CHAPTER 2 SCHOOL MARKETING

1009 Words
Sa paaralan, bago magtapos ang araw ng pasukan ay nagkakaroon ng school marketing kung saan nag-iikot ikot ang mga faculty member nang paaralan sa iba't ibang paaralan sa mismong bayan. Para mang-alok sa mga mag-aaral kung ano at bakit maganda mag-aral sa aming paaralan. At dahil kami ni Ivan ang nanalo noon sa ginanap na paligsahan. Kami ang sinasama ng mga guro ng faculty para rito. Ngunit dahil sa nagdadalang tao ako heto at nasa room lang ako at si Ivan lang ang sinama. Nakaupo ako ngayon sa aking upuan at nagtitingin sa hawak kong cellphone. Medyo inaantok din ako ngayon dahil sa pagkabagot. "Anong gawa mo?" isang boses ng lalaki ang biglang gumising sa diwa ko. "Ikaw pala Kenneth. Wala naman natingin lang sa cellphone ko." "Halata sayo na may namimiss ka." "Sabihin na nating Oo?" "Hahaha see. Basta kunin mo akong ninong paglumabas yan." "Oo naman." "Halikana pumunta na tayo sa canteen prinsesa. Pagagalitan ako ni Ivan kapag hindi ka kumain ngayon." "Haha mandatory Pres?" "Oo mandatory iyon." with pout face. Tumawa lang ako sa ginawang kalokohan ni Kenneth kaya naman sumama nalang ako dito. Tumungo kami sa canteen ni Kenneth sakto naman nakasalubong namin si Trina na naglalakad na din patungong canteen. "Bhest saan ka galing?" "Uyy kayo pala. Galing ako sa labas ng gate dumating kasi si mommy pinadala ko kasi ang project ko sa journal namin. Mamaya kasi ito ipapasa." "Well tara na naghihintay ang iba." aya ni Kenneth. Pagdating sa canteen nagtatawanan sina Marie at Kaijoo. "I smell somthing fishy prinsesa." nakangiting wika ni Kenneth. "Tingin ko din malay mo soon." "Malabo." tanggi ni Trina. "Bakit?" sabay naming sagot ni Kenneth. "Kasi hindi talaga tipo ni Kaijoo si Marie. Reason? ex-girlfriend kasi siya ng kanyang pinsan kaya never daw niya papatulan." "Hindi mo masasabi yan kapag ang lalaki nagkagusto sa babae totoo yan at hindi mapipigilan iyon. Unless kung complicated ang sitwasyon ng babae. Pero dahil single si girl may chance hindi ba?" "Alam mo tol may respeto naman si Kaijoo sa pinsan niya. Iyan ang pagkakakilala ko kay Kaijoo." "Oo na sige na tol." "Ang dami niyong alam haha." singit ko sa dalawang nagbabangayan. Naglakad na kami patungo kela Kaijoo. Agad naman kami napansin ng dalawa na kanina ay nag-uusap at nagtatawanan. "Hi guys ang tagal n'yo anong oras na oh." reklamo ni Kaijoo. "O bakit? mas pumabor pa nga na mahuli kami ng dating." nakangising wika ni Kenneth. "Mga ngiti mo Pres. hindi mapagkakatiwalaan alam ko may ibig sabihin iyan." wika ni Kaijoo. "Tama na iyan mabuti pa Kaijoo bumili kana nang kakainin natin nagugutom na ako." wika ni Trina. "Okay sige." Umalis agad si Kaijoo dahil malapit na din ang oras ng pasukan para sa hapon. Habang nagkukwentuhan sa mesa namin inabutan ako ni Kenneth ng donut na dala niya. Isa ito sa paborito ko kainin ang bavarian flavor. Maya maya pa napasilip naman ako sa aking cellphone dahil sa nagtext. "Si Ivan pala." ani ko sa isip habang binubuksan ang mensaheng pinadala sa akin. Mahal xxxxxxxxxxx I love you kumain kana diyan. Pauwi na din kami. See you. Halos mapangiti ako sa message niya kasi naman miss na miss ko na siya idagdag pa ang pagkakilig ko. "Uyy bhest maya na harot kain muna. Ayoko masermonan ng asawa mo. Nag message pa sa akin haha." ani ni Trina na nakahalumbaba pa. Nagtawanan ang tropa dahil sa sinabi ni Trina at tawanan namin noon sa mesa hindi namin namalayan ang pagdating ng magkapatid. "Wow ang saya naman dito." wika ni Yugo habang bitbit ang tray na may laman nang pinamili. "Can we join?" masayang tanong ni Alice habang nakatingin sa akin. Ang lahat ay maligayang sumang ayon sa hiling ni Alice maliban sa isa, si Trina. Nakahalumbaba ito at nakatingin kung saan habang bahagyang nagmamaldita ang mga kilay. Nang makaupo ang dalawa sa harapan namin ni Trina "Grabe may bagyo daw ngayon." wika ni Trina habang biglang lingon nito kay Marie. Dumating naman si Kaijoo bitbit ang tray na laman nang mga inorder namin. Agad naman ibinahagi ni Kaijoo ang mga pagkain sa amin. "May bagyo ba ngayon?" pagtatakang tanong ni Kaijoo. "Oo meron may dala nga daw na malakas na hangin at ulan." "Pero wala kami nabalitaan." saad ni Kenneth. "Ay wala ba naku! hindi kasi kayo nanonood buti pa si Marie alam. Hindi ba Marie?" Halos magkanda bali bali ang braso ni Trina sa kaka siko nito nang palihim kay Marie. Mukhang na halata naman ni Marie ang ibig ipahiwatig ng kaibigan kaya naman sumang ayon nalang ito. "Ahh oo sabi nga sa balita." saad ni Marie habang nangingiwi ang labi sa pagngiti. "Parang ngiting Aso ah Marie." pang-aasar ni Kaijoo. "Hey mind your own business." galit na sagot ni Marie. "I haven't seen Ivan since earlier. Where is he Layka?" bungad na tanong ni Alice. "Ah nasa ibang school. Araw kasi ngayon ng marketing ng paaralan." sagot ko. "Marketing? for what?" "Every time the graduation month comes in this school there is something called marketing. That's a way to find new students to come in or become one of this school." paliwanag ni Kenneth. "Actually Ivan is a model here at our school, so he's the one being included. Layka is also one of the model but because she is pregnant she is here with us." dagdag pa ni Kaijoo. "Ow I see." nakangiting wika ni Alice. Napatingin naman sa akin si Yugo. Sabay ngiti ngunit hindi ko alam kaya naman binawian ko nalang ito ng ngiti din. Sabay sabay na kami kumain saka nagkakwentuhan hanggang sa sumapit ang oras ng pasok para sa hapon. Hindi din ako mapakali sa upuan ko. Lagi ako nakasulyap sa pintuan. Nagbabakasali na baka dumating na si Ivan. Kasi sobrang miss na miss ko na talaga siya. Napansin ko ang biglang pagtayo ni Trina. "Ma'am excuse. May.. may I go out?" "Okay." Agad na umalis si Trina sa kinauupuan nito saka naglakad para magtungo sa CR. Medyo nag-aalala lang ako ng kaunti sa beshsy ko dahil medyo kakaiba ang kinikilos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD