Okay tapos na ang summer at tapos na rin yung vacation namin kaya uuwi na kami sa Manila ngayon "Bye Lyn! Balik ka kaagad ah! Mamimiss kita-- I mean kayong lahat pala" sabi ni Dave saakin, natawa nalang ako kasi huling huli ko si Dave kung paano sya biglang kinabahan sa mga tingin palang ni Joaquin sakanya Bati na sila ni Joaquin. Hindi naman yung bati na bati talaga, yung pawang bating bata haha basta yun na yun "Bye Dave! Mamimiss kita, kayo ni tita" sabi ko at dahil last na toh, niyakap ko na sya. Wala naman sigurong malisya na diba? "Asdfghjkl" may sinabi pa sya kaso lang sobrang hina kaya hindi ko na narinig. "Ano?" "Wala. Hoy Joaquin!" Maangas na tawag ni Dave kay Joaquin, lumapit na saamin si Joaquin at pinat naman sya ni Dave. "Take care of her. You know what I mean"

