(Pristine POV)
"Ok Class dismissed...see you tomorrow and don't forget to study your lesson tomorrow we have a Quiz." "Good bye sister... thank you po...." Sabay Sabay kaming nag paalam kay Sister Maria at kanya kanya ng labasan ng classroom. "Ap it's early pa naman let's go to our favorite place sa tabing dagat gusto ko lang mag lakad lakad sa dalampasigan at mamulot ng sea shells just like old times when we are kids pa remember? Kung saan nabuo ang friendship natin, imagine Ap I was 5 years old that time at ikaw 3 years old lang when our friendship started di ba? Masayang masaya akong inaalala ang friendship namin ni Ap kung paano nag simula ang friendship namin. Kasama ko ang lolo at lola ko noong time na yun at ganun din siya kasama niya ang lolo niya, magka alyado sa pulitika ang mga grand parents namin noong nasa pulitiko pa ang lolo ni Ap kaso tumigil na siya after ng term niya as mayor ng town namin, samantalang si lolo at ibang kaanak namin ay active pa rin hanggang ngayon. Madali kaming nagkasundo ni Ap ng panahong iyon nag habulan kami at namulot ng sea shells sa dalampasigan ang saya saya namin, simula noon parati na kami nag kikita tuwing mag bonding ang mga grand parents namin." Pero na pag alaman ko na mag best friend din pala sila mommy at tita Athena at ninang ko rin si Tita Athena at ninang at ninong din ni Ap si mom and dad. Talagang were destined to be best friend. Or should I say our family are destined to be best of friends from generation to generations it’s an endless friendship. Ang Sarap sa pakiramdam. oh siya tara na pero mga one hour Lang tayo doon alam mo naman ang sitwasyon ko mag luluto pa ako ng hapunan namin Tin. May lakad si nana Auring kaya ako ang mag luluto ngayon! Buti ikaw wala kang ginagawa sa bahay dahil may marami kayong katulong kayo kaya marami kang free time, unlike me, lahat ako gumagawa pag wala si nana Auring. pwera na lang ang pagluto ng ulam." pero yung mga prito, tinola sinigang, nilaga, paksiw ako na mag luluto pag wala sa mood ang Lola mag luto." "okay" pero once in a blue moon Lang yun sa mood ang lola Urduja. sagot ko kay Ap. Hindi namin na malayan nakarating na kami sa dalampasigan at masayang akong namulot ng sea shells dahil Gina gawa ko itong pulseras o di kaya ay kwintas at hikaw yan ang libangan ko mahilig ako sa ganun, dahil kikay ako at fashionista, hindi kagaya ni Aphrodite simple Lang walang kaartehan sa katawan at wala rin accessories tanging pulseras Lang na gawa sa shell na bigay ko sa kanya as friendship token. Tinulungan ako ni Ap sa pamumulot ng sea shells habang nag kwekwentuhan. " Ap di ba pangarap mo rin maging Doctor saan ka mag aaral sa college ng pre med course mo?" "Hindi ko pa alam Tin" bakit mo naman na tanong?...". "Malayo pa yun 4 years pa, kung papalarin maka pasa sa UP at maka kuha ng scholarship malamang sa UP Manila ako at mag woworking student na rin ako para may pang allowance... bakit ikaw saan mo balak mag aral? "Gusto kasi ni Dad sa Harvard University ako mag aral kahit ang pre med ko doon daw. Kasi alma matter nila ni mommy yun at ang mga kuya ko doon din nag aaral Si kuya Preston doon nag tapos ng Law, si kuya Pryce doon din nag aral ng Business Ad at masteral degree, pati sina kuya Proverb at kuya Presliegh na kasalukuyang nasa kolehiyo ngayon. Kaya gusto ni daddy at mommy doon na din ako mag aral ng college,kahit ayaw ko umalis no choice, parehong die hard sa alma mater nila" nakasimangot Kong turan. "Ano ka ba Tin napakaswerte mo nga e dahil sa America ka pa mag aaral at kaya kang paaralin ng parents mo ako nga tagilid pa alam mo naman yung tita ko kontrabida sa success ko kaya grab mo na ang opportunity Tin habang kaya kaya ka at supportado ng family mo..." "Malulongkot ako doon mag kakahiwalay tayo ng matagal Ap...alam mo naman na ayaw ko mahiwalay sayo....Ikaw lang ang bestfriend ko na loyal sa akin, paano kaya Ap kung doon ka rin mag aral para mag kasama tayo? Sige na masaya yun Ap for sure.... Sige na try mo mag apply ng scholarship malay mo makapasa ka na possible naman! you know beauty and brain ka kaya, sa talino mong yan sisiw lang sayo yun...what do you think? Habang taas baba ang mga kilay ko na nakangita dahil sa tingin ko ay makakasama ko ang bestfriend ko kahit opposite ang personality naming dalawa! but still nag click kaming dalawa, and thank you kay Lord dahil super bait niya sa kabila ng mga pinagdaanan niya hindi siya nagagalit, matiisin talaga siya. Naku tin suntok sa buwan yang suggestion mo malabo yan, alam mo, kahit mag kakahiwalay man tayo walang mag babago ikaw pa rin at ikaw lang ang Bestfriend ko kaya wag ka na mag alala Tin... walang mag babago.... Promise!..."sabay taas pa ng right hand na animoy nanunumpa talaga si Ap. Di ba si kuya Alex ay nasa Harvard university at kakagraduate Lang ng masteral? Baka naman pwedeng kausapin, para maconvince niya si lola! Kasi for sure si lolo Alejandro papayag yun! Super bait yun si lolo! Opposite ni Lola Urduja. Napaisip Si Ap saka nakangiting sumagot. Hmmm Sige I’ll try Tin! O siya Mamulot na lang tayo ng mga shells para may gagawin ka na namang bagong accessories... minsan mag papaturo ako sayo para may extra income ako, ibebenta ko tin" nakangisi niyang sabi sa akin. " Oo ba walang problema pag may time ka any time punta ka lang sa amin tuturuan kita... sabi nga ni mommy ba't daw hindi ka na napasyal sa bahay na mimiss ka na ata hehehe'". Alam mo naman yun si mommy gustong gusto ka niya na tutuwa siya sayo kasi bukod sa matalino, maganda ay mabait pa ang swerte nga daw ng mama mo sayo kaso maaga naman kinuha" biglang nalungkot si Ap sa sinabi ko. "Naku bestie sorry... nabanggit ko pa ang mama mo, na miss din ni mommy alam mo naman kagaya natin mag best friend din sila." "Wala yun ganun talaga ang buhay unaunahan lang at para hindi na rin si mama mahirapan sa kanyang sakit kaya tanggap ko na yun at siguro may plano ang Diyos kung bakit ganito nangyari, sana nga lang nakilala ko ang tatay ko." malungkot na saad ni Aphrodite. " Alam ko na Ap... I try to ask mommy baka may alam siya sa tunay mong papa...kasi sila ang mag best friend, tiyak may alam yun." "Tutulunga kitang hanapin ang papa mo." "Salamat Tin pero okay lang naman sa akin kung hindi ko makilala baka kasi ayaw rin niya sa akin... kasi kung gusto niya, gumawa na siya ng paraan para makilala ako." " hay naku basta leave it to me ako na bahala kahit sa ganito man lang ay makatulong ako sayo iba pa rin yung kilala mo ang tunay na ama mo para buo ka di ba? " Oo gustong gusto ko kaso kung ayaw niya wala akong magagawa." "O siya uwi na tayo mag sasaing pa ako". Pag iiba ni Tin sa usapan namin, pero buo na ang loob ko na tutulungan ko siyang hanapin ang papa niya at alam Kong makakatulong si mommy mag tatanong ako sa kanya mamaya. "Tara marami rami na din ito at mahaba haba na rin ang nilakad natin ok na to kahit papano nakapag bonding at nakapasyal naman tayo dito... next time Ap punta naman tayo doon sa may falls, na miss kong maligo doon gaya ng dati." Oo ba sa Saturday na Lang siguro Tin nandiyan ang lolo makakagala ako mag papa alam ako sa kanya alam mo naman kay lolo lang ako malakas..." sabay tawa ni Ap, alam ko naman na mahigpit at mainit ang dugo ng lola at tita niya kay Ap.
Naalala ko pala Ap yung hacienda ng lolo mo ang ganda siguro mamasyal doon. Di ba dati noong bata pa tayo sinama tayo nila lolo doon? Ang ganda doon a ang lawak ng farm. Sayang saw a ako sa fruits doon at ang ganda pa ng garden! Kailan kaya ako makadalaw doon! Excited na sabi ko kay Ap. Hayaan mo sa Sunday buangit in ko kay lolo na gusto mong mamasyal doon.
(Aphrodite POV)
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ay Friday at dumating ng ang lolo. Masaya ko itong sinalubong at nag Mano. Masaya ako pag nandito si lolo.
Hija kumusta ang school mo? Okay lang po lolo mata taas pa rin po ang mga grades ko po next friday po releasing na po ng card ko lolo!. Uwi po kayo sa friday para makita at mapirmahan mo po! Okay apo makakaasa ka! Ano top one ka ba ulit apo? Nakangiti nitong sabi sa akin. Hindi ko pa po sure next Friday pa po sasabihin ni sister Maria at ipost na rin daw sa bulliten board! Pero lo pag top two Lang ba ako okay lang sa inyo? Naku apo May top man o wala okay lang sa akin ang importante makapasa ka apo! Wag Ma pressure sa studies mag enjoy ka lang apo! Yun Lang ang gusto ko. Oo nga pala lo! Gusto pala mamasyal ni Tin sa hacienda. Ganon ba o siya sa Sunday after ng mass punta tayo doon para maipahatid ko kayo kay Mario sa hapon!. Tawagan mo siya para makapag prepare! Talaga lo? Hmmm Salamat po sabay yakap at balik dito.
Tinawagan ko si Tin sa telepono at binalita sa kanya na pwede kami mamasyal sa Sunday after ng first mass. Kaya tuwang tuwa ito. At pumayag na rin sila Tito at Tita Atasya.
Dumating ang araw ng lingo! Sabay sabay kaming nag simba kasama sila lola Tita Apate at nana Auring. Nakasabay din namin ang pamilya ni tin na agad namang lumapit kay lolo.
Tito Alejandro! Sigaw ni Tita Atasya sabay halim sa pisngi, ganon din si Tito Primo. Kumusta po tito ang hacienda mo? Tanong ni Tito primo! Okay naman! Kumikita din kahit papano. Siya nga pala Mamaya after nitong mass ay isasama ko ang mga bata sa hacienda at gusto daw nitong si Pristine mamasyal! Kung okay lang sa inyo! Naku Tito kahapon pa excited yan!dadala na niya ang mga gamit niya nasa sasakyan Lang na kaready na po.! Kaya ikaw pristine huwag pasaway doon ha! Yes mom! I’ll be good po! Mabait nitong sagot.
Tara na sa loob! Mag umpisa na ang misa. Yaya ni Tito primo sa amin, kaya sabay sabay na kaming pumasok sa loob. Samantalang sila lola at tita Apate ay kanina pa sa loob hindi na ito nakipag usap kila tito primo derederitso na ito sa loob ng simbahan pag baba ng sasakyan. Kaya ngayon nakaupo kami sa bandang likuran nila. Mamaya maya ay nag umpisa na ang misa. Tahimik ang lahat na nakikinig sa misa. Samantalang si Tin ay pangiti ngiting sumusulyap sa akin siguro na iimagine nito ang mangyayari Mamaya sa hacienda. Na alam Kung mag enjoy ito doon.
Gaya ng napagkasunduan ay after ng mass dumiritso na kami ng hacienda kasama si lolo masayang masaya si Tin. Pag pasok palang ng malaking gate ay tanaw na ang mansion ng mga Centena. Ancestral house ito ng pamilya ni lolo Alejandro Minana pa sa great great grand father niya. Only son lang si lolo kaya siya na ang nag mana nito.
Wow! Ang ganda dito lolo ang dami ng flowers sa garden po! Excited na bulalas ni Tin. Natatawa Lang si lolo sa kanya. Dali Dali kaming bumaba at patakbo pa itong si tin papunta sa bridge ng fish bond ni lolo tuwang tuwa ito sa mga bulaklak at koi ni lolo. Naaaliw Lang akong panoorin ito. Maya maya ay lumabas si Manang Gloria kasunod ang anak nito na si Marglo na kaedaran ni Tin. Masaya kaming sinalubong. O hija pumasok muna kayo at mag almusal! Pagkatapos mag almusal ay pasamahan ko kayo kay Marglo pala makapasyal dito sa hacienda! Masayang sabi ni Manang Gloria.
Sige po Manang Salamat po! At isa isa kaming nag bless sa kanya.
Hi Marglo kumusta ka na? Namiss kita!Bati ko dito! At niyakap ko siya. Bukod kay Tin matalik na kaibigan ko rin si Marglo.
Mabuti naman Ap! Buti namasyal ka dito miss na rin kita!
Hello Marglo it’s nice to see you again friend I miss you so much. Sabay yakap ng Ma higpit. Niyakap din ito ni Marglo na natatawa kasi ang OA nito si Tin. Namiss din kita Tin.
Tara na sa loob para maka pag almusal tayo! Yaya ni Marglo.
After naming mag almusal ay sinama kami si tin sa farm at mag hapon kaming mamasyal doon, nangupahan ng mga prutas. At pag balik ng maynila ay dala dala namin. Si mang Mario lang ang nag hatid sa amin ni Tin pabalik ng bayan. Masayang masaya kami lalo na si tin. Ang daming na tuwa sa kanyang mga Tauhan sa hacienda kasi sinama pa niya ito sa kanyang vlog. Vlogger itong si tin at millions na ang subscribers nito. Kilala si tin sa social media at May offer din ito ng modeling at mag artista but she turn down the offer. Ayaw niya pumasok ng showbiz at ayaw din ni Tito Primo.