Bumalik ang magandang mood ni Cosmer kaya naging magaan ang biyahe namin papunta sa susunod na destination. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Siya raw ang bahala sa araw na ‘to. Halos dalawang oras mahigit kami sa biyahe na puro asaran. Nang huminto ang sasakyan sa parking lot ng malaking building ay lumabas na kami. Parang pamilyar ang lugar, mukang nakita ko na sa internet. Agad na pumulupot ang braso ni Cosmer sa bewang ko. Sobrang lapit din ng katawan niya. Daig niya pa guwardiya sa ginagawa niya. Natatawang napailing na lamang ako at hinayaan siya. Pagkapasok namin sa loob ay halos lumuwa ang mata ko sa dami ng libro. Para akong nasa isang museum na puno ng libro. Damn, every bookworm dream. Napa-awang ang labi ko sa pagkamangha. Ang tatayog ng mga book shelves at punong-puno

