." Sabi niya. Naghintay ako sa bus stop pero ibang ruta naman ang laging huminhinto. Tinignan ko ang orasan at mag a-ala siyete na ng gabi. Unti-unti na din kumukonti ang tao dahil nakakasakay ang mga ito. Nang biglang may hunatak sa bag ko. Pero nahawakan ko iyon at nakipaghilahan ako. Hindi pwede mawala sa akin ang bag na ito dahil akong importanteng bagay. Lord tulungan niyo ko. Please! Para naman narinig agad ang dasal ko ng may humawak sa braso ng holdapee at sinutok siya. Pero hindi ito natinag mula sa suntok bagkus ay nilabas nito ang kutsilyo. "Aaahhhhh!" Isang tili ang ginawa ko nang makita kong sinusundan ito ng kutsilyo ang bawat ng tumulong. Hanggang sa daplisan ang mukha nito pero isang upper cut na suntok naman ang bumalik sa holdaper. Mabuti na lamang ay may tumulong na taong bayan na huhuli. "Get in the f*****g car!" Hinawakan niya ko sa palapulsuhan at niyakag papunta sa isang itim na kotse. Doon ko lang narealize na si Aldriq pala ang nandoon para tulungan ako. Nakita kong umaagos sa mukha nito ang konting dugo mula sa daplis. "Malalim ba ang sugat?" Hinipo ko iyon pero hinawi niya yung kamay ko. Gusto ko lang naman i-check kung malalim ang sugat. "Dapat hindi mo na iyon ginawa. Ayan nasugatan ka pa tuloy." Sabi ko sa kanya. "Tingin mo ba hahayaan lang kita na may mangyaring masama sa'yo!?" Napahilamukos ito ng mukha. "Damn it!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD