"Baby. Ano bang meron dyan sa pampusod na yan at kanina mo pa yan tinititigan? Ang creepy!" Napatingin naman ako sakanya nang nakabusangot Bwiset na kuya. "Luis anong creepy dun sa tinititigan nya yung pampusod nya? Hayaan mo sya gusto nyang titigan eh" "Eh ma. Buti sana kung tinititigan nya eh may kasamang ngiti pa. Yung totoo? Naiinlove ka na siguro dyan noh? HAHAHAHA" "Wag ka ngang eps kuya. Tss" "Hay nako nababaliw nanaman ang baby ko" sabi nya at kiniss ako sabay takbo paakyat sa taas Napahiga naman ako sa sofa habang hawak hawak yung pampusod na bigay ni Joaquin saakin Loko talaga yung si kuya. Maiinlove daw ako dito sa pampusod? Tsss Sa nagbigay pwede pa. Hays. Makapaglibot nga muna! Nagtali ako ng buhok at aalis na sana kaso nakita ako ni mama galing kusina "Huy. San ka

