SNOW POINT OF VIEW
"Mozz, wala na dito ang taong dumukot kay Jean. Wala na ring bakas na andito pa sila," sabi ko kay Mozz matapos naming halughugin ang buong lugar.
Bigla siyang napasigaw, halos mapunit ang katahimikan ng gabi.
"Hayup talaga ang lalaking 'yon! Papatayin ko siya! Papatayin ko ang demonyong 'yon kapag nahuli ko!" Ang boses niya ay punong-puno ng poot at desperasyon. Ang mga kamay niyang nakuyom, nanginginig sa galit.
Agad siyang nilapitan ni Kuya Thaddeus, mahinahong tinapik sa balikat, pilit siyang pinapakalma
"Mozz, easy ka lang. Mahahanap din natin siya. Pero sa ngayon, kailangan na nating umuwi. Alalahanin mo, may dalawang batang naghihintay sa'yo. Hindi lang ikaw ang nasasaktan."
Pero tila bingi si Mozz sa lahat ng sinabi.
"Nangako ako sa mga anak namin ni Jean..." nanginginig ang kanyang boses, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Nangako ako na pagbalik ko, kasama ko na ang mommy nila. Pero Kuya... paano? Paano ako uuwi kung wala si Jean? Hindi ko na alam kung saan pa ako magsisimula!" Napahagulhol siya, tila durog na durog ang puso, nilamon ng pangungulila at takot.
Hinawakan siya ni Thaddeus sa balikat, pinilit muling buuin ang tiwala.
"Mozz, tiwala lang. Kapag nakauwi na si Davian, agad tayong hihingi ng tulong sa kanya. Gagawin natin ang lahat para mahanap si Jean. Hindi ka namin pababayaan."
Ngunit hindi na siya nakikinig. Bigla na lang siyang bumalik sa loob ng abandonadong gusali, tuluyang binalot ng galit at pagkabaliw sa sakit.
Hinampas niya ang mga dingding, sinuntok ito hanggang sa mamaga ang kanyang mga kamao. Sinisipa niya ang mga upuan, lamesa, kahit anong madadaanan.
"Jean! Nasaan ka! Sagutin mo ko!" sigaw niya habang lumuha ng parang batang nawala sa dilim.
Nanginginig ako habang pinapanood siya. Hindi ko na kayang tiisin. Lumapit ako at dahan-dahang hinugot ang baril ko mula sa beywang.
"Pasensya ka na, Mozz," bulong ko sa sarili ko, bago ko siya hinampas sa batok gamit ang hawakan ng baril.
Bumagsak siyang parang tuod sa sahig.
Nagulat si Kuya Thaddeus at agad siyang dinaluhan, sinapo ang ulo ni Mozz habang bumubulong ng pag-aalala.
"Ayos lang 'to. Kailangan lang niyang matahimik... kahit sandali."
Huminga ako nang malalim, halos mahulog ang baril sa panginginig ng kamay ko.
"Pasensya na rin, Kuya Thaddeus. Kailangan ko na talagang gawin 'yon. Baka kung anong mangyari sa kanya kung hindi natin siya pigilan."
Tumango si Thaddeus, bakas sa mukha ang pagod at bigat ng sitwasyon.
Dumating si Andress, at silang dalawa ni Kuya Thaddeus ang nagbuhat kay Mozz papunta sa sasakyan. Tahimik ang gabi, ngunit ramdam ang ingay ng pighati sa bawat hakbang.
Sa likod ng sasakyan, naroon ang katahimikan—pero ang puso naming lahat, wasak-wasak.
"Ang bigat naman ng damuhong 'to!" reklamo ni Andress habang halos mapaupo na siya sa pagod nang maipasok na nila si Mozz sa loob ng kanyang kwarto sa mansion.
"Puro ka reklamo, pero ginawa mo rin naman, di ba?" inis kong sabi habang pinupunasan ng panyo ang pawis sa aking sentido.
Tinuro niya si Mozz na ngayo’y nakahandusay sa kama—walang malay, mukha’y payapa pero litaw ang bigat ng pinagdaanang emosyon. Si Kuya Thaddeus naman ay abala sa paghuhubad ng sapatos at jacket ng kapatid.
"Sigurado ka bang buhay pa 'yan?" tanong ni Andress habang nakakunot-noo at muling itinuro si Mozz.
"Grabe ka, pinatulog mo nang gano'n lang. Para kang gangster."
Napatingin ako sa kanya, binunot muli ang baril at itinaas ito sa harap ng mukha niya—hindi naman para manakot, kundi para iparamdam lang ang inis ko.
"Gusto mo bang patulugin din kita? Buhay pa si Mozz, ‘no. Tignan mo, bukas gigising ‘yan at magwawala na naman, parang sirang plaka."
Napataas ang dalawang kamay ni Andress, tila sumusuko.
"Napaka-siga mo naman talaga. Isa kang walking threat."
"Tama na 'yan, Andress. Puro ka kalokohan," sabat ni Kuya Thaddeus na halatang pagod na rin.
"Ihatid mo na lang si Snow sa kwarto niya dito sa mansion. Kailangan niya ring magpahinga."
Tumikhim ako bago magsalita.
"May condo akong kinuha bago pa ako bumalik dito. Doon na lang muna ako tutuloy."
Agad na umangat ang kilay ni Kuya Thaddeus, halatang nag-aalala.
"Sigurado ka ba? Gabi na, baka mapahamak ka pa sa daan."
Hindi pa man ako nakakasagot, sumabat na naman ang bibig ni Andress.
"Hindi 'yan mamatay sa daan, Kuya. Baka siya pa ang makapatay. Si Terminator nga takot diyan."
Sinamaan ko siya ng tingin, pero ang loko, ngumiti lang at nag-peace sign na parang bata.
Huminga ako nang malalim at ngumiti ng kaunti kay Kuya Thaddeus.
"Ayos lang ako, Kuya. Mauuna na ako. Tawagan niyo na lang ako bukas kapag nagising na si Mozz."
Tumango si Thaddeus at sinamahan ako sa pintuan. Paglabas ko ng kwarto, diretso akong naglakad papunta sa main door ng mansion, hindi na lumingon pa.
Ang totoo niyan, hindi lang ako basta aalis para magpahinga. May isa akong taong pagkakatiwalaan na nag-text sa akin kanina. May mahalaga raw siyang impormasyon—tungkol sa taong pumatay sa daddy ko.
At ngayong muling nabubuksan ang sugat ng kahapon, hindi ko na kayang tumalikod.
Nang makarating ako sa isang bar sa madilim na sulok ng siyudad—ang lugar kung saan kami dapat magkita—agad akong bumaba mula sa motor na hiniram ko kay Andress. Hinubad ko ang helmet, at kasabay ng pagbagsak ng buhok ko sa balikat, parang bumulusok na rin ang init ng galit sa dibdib ko. Tumibok ang puso ko nang mabilis, hindi dahil sa kaba—kundi sa tensyon ng nalalapit na katotohanan.
Naglakad ako papasok sa bar, diretso sa counter.
"Whiskey. Neat."
Wala nang tanong ang bartender. Ilang segundo lang, at tinungga ko agad ang baso bago ako naglakad papunta sa VIP room—ang lugar kung saan nandoon ang lalaking may hawak ng impormasyong matagal ko nang kinakalap.
Binuksan ko ang pinto, malamig ang simoy ng aircon na bumungad sa akin. Inabot ko ang helmet sa isa sa mga bantay at marahan akong lumapit sa lalaking nakatalikod, nakaupo sa isang leather sofa, relaks na relaks, para bang wala siyang kinalaman sa alinmang kasalanan sa mundo.
“Good thing you’re here now.” sabi niya, hindi man lang lumingon.
“It’s a good thing I even showed up.” iritado kong sagot, halatang pilit ko lang kinakalmang sarili ko.
“If you didn’t come, my news would’ve gone to waste—you’re definitely going to like it,” nakangising aso siyang humarap sa akin, tila ba may tinatagong lihim na pinipilit niyang gawing laruan.
“Even though I feel sick just seeing you, I still came—for the information. About the bastard who killed my dad,” mariin kong sagot, kasabay ng pag-ikot ng tiyan ko sa pagkasuklam.
“Well, well... chill out. You’re too worked up,” sabi niya, tinaas pa ang kamay na para bang sinusubukan akong patahanin. Lalo lang akong nainis.
“Just say it. You know I hate being kept hanging.”
Ngumisi siya, at inabot sa akin ang isang shot ng alak.
“Hold on, have a shot first.”
“Do you want me to bury a bullet in your skull?” mariin kong sabi, sabay bunot ng baril at tinapat ito sa mesa malapit sa kanya.
“You see what I’m holding, right? I’ll drive this into you if you stall me one more time.”
Tumawa siya, pero halatang napalunok ng laway
.
“Fine. The man you’re looking for isn’t just anyone—he’s powerful. Skilled. He's older than you, has more connections, and knows a lot more. So be careful—this isn't like the enemies you've faced before."
Bahagyang tumawa ako, pero mapait.
“f**k that. I don’t care how good he is. If I can’t kill him quick, I’ll bleed him slowly. I’ll make sure he rots every second he breathes. He will die… but on my terms.”
Umiling siya, sabay tungga sa inumin niya.
“I’ll help you with that... as long as you give me one night.”
Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng kumukulong langis.
“What are you, a dog? Foaming at the mouth for me? Dream on. I pay you more than enough. Just because you're desperate doesn’t mean I’ll stoop low enough to f**k a rotting corpse like you.”
Ang bawat salita ay puno ng asar at galit. Tumawa lang siya, tila nasanay na sa mga insulto ko, at umiling-iling na parang napakaaliw sa sarili niyang kababuyan.
Maya-maya’y kumuha siya ng brown envelope mula sa bodyguard sa likod niya at iniabot sa akin. Inagaw ko iyon at agad binuksan. Tumambad sa akin ang mga litrato ng isang lalaki—matikas, matapang ang tindig, at may mga matang parang walang puso.
“That’s the man who killed your dad... eight years ago,” malamig na sabi niya.
Napatingin ako sa kanya, bago muling ibinalik ang atensyon ko sa larawan. Hinaplos ko ang papel, parang sinisipsip ko ang kasalanan nito sa pamamagitan ng mga mata ko.
“Hayup ka,” mahina kong bulong.
“Wala kang puso. Walang konsensya. Oras na magkita tayo, dudurugin kita gaya ng pagdurog mo sa buhay namin.”
“His name is Davian Vasquez.”
Napapitlag ako. Davian?
Parang kumalabog ang utak ko. Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon? Bigla kong naalala si Kuya Thaddeus... at isang usapan kanina. Hindi. Imposible. Baka nagkataon lang. Baka kapangalan lang. Pero kahit anong pangangatwiran, nararamdaman ko na—may mabigat sa pangalang iyon.
Tumayo ako, mariing hinigpitan ang hawak sa envelope. Hinugot ko ang bungkos ng pera mula sa loob ng dibdib ng tube top ko at inihagis sa mesa.
Agad na pinulot ng matanda ang pera, inamoy pa na parang adik. Ang mukha niya'y puno ng kasabikan, pero ang loob ko'y puno ng apoy.
“Salamat sa impormasyon, Mr. Black.”