Lyn's POV. Poink "Mmmmm" muni ko kasi naman may umiisitorbo ng tulog ko bwiset yun ha. Tsk hulaan ko lamok yun aish balik na nga sa pagtulog. Poink "Aish!" Naiinis na saad ko habang nakapikit pa rin at tinaboy kung ano mang tao o hayop na yun. Nangiistorbo ba naman sa maganda kong tulog ko. Poink "ANO BA?!?!" Bulyaw ko dun sa nangiistorbo habang bumabangon. Pero alam nyo kung sino yung nakita ko. Yung kamukha ko. Geez ang creepy. Para nakaharap lang ako sa salamin, kamukhang kamukha ko talaga sya pero mas maganda ako noh! Mas maputi nga lang sya saakin. Tss siguro tubong amerikana toh. "Grabe twin, tanghaling tapat highblood ka agad" sabi nya habang nakangiti pa rin at naka salumbabang na nakatingin saakin. Weird neto... Pero ano daw TANGHALING TAPAT?!?! *Sabay tingin sa orasa

