Lyn's POV.
At school
"EVANGELINE!! sabi ko na nga ba't hindi mo ako matitis eh!!!!!"sigaw ng isa kong kababata na si Ella hanggang ngayon talaga ang kulit parin neto haha
"ELLA!!!"sigaw ko pabalik pupunta na sana ako sa kanya ng biglang may dumaan na sasakyan, syempre sa gulat ko nabitwan ko lahat ng gamit ko at nagkalat ito sa sahig yung iba nga nagmaala eroplano pa nga eh. Lechugas!
"OY!!LANGYA"sabi ko at pinukpok yung harapan ng kotse nya.
Hanggang sa matapos ako hindi ba naman bumaba yung tao o hayop sa loob ng sasakyan.Bwiset talaga yun oh! Umagang umaga pinapakulo yung dugo ko.
"OY! ikaw---"muntikan ko ng batuhan ng bato yung sasakyan nya pero buti nalang at napigilan ako ni Ella
Tumabi na kaming dalawa ni Ella para padaanin yung kotse. Psh. Akala ba nila nakalagpas na sila ng mapayapa ng ganun ganun nalang?! HA?! Sinundan ko naman sila ng may masama na tingin.
Babansagan ba akong badgirl ng dati kong school kung ganito lang ang gagawin ko? Tsk, nagkamali ata sila ng kinalaban!
BOGSH
"Uh-oh! Lyn!!... Omyg! Hala tara na" sabi ni Ella habang hinihila ako paalis.
Dapat lang sakanila yun noh! Tsk sayang nga konting damage lang yung natamo nung kotse nila eh. Mga walanghiya kasi. Tsk dapat sakanila matikman ang galit ko. Argh?
"May ganun palang mga estudyante rito, walang manners!" sabi at binaksak yung gamit sa lamesa ng padabog.
"Ganun talaga yung mga yun, hayaan mo na sila dapat nga hindi mo na sila pinatulan eh" sinamaan ko naman ng tingin tong si Ella, so nanay na sya nyan? Psh!
"At bakit naman? Hindi pa nga sapat sakanila yung ginawa ko eh. Leche" maangas na sabi ko
"Kilala mo ba kung sino sila?" tanong ng isang friend ni Ella na si Cassandra ata yung pangalan. Napaisip naman ako sa sinabi nya.
"Hindi...Ah basta they shouldn't treat a girl like that kahit babae pa man yung mga walanghiyang yun"sabi ko ng nagdadabog parin
"Pero lagot ka sakanila, Lyn! Dapat talaga hindi mo ginawa yun!" sabi ni Ella na nangangamba na
"And lalaki sila" sabi ni Cass. Mas lalo naman kumulo yung dugo ko, lalaki sila? Pero ganun sila?! Aba't.. Nanggigil na ako ah!
"Chillax Ella. Bakit? Sino ba sila? Akala mo kung sinong hari ng kalsada! Tsk ANG KALSADA GINAWA PARA SA LAHAT HINDI PARA SAKANILA LANG NOH! Sirain ko kotse nila eh" na nanggigil na. Argh!
"Woah. Ikaw magchillax dyan, Lyn." sabi ni Cass habang pinapakalma ako
"Ayun sila oh" sabi ni Ella at tinuro yung grupo ng mga lalaki mga apat na miyembro ata sila roon.
Pinagkakaguluhan ng mga babae ibigsabihin heartrob sila rito,heartrob nga ang papangit naman ng mga ugali kawawa naman yung mga naghahabol dyan masyadong desperada.
"Psh ang papangit ng mga ugali nyo!!! BOOO!!" Sigaw ko napatingin sila sa direksyon namin pero wala eh tanga sila kay hindi nila napansin wahaha
"Pero diba ang gwapo gwapo nila" sabi ni Cass.Tumingin naman ako sakanya.Yes ang popogi nila kaya nga heartrob ng school eh! "Uy inaamin nyang gwapo sila"
Tiningnan ko muna si Cass bago ako nagsalita
"Hindi ah!"
"Oy silents means yes and hindi ka kaya umangal kanina,so inaamin mong gwapo sila"
"Oh kunyaring oo pero the point is dapat kahit pogi ka,you know how to treat a girl.Hindi katulad nila....Bastos! Walang modo!" Sabi ko. Sana nga marinig nila. Tsk eh mukha pa naman mga bingi
Hay nako first day na first day badtrip ako.
"Sila ang pinakinatatakutang grupo sa school dapat kung ano pinapagawa nila sayo gawin mo kundi bubully ka nila sobra pa sa sobra."sabi ni Cass. Psh mukha ngang walang laban eh, isang suntok ko lang ata dun sa hospital na deretso nun eh. Hahaha.
"Yung asa gitna Si Joaquin Delos reyes ang leader ng grupo sya yung pinakamaapil, pogi, total performer sa kanilang lahat halos lahat dito sa campus may crush dyan ang kaso broken hearted din yan kasi yung mahal nya iniwan lang daw sya. Simula nun hindi na sya nagseryoso ng kahit na sinong babae"
Aww so sad naman sa kanya, BUTI NGA SAKANYA! Siguro minaltrato nya yung babae kaya sya iniwan psh.
Pero ang swerte nung girl ha kahit iniwan na sya mahal parin nya.
"Di ko makita" sabi ko kasi naman agad na pinagkaguluhan ng girls, psh!
"Oh toh may picture ako sa kanya"sabi ni Ella at pinakita yung cellphone nya. Nagulat naman ako nung nakita ko yung pic nya, teka... Sya ba toh? Ang... Ang...
Pogi... Hmm pwede na rin, siguro.
"Uy stalker ka noh"sabi ko kay Ella
"Nope may nagsend lang saakin neto at saka inisave ko dahil eto yung photo na ngumingiti pa sya, take note ha ONLY photo na nakangiti sya"
Ahh ganun! ONLY. Sus. Ano mas bagay sakanya yung fierce ganun? Tsss
"Parang hindi sya"sabi ko, syempre hindi ako makapaniwala na sya toh, hindi naman halata sa itsura nya na badboy para matino pa sya sa itsura nya
"Yup yung una hindi din ako makapaniwala but ganito talaga ang itsura nya, parang hindi badboy noh, kainlove"sabi ni Cass at nagdaydream pa
"Tss"
Hindi naman sya ganun kapogi eh. Hays
"Yung katabi nyang payat si Drake Hidalgo yun, ang cute at palangiti sa groupo lahat ginagawa nyang biro pero pagnagmahal daw yan tunay walang halong biro.Galing din sya sa poor family pero dahil sa groupo nila ayan umaasenso na"
"Sorry wala na ako pics nila si Joaquin lang ang meron"sabi ni Ella, napapaghalataan hahhaha
"Yung katabi yung kabilang side naman ay si Kiddo Perez ang pinakamagaling umawit sakanila.Unang rinig mo palang syang kumanta maiinlove na daw pero bad boy daming chicks yan"
Meron ba dito sa apat na tong walang description ng Badboy
"Yung panghuli si Charles Yabut siya yung pinakatahimik sa kanila walang kibo inshort suplado yan. Sya din daw yung pinakamabait at matalino pa kaso chickboy nga lang sa mga trip nyang babae"
Hmp oo, yun na yun eh! Mabait, matalino at tahimik. May pahabol pang chickboy.
Napairap naman ako. Kahit isa man lang apat apat sila. Wala man lang nagmagandang loob na tulungan ako! Argh! They are so getting into my nerves!
"So sino dyan yung nagmamaneho kanina"
"Edi sino pa?! Edi yung lea---?"naputol yung sasabihin nya ng biglang takpan ni Ella yung bibig nya.
Pero alam ko na yung leader pala ha,pwes humanda sya saakin. Naglakad ako papunta dun sa table na may nakaiwan na libro at bumalik ako dun habang nilalagyan ito ng putik. Humanda ka talaga saakin Joaquin, nagkamali kang galitin ako! ARGHH!!!
Boggshhh!
JACKPOT! YES!
"Lyn!"sabi ni Ella pero too late na bato ko na eh.
Habang ako nakangiti yung iba naman gulat na gulat, yung iba pa nga natakot at nagsitaguan. Psh mga duwag!
Biglang tumingin naman si Joaquin dito sa side namin
Ah ganun pala yung gusto nyang gawin ko para mapansin nya ako.Tumingin sila sa direction namin na nakakunot yung noo habang ako ay nakaevilsmile mukhang lahat ata ng students na sa paligid gulat na gulat kasi ngayon lang sila ata na nakakita ng kumalaban sa grupong ito.
Like duh! Batohan mo lang ata toh ng bowling boll tapos na ang mga yan eh
Tumingin ulit ako kila Joaquin at nakita ko sya mula sa pagkakunot ng noo haggang magging gulat sa nakita nya. Mga 30 sec ata kami nagkatitigan tapos bigla sya lumakad patungo sa direction namin.
"OMG Lyn! Tara na huhuhu gusto ko pang mabuhay"takot na sabi ni Cass at agad agad na inayos yung bag namin
Sus ang duduwag naman ng mga ito.Umalis na kami bago pa sya maka punta saamin at pumunta na ng classroom.
"Bakit tayo umalis?Eh papunta palang sya saatin"sabi ko habang naglalakad sa hallway
"Shonga ka ba o hindi mo naisip na baka kung anong magagawa nya saatin pag naabutan nya tayo roon. Argh! Ang sama sama pa naman ng tingin nya lalo na sayo!"sabi ni Cass na hanggang ngayon ay nanginig parin sa takot
"At baka kung ano pang magawa ko sa kanya" dagdag ko tapos bigla silang huminto sa paglalakad
"Lyn yung grupo nila Joaquin lahat kaya nilang gawin babae ka man o lalaki,lahat ng gusto nilang gawin masusunod, hindi sila katulad ng ibang students na ng bubully saatin noon na basta basta titigil lang pagnakatikim na sila.Lyn hindi sila ganun ibang iba sila. Katulad mo sila, hindi nagpapatalo" paliwanag saakin ni Ella.
Well tama nga naman sya kasi dati isang kurot at isang suntok ko lang sa mga ng aapi saamin tumitigil na sila eh.
Humanda saakin yang Joaquin na yan at ang grupo nya, kung ginagamit lang nila sa iba ang apil nila para makuha nila ang gusto nila....
Pwes. Ayus ayusin na nila yung ugali nila DAHIL BAWAL YAN SAAKIN!