"You texted what?!"ulit ni Cass. Kakatapos lang ng klase namin at heto kami ngayon pauwi na
"Paulit ulit! Ang tinext ko lang naman ay makikipagkita ako sa kanya sa sinasabi nya dating lugar"
"Oh eh anong ginagawa mo ngayon pumunta ka na doon sa dating lugar"sabi ni Marion
"Really? Eh wala nga akong kaalam alam kung saan yun eh.And kaya ko lang naman yun sinabi para tumigil na sya"
"Napakatigas talaga nyang puso mo, Sigurado ako na namumuti na yung mata nun dahil sa kakahitay para sa wala"sabi ni Cass
"Hayaan nyo sya.Patas lang kami noh,alam nyo bang hindi ako makatulog dahil vibrate ng vibrate yan"sabi ko at tinuro yung cellphone ko
"Eh bakit hindi mo kasi yan isilent? Diba sinilent ko na yan? At tinuruan na kita"sabi ni Cass
"Kasi naman si mama yung gumagamit nito paminsan,ayaw nya kasing isilent mode palaging nakavibrate odikaya may sound tapos pag ako na yung gumagamit ayun nakakalimutan kong imute"sabi ko na inis na inis.
Bahala sya, bahala sya sa trip nya. Trip nya ako ah? Well sige ibabalik ko sakanya yung modus nya
Kinabukasan
Sa wakas! Nakatulog na rin ako ng mahimbing kagabi! Hays! Buti nalang talaga tumigil na yun
KRIINGGGGG.
At sa wakas dismissal na. Yey haha. Habang nagliligpit ng gamit napatingin naman ako dun sa upuan nung apat sa likod, aish! Nagditch nanaman sila ng klase. Wala talaga silang mararating sa buhay, hay nako kawawa yung mga magulang nila. Tsk.
"Lyn Lyn tingnan mo toh oh"sabi ni Cass
"Ano yun?"ako at tiningnan yung ipad ni Cass "Oh ano yan?"
"Hindi ka ba marunong magbasa o hindi ka magintindi? Ang pinapahayag dyan ni Gizel ay break na daw sila ng boyfriend nya"
"So?Ano naman pake ko kung nagbreak sila ng boyfriend nya"
"Ano ka ba si Joaquin kaya boyfriend nya at sabi sabi na kaya daw sila nagbreak ay dahil si Joaquin nakipagkita doon sa ex girlfriend nya yung greatest love nya.Pero hindi daw sumipot yung babae kaya ayun nagkatampuha"sabi ni Ella
"Anong sinabi mo nakipagkita yung sya sa exgirlfriend nya pero hindi sumipot?"ulit ni Cass
"Oo ang sabi pa nga daw nabugbog sya kasi kakahintay doon sa babae,kawawang Joaquin"sabi ni Slla.Nagkatinginan kami ni Cass at biglang lumaki yung mata namin
"Di kaya......"sabay naming sabi at sabay din kami napatakip ng bibig
Di kaya sya yung katext ko. Nako sana hindi sana hindi. Please please!
Nahh. Siguro coincidence lang yun hehe
"Hi Joaquin!"sabi ng isang babae.Napatingin kami doon sa side na yun,at bugbog nga sya. Konsensya wag ka munang gumapang sa sistema ko! Hindi pa talaga sure kung sya yun.
"Confirm"bulong ni Cass.
"Hindi pa kaya" madiin na bulong ko pero loob looban ko alam kong confirm na
"Anong confirm?"tagtatakang tanong ni Ella
"Wala nang time para magexplain.Tara labas muna tayo"sabi ni Cass.Inayos ko yung gamit ko nang biglang nagvibrate yung cellphone ko at nagvibrate ulit.Nakita ko naman si Joaquin lumapit saakin at tiningnan yung cellphone ko.
"Hi!"sabi ko sa kanya at kumaway.Bigla naman nyang inagaw yung phone ko "Uy akinayan"sabi ko at pinilit naagawin yung phone ko
"Sumagot ka nga hindi ka naman pumunta"sabi nya at unti unting lumapit saakin "Alam mo ba pinagmukha mo akong tanga kakahintay sayo katulad ka rin ng dati hindi ka marunong sumunod sa usapan.Ngayon sabihin mo saakin kung. Bakit. Hindi. Ka. Nakapunta?"
Bawat salita nya may pagkadiin huhuhu. Ngayon natakot na talaga ako kay Joaquin. Sa tono nya. Para kasi syang si Kuya Luis eh kung magalit eh huhuhu.
Paano ako makakapunta eh, hindi ko man lang alam kung anong pinagsasabi neto na dating lugar atsaka duh! Hindi ko kaya alam na sya yung nagtetext. Well kung malaman ko man, mas aayawin kong makipagkita sakanya noh! Tss.
"Kasi....Kasi....Kasi---Ay nako late na pala sige mauna na ako Bye!"sabi ko at tumakbo agad.
"Teka teka yung cellphone mo!"
"Sayo na lang!"sabi ko.Hue buti na lang nakatakas ako doon
Later at the coffee shop
"Oh Lyn late kananaman"sabi ni Ma'am Holly
"Sorry mam traffic po kasi" na hingal na hingal.
"Osyasya magbihis ka na at magsimula ng magtrabaho"sabo ni mam.
Nagbihis na ako at pumwesto na. Waitress kasi ako rito,part time job ko toh dadag kita narin para sa baon ko.
"Dalian mo Lyn marami tayong costumer ngayon"sabi ng manager namin.Oo nga ang daming costumer,mahabang mahabang trabaho toh
"Good evening sir"sabi namin.Ganoon kasi pagmay costumer na dumating lalo na pag kilalang tao yung costumer namin
"Uy lyn ang pogi nung isa nating costumer oh"sabi ni Emely, isa rin sa mga waitress dito at tumingin doon sa isa naming costumer na lalaki
"Hindi rin. Mukha ngang bad boy eh"
Ayoko talaga ng nga badboy. Naalala ko sakanila si Joaquin eh, kabadtrip! Argh!
"Ms. Paorder nga"sabi ng poging lalaki na kanina pa tinitingnan ni Emely
"Ay ako sir"sabi nya at nagpacute. Napairap naman ako, basta pogi eh noh?
"Hindi ikaw, yung katabi mo"
Ako ba yun?
Choosy pa tong si sir. Psh. Hindi naman pamget si Emely ah. Mas panget nga ako eh, haggard pa. Jusko san ka pa! Nangangamoy usok at pawis pa toh dahil sa traffic kanina.
"Uy Lyn order daw oh"sabi nya.Lumapit naman ako,wala naman siguro masama kung ako kukuha ng order nya
"Sir ano pong order nyo?"tanong ko.Bigla nya naman tinanggal yung sunglasses nya. Sabi ko nga NAIINIS AKO SA MGA BADBOYS! Lalong lalo na yung nasa harapan ko ngayon."Anong ginagawa mo rito?"
"Isn't obvious magoorder ako,so kukuhanin mo na ba yung order ko?"
"Wag nalang"sabi ko at nagwalk out na.
"Uy teka teka yung order ko"sabi nya.Nagstop ako sa paglalakad at tumingin sa kanya
"Wala ka bang paa,pumunta ka kaya doon sa counter o gusto mo pang buhatin ka ng mga guards para makapunta roon"sabi ko at naglakad papalayo.
Tss ano sya don na kailangan may special treatment? Ngayon ko nga lang yun nakita dito eh!
"Oh anong sabi nya sayo?"excited na tanong ni Emely
"Bakit hindi kaya ikaw yung magatanong skaanya"sabi ko at bumalik na sa trabaho.
Habang tumataggal nawawala na yung mga tao at umuuwi narin yung ibang mga katrabaho ko.Pero isang tao lang ang hindi pa umaalis si, Joaquin.
Ano bang ginagawa neto dito? Trip nyang magstay dito?
"Lyn hinihintay ka na ng shota mo"sabi ni Raver, isang waiter din. Napairap naman ako bigla. Tss mageend of the world na hindi ko pa yan nagiging shota
Sinilip ko naman sya na nakaupo habang nakatingin saamin ngayon
"Sabihin mo mamaya pa ako aalis at hindi ko sya boyfriend.Asa pa!"sabi ko ng malakas. Sinasadya ko talagang iparinig sakanya. At nagsimula ng magmop
"Oh com'on Lyn hindi mo ako maiiwasan,Kaya huminto ka muna dyan at samahan mo muna ako rito"sabi nya at tinap yung upuan sa tabi nya
Hayaan mo sya Lyn idedma mo na lang.
At nagpatuloy parin ako sa pagmop "Ayaw mo ha"sabi nya at tinapon yung juice nya sa floor
"Ano ba?!" kabwiset imbis na patapos na ako eh!
"Upo ka na rito kung ayaw mong dumami pa yan" sabi nya ng nakangiti at umupo na ako.Baka kasi kung ano pa ang gawin neto at ako pa ang mabintangan eh.
"Ano ba yun?" ngumiti naman sya na parang may binabalak.
"Simula bukas girlfriend na kita"
"ANO?!"pasigaw na tanong ko.Nakakagulat naman kasi yung lumalabas sa bibig neto eh.
Baliw ba toh?! O nakadrugs lang?! Hindi nga sya nanliligaw, magiging instant girlfriend na nya ako simula bukas! Hah?! Hibang ba sya?! Kampal ng mukha.
"Anong ano? Nakalimutan mo na ba ikaw ang may kagagawan nito parang bayad mo na saakin yun at panandalian lang naman. I'm sure hindi ka mahihirapan"sabi nya at kumindat.
YUCK! Lintek na lalaki! Mamatay na sana toh!
"Ano naman ang kinalaman ko dyan? Ako ba ang bumugbog sayo para may kapalit o kabayaranan? O ako ba ang nagkumbinsi sayo na magstay doon naparang tanga?" Sarkastikong tanong ko habang naka crossed hands ako.
Anong pinagsasabi netong mokong na toh na kabayaran?! Lutang ba sya?! Baka hindi pa sapat sakanya yung binuhos kong tubig at juice nung isang araw at hindi pa sya natatauhan hanggang ngayon.
"Wala dun sa sa sinabi mo" sabi nya habang hindi nakatingin saakin
"Edi wala na tayong paguu---" bago nya pa ako patapusin ay nagsalita na agad. BASTOS NAMAN, OO!
"Hindi ka pumunta" sabi nya. Pinakita kong naguluhan ako pero alam ko talaga yung meaning nya yun
"Ikaw b--" again hindi nanaman po nya ako pinatapos.
Napakagalang talaga noh.
"Oo ako si bebs pero hindi ko toh ginagawa para balikan ka dahil din sa lolo ko para makuha yung mana kasi daw pagwala akong GF hindi ko pa makukuha ang mana ko then he will arrange my marriage, so please?"
Ako? Eto nga nga kung oo ba ako o hindi? At bakit ako ang pinili ng kumag na toh? Alam ba nyang ako ang worst nightmare nya pag naging girlfriend nya ako?
Pero Lyn hindi ka dapat maawa dyan, dapat ata itong maturuan ng leksyon. Paano kaya kung hindi nya nakuha yung mana nya? Wahahaha mukhang alam ko na kung anong mangyayari dyan sa lalaking nyan.
Hay iniisip ko palang natatawa na ako! How wonderful seeing Joaquin Delos Reyes like that! haha.