DAVIAN POINT OF VIEW Mula sa sandaling isinara ni Snow ang pinto ng bahay ko, hindi na muling naging payapa ang gabi. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko’y parang may bagyong hindi ko maipaliwanag. Nakahiga ako sa kama pero hindi mapakali. Nakatingin sa kisame, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina. Ang mga halik. Ang mga bulong. Ang init ng bawat haplos niya. At ang lungkot sa mga mata niya bago siya tuluyang lumayo. “Snow…” bulong ko, halos pakiusap sa dilim. Pero ang sandaling pag-alaala ay naputol nang biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown number. Pero kilala ko na ang tono ng boses sa kabilang linya kahit hindi pa ito magsalita. “Davian,” malalim na boses. Diretso. Walang emosyon. Mr. Black. “Anong kailangan mo?” malamig kong sagot, agad na tumayo mula s

