Joaquin's POV.
Nasa kwarto na ako tutal tapos narin yung party.Hindi ko hinatid si Lyn tinatamad ako bakit ba!.
Alam kong nagtataka kayo kung bakit ya yung napili ko para maging fake gf ko.
Actually wala naman talagang mana mana etc. Chuchu na yun.
Talaga naman saakin ibibigay ni papa lahat ng mana ko eh because yung ate ko maganda na yung buhay sa canada kaya no need para sa mana.
The real plan is...
I need lyn to fall in love with me!
Why?
For my sweet revenge! Napakatamis nun hahhahahaa nilalanggam na nga ako eh.
Atsaka dinare ako ni Drake.Napaibigin ko raw si Lyn and when that time comes, when she's totally inlove with me I will break her heart. Mas matindi pa sa ginawa nya saakin noon *Smirk*.
Sobrang sakit nung iniwan nya ako, sya yung una kong nagging girlfriend,firstlove naminahal kong todo iniwan lang ako ng ganoon tapos ang masaklap, Hindi nya pa ako maalala!
Fvck! Sya na nga tong nangiwan. Sya pa tong may ganang kalimutan ang lahat. Psh!
Kinabukasan
Napatingin ako sa may gate nang nakita ko si Lyn papasok palang, napatingin naman ako sa relo ko
Late na ah! Sa pagkakaalala ko ayaw nyang nalalate sya eh
Hindi nga nagbabago yung itsura nya, pero yung ugali nya, grabe! Ang tindi ng pinagbago! Pero hindi ibigsabihin nun makakalimutan ko na sya at yung ginawa nya saakin.
*Smirk*
Hahaha I've got a plan.
"Pare andyan na girlfriend mo oh HAHAHAHA. Puntahan mo na" nangaasar na sarkastikong sabi ni Drake saka ako tinulak ng konti
"Nagmamadali? Nagmamadali tatayo na nga eh, diba?"
"Psh sungit pare ha, mayroon ka ba?" sabi ni Charles na nakapoker face pa. Eto talagang lalaking toh, hindi mo alam kung kailan sya nagseseryoso o nagbibiro lang. Psh g*go rin toh eh.
"Gag*! Wala ano. Baka ikaw dyan, may dugo na nga eh hahaha"
"Medyo bastos hahahaha" Sabi naman ni Kiddo
Charles looked at his shirt tapos lumaki yung mata nya
"Oh Diba tama ako"
"Tanga juice yan oh natapon lang. Amoyin mo pa ang bango, wala naman sigurong dugo na mabango"
"Meron lagyan mo ng pabango mabango na yun" singit ni Drake.
Dapat na ba kaming tumawa? Nagbibiro ba sya?
Medyo corny pero kahit ganun tumawa parin kami syempre ang kasiyahan ng isa kasiyahan ng lahat haha
Agad akong pumunta roon pero sa lakas ng boses nung mga utol ko naririnig ko parin
" Oh saan yun pupunta?" narinig kong sabi ni Charles
"Baka naman he needs privacy" g*go talaga tong si Kiddo
"Hahahaha para umiyak. Go pare push mo yan!" langya, isigaw ba naman ni Drake. Mamaya lagot saakin ang mga yan. Tss
"Gag*! Pupuntahan ko Girlfriend ko!"
At tumalikod na, sinadya ko talagang sabihin yun ng malakas para naman hindi mapaghalataan hehe.
Lyn's POV.
"Omg ang hot ni Joaquin!"
"Parang papunta rito! Gosh ayus na girls"
Napatingin ako sa sinasabi nila, Si Joaquin nga papunta rito hindi sa feelingera ako pero mukhang ako yung pakay eh.
Naglakad ako ng mabilis baka kasi kung anong gawin nun kalokohan, tapos idadamay ako eh huhuhu.
"LYN!!" Oh sh*t! Ako nga yung tinatawag!
Mas mabilis yung takbo ko.Clarify ko lang hindi ako takot, kabado lang kasi diba sabi nya ako daw fake girlfriend kasi baka malaman ng mga tao rito!
Basta ayaw ko nun!
Ang panget! Boyfriend ko sya?! Like duh! Kakasabi ko lang kila Cass. HINDI MATCH.
"BEBS!" Sigaw nya. Lyn wag kang titingin kunyari hindi ikaw yun,kunyari hindi ikaw yun
"LYN! BEBS!"
What the...
Did he said it both in the same time??
Tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya ng galit
"OMG sila na?"
"Kahapon pa yung nakapost dyan sa gate"
"Ang swerte naman ni girl naging boyfie nya si Joaquin my love"
"At proud pa si Joaquin kaso hindi ko bet si girl... Panget!"
Putcha! Ako panget nahiya naman ako sa itsura nya ah
"Ano nanaman?!" Sabi ko. He frowned at me na parang ako pa yung may ginawang masama
Shems naman!
"Eto naman kung makalambing todo" sabi nya sabay akbay ng mahigpit
Pinagtinginan kami ng tao. Weird look, sweet look, kilig look, galit look hahahaha
"Hehe" sabi ko at tiningnan ko sya. Kinurot ko yung tagiliran nya para alisin yung akbay nya saakin pero nagmatigas mas lalong hinigpitan yung akbay nya saakin parang sinasakal na ako. Wala naman syang sinabi na may ganito ah!
"Hmmm tinatawag kasi kita dahil sasabihin ko sana sayo I LOVE U" sabi nya sabay kiss sa left cheeks ko
Madalas ang feeling mo rito ay kinikilig,nakakatawa at paminsan feeling mo nahulog panty mo dahil sa sobrang kilig mo
Pero ang naramdaman ko dito ay diri,inis at sobrang galit
Kung wala lang akong deal sa kanya matagal ko na tong naupakan!
"Sige bebs ccr na muna ako,mauna ka na muna sa classroom" sabi ko ng may ngiti yung pilit kung pilit na ngiti at padabog na tinanggal yung akbay nya.
Umalis kaagad ako pero huminto at tumingin ulit sakanya. Tinignan ko sya ng masama tapos ayun nagsmirk lang sya at kumaway ng nakakapangasar. ARGH! Ang sarap saksakin at ilibing ng buhay eh.
Agad akong pumunta sa cr at pumasok sa isang cubicle roon, hay kabanas yun ha! Nanandya ata!
"Did you heard?! Joaquin has a new girlfriend" sumilip ako roon nakita ko yung grupo nila Gizel
"Gosh that ugly f*cking girlfriend of him" sabi ni Simeon, payat at mukhang maarte talaga
I'm f*cking?, psh as well as she is
"Akala ko mabait yun, malandi pala. Psh painnocent face pa eh hindi naman bagay" sabi ni Monica habang naglilipstick
Aba isa nalang talaga lalabas na ako dito at uupakan plus sasabunutan silang lahat
"Tara resbakan natin yun" sabi ni Sophia na nagaayos ng buhok
Nakita kong nagiisip pa si Gizel. Wow! Nagiisip pala toh?
"Not yet. I have a plan, let's make her as our friend then if she is totally close to our group pwede na natin kunin ang dapat kunin" sabi nya at sumangayon naman yung tatlo
Great idea Gizel... but it will not affect me
"You're a genius Gizel!" Sabi ni Sophia. Nakita kong nagsmirk sa si Gizel habang nakatingin sa salamin
"She want to compete with me? Fine, wag nga lang syang lumapit saakin na nagmamakaawa na ibalik ko sa dati ang buhay nya after she looses."
Umalis na sila pagkatapos nilang magayos at magchismis tungkol sa iba lalo na saakin
Lumabas na rin ako ng cubicle at tumingin sa salamin sabay ngiti.
"She want to compete with me? Fine, wag nga lang syang lumapit saakin na nagmamakaawa na ibalik ko sa dati ang buhay nya after she looses."
"Hmm? Let's see" bulong ko ng nakangiti
Matapang sya mas matapang ako. Tiningnan nalang natin kung sino ang matatalo
Pagkalabas ko ng cr, bell na pala leche late na ako nyan ang aga aga kasi dumating ni sir eh huhuhu
"Ay!" Sabi ko. Nakakainis kasi eh kung kailan nagmamadali doon napapahirap
"Sorry miss" sabi nya at tumingin saakin with a smile ng parang killer/pafall na smile
I raised my one eyebrow. Nanandya ba toh? Tang*na hindi yang pacute na yan uubra saakin, sapak ata gusto neto eh!
Tumakbo na ako papunta sa classroom, hue buti nalang wala pang teacher. Infairness kay sir ah! First time wala pa sya haha Pero wait bakit lahat sila nakatingin saakin?
At sa white board. Tiningnan ko sila Cass ayun tinuturo yung sa whitboard. Unti unti naman ako napatingin sa whiteboard nakita kong nakasulat ay...
I love you Bebs and Happy Daysary! ♥♥♥ from Lyn
Tang*na sinong nagsulat ng ubog na kasinungalingang yan? Tiningan ko sila Joaquin, oo sila nga. Nginitian ko sila pero maya maya lang sumimangot na ako
-______- Konti nalang mauupakan ko na ang mga ito
Agad kong binura yung nakasulat doon gamit ang kamay ko, tinago kasi nila yung eraser,bwiset!
"Oh bakit mo binubura?" narinig kong tanong ni Drake
Umupo na ako sa upuan
,syempre alanganaman sa table. Psh!
Tapos katabi ko pa si Joaquin aka bebs aka mokong, Arghhh kabadtrip!
"Hey" tawag nya. Hindi ko sya tiningnan at hindi ko rin sya kinausap.. SNOB lang ang peg ko!
"Uy" sabi niya sabay alog. Bahala sya sa buhay nya
"Bahala ka dyan"sabi nya at tiniggilan na nya yung pangungulit saakin.
Eto talagang lalaking ito hindi marunong sumuyo sa babae gusto ata sya palagi yung sinusuyo
Nakipagkwentuhan sya sa barkada nya habang ako naman may sarili akong barkada noh kaya nagkwentuhan din kami. Bahala sya dun.
"Uy Lyn, pahingi naman 10 oh may bibilihin lang ako" sabi ni Ella
"Geh" kumuhanin ko na sna yung wallet ko sa bag kaso...
Teka? Asan wallet ko?
Hanap rito hanap roon, pero wala!!!
"Umm Lyn is there anything wrong??"tanong ni Cass
"Sh*t! Guys yung wallet ko nawawala!!" Sabi ko at hinap ng Pumasok na si sir sa classroom at lahat kami tumahimik na...
Discuss discuss discuss
Kringggggggg
O_____O
What the! Tiningnan ko yung cellphone, oo nga eto yung nagriring!
"MS. TAMPIPI!!!" Sabi ni sir. Lagot, tiningnan ko si Joaquin na nakasmile ng pangaasar tsaka pasimpleng nagpeace sign.
Kahit kailan talaga papansin ang mokong!
"Ms tampipi kung hindi mo mapapatahimik yang cellphone mo, get out of class!!" Sabi ni sir.
Lumabas na ako ng classroom, hindi dahil sa cellphone ko na alam ko naman isilent dahil kay Joaquin, Arghhh! He's getting into my nerves
Nagpunta ako doon sa may parang student lounge at umupo doon sa dulong table
"Arghhh! Bwiset!" Sabi ko at napayuko. Kaya mo pa toh Lyn, si Joaquin lang yan, yung demonyong lalaking lang naman yun.
"Miss?" Narinig kong may tumawag saakin, napatingala ako nakita ko naman yung nakabunguan ko kanina
Isa pa toh? Ano bang kailangan neto at kanina pa sumusulpot sulpot
"Yow" sabi ko. Napatawa sya ng konti pero tumayo at umalis na ako
May nakakatawa ba sasinabi ko? FC lang ang peg neto eh. Tss.
"Miss! Teka!" Sabi nya at hinabol ako.
Ano bang kailangan neto?
"Ano ba?!" Sabi ko ,may kinuha sya sa bulsa nya at ibinigay saakin yun...
O_____O
"Nahulog mo toh yung nagkabungguan tayo" sabi nya at ibingay saakin yung wallet ko
Yung inis sa mukha ko napalitan ng saya,buti nalang nahanap nya!
Hindi sa marami tong pera, at churba churba pero andito kasi yung picture ng daddy ko
"Thank you!!" sabi ko. Umupo ulit ako
"Hi I'm Rein Carera, you?" Sabi nya sabay lahad ng kamay saakin. Ngumiti naman ako sakanya
"Evangeline Tampipi" sabi ko at nakipagshake hands sa kanya
Umupo sya sa tabi ko
"Teka ikaw ba yung, girlfriend ni Joaquin?" Tanong nya
I bit my lips.
Hindi!
Yuck...
Eew...
Mandiri ka nga...
Gusto ko yang sabihin pero I have a deal with Joaquin that stupid deal! na kaliangan kong magpanggap na letcheng gf nya para makuha nya yung mana
"Yeah" mahina kong sinabi habang pinalalaruan yung kamay ko
"Weh parang hindi"
Edi wag kang maniwala mabuti nga yun hahha.
"Bakit naman?"
"Hindi kasi halata at hindi kayo sweet sa harap ng maraming tao tapos kanina nakita ko kayo magkagalit LQ agad" sabi nya tapos
"LQ ka dyan baka Q lang"sabi ko at inulak ko sya ng mahina
"Alam mo mas bagay pa ako sayo kaysa kay Joaquin"sabi nya at kumindat, ako naman shocked paki ulit nga!
Bakit ba ang hilighilig ng mga lalaki kumindat at sinasabihan pa silang cute tapos kapag babae naman sasabihin agad nnilang malandi
Pero ano sabi nya?
"Putek! Puno ka rin pala ng kalokohanan noh hahaha"sabi ko at tumawa.
Medyo fake
"Hindi nga mukhang bagay tayo" sabi nya ng seryoso
"FYI tao tayo hindi bagay hahaha"
Corny noh pero tumawa parin sya
"Yeah you have a point haha"
Nagkwentuhan at nagtawanan kami ng ilang minutes, grabe nakakatawa rin palang kasama ito akala ko mayabang katulad nila Joaquin. Tsss may matino tino din palang lalaki dito sa school na toh
"Ay oo nga pala kalaingan ko ng umalis, sige bye" sabi nya at nagsmile naman ako.
"Geh bye Mr. Corny!" Sabi ko at kumaway nakita kong umiling nalang sya sa sinabi ko haha
Ang gaan gaan ng loob ko sakanya, parang gusto kong sabihin lahat ng secret ko, hayssss tatayo na sana ako tapos pupunta na sa classroom ng nakita ko sa may bintana ng floor namin si..
S-si Joaquin
O____O
Rein's POV
Ang saya palang kasama ni Lyn akala ko.... I mean, she's one of the mean girls in school hindi naman pala sa itsura lang nya at sa pakikitungo nya sa hindi nya kakilala.
Mabait sya at nakakatuwang kasama plus maganda sya pagnagayos hehe
Sya palang kaya ang unang babaeng nagtawag saakin ng Mr. Corny eh mostly kaya sweet ang tawag saakin pag iba yun nagagalit ako pero bakit ngayon hindi na?
Meron talagang something about that girl. Hmmm.