"Say hi to your boyfriend! MY DEAR FRIEND" Sigaw ni Gizel. Grabe hindi pa sya nakakapasok dito tapos sigaw agad sa labas. Nang makapasok na sya nakita ko naman yung sinasabi nya. "Surprise!!" Sigaw ulit ni Gizel at may pakapit kapit pa kay Joaquin. Anong nangyayari? Akala ko ba magiging ok rin ang lahat? Anong klaseng 'magiging ok' na toh?! Nanikit yung mga mata ko at tumingin kay Ate Joana na nasalikod nila Gizel. Ayun nagkibit balikat sya. "Hi" sabi ko nalang syempre, mukhang kumampi na sya kay Gizel eh! At mukhang nilandi na ni Gizel nung araw wala ako Pero kilala ko si Joaquin, ayaw nya ako nasasaktan tuwing nakikita kong may lumalapit o kumakapit na babae sakanya, bakit..... Bakit ngayon? Sawa na ba sya saakin? Ayaw na nya ba? Sumuko na ba sya? Kasi ako hindi pa,kahit ako tong

