Chapter 17

1352 Words
Chapter 17 Bumalik si Monica sa opisina ni Sir Jack bitbit ang handbag na naglalaman ng kaniyang baon. Nadatnan niya ito sa loob ng kusina na kumukuha ng tubig sa refrigerator. Napansin ni Monica na ang dark blue coat na suot nito kanina ay basta na lang na hinubad at ipinatong sa likod ng upuan. Pumihit paharap sa kaniya ang boss at napatingin ito sa hawak niyang handbag. "Let's eat Monica." Simpleng paanyaya nito at naunang umupo sa hapag. Tumango siya at inilabas mula sa loob na handbag ang pagkain na ibinaon. Hindi alam ni Monica kung ano ang nasa loob ng kaniyang lunch box. Ang kaniyang ina ang nagluto kaninang umaga at ito rin ang nagbalot ng baon niya. Umupo siya sa katapat na silya nito. Inabot ni Monica ang isang tupperware na naglalaman ng baon niyang ulam. Binuksan niya ang takip ng tupperware ngunit dali-dali niya rin isinarado ang takip! Halos lumuwa ang mata niya nang makita ang laman ng lunch box. "What's wrong?" His forehead furrowed and looked at the lunch box she was holding. Umiling lang si Monica. Hindi alam ang gagawin. Bakit ganito ang ulam na pinabaon sa kaniya ng ina? Mama! nakakahiya! Hiyaw ni Monica sa isipan. Her boss’s forehead furrowed even more. "Is there a problem?" Umiling-iling lang ulit si Monica. Ramdam niya ang pawis na namumuo sa noo at leeg. Nakakahiya ang ulam na baon niya! Gusto niya mapaiyak na lang. He crossed his arms and looked at her like she's the weirdest thing in the world right now. "I want to see that." He was pointed to the lunch box she was holding. She shook her head again and tightened her grip on the lunch box. She didn't want to show what's within. "Monica." There was a threat in his voice. She was panicked and her hands were shaking. She wanted to run out of his office and never come back anymore. Ngunit hindi niya inaasahan ang mabilis na reflexes nito at mabilis nitong naagaw ang lunch box at walang atubiling binuksan ang takip. "Huwag Sir Jack!" Sigaw ni Monica ngunit huli na dahil nabuksan na ito ng tuluyan. "What the f**k!" Her boss hardly cursed! bumungad sa paningin nito ang binuro na hipon! Sir Jack frightening dropped the lunch box and quickly got up from his seat while his aristocratic nose was wrinkled and his eyes were widening with a startle. “What the f**k is that Monica!” He exclaimed Napatulala siya sa reaksiyon ng boss niya. Hindi alam ni Monica ang gagawin ng mga sandaling iyon kung matatakot ba siya dito o matatawa. Sir Jack's posture and his seriousness disappeared. Binuro na hipon lang pala ang katapat nito! She hardly bit her lower lip for trying to hold not to laugh. But she really couldn't help it. She burst out laughing! she laughs out loud. She laughed that she would think it never ends. "It's not funny Monica." He heaved out a sigh and back to where he had sat earlier. Ito rin mismo ang nagbalik ng takip sa lunch box. "N-nakakatawa kasi ang reaksiyon mo S-sir." Natatawa parin si Monica at nakahawak pa sa tiyan. Inilapat ni Monica ang dulo ng daliri sa gilid ng kaniyang mga mata dahil napaluha siya kakatawa. Napahinto si Monica sa pagtawa at tumikhim nang mapansin na matamang nakatitig ito sa kaniya. kumabog sa kaba ang puso ni Monica. Ito na naman si Sir Jack sa mga tingin nitong malalim at malamig. "Kain ka na Sir." Sabi niya at agad na sumandok ng ulam para dito. Alam niya na nakatitig parin ito sa kaniya ngunit hindi niya na lang ito nilingon pa. "Sorry about that dish, sir Jack. I didn't know what was inside the lunch box. Ang mama ko kasi ang nagbalot kanina ng mga iyon." Paliwanag niya rito. Mahirap na baka matanggal pa siya sa trabaho dahil lang sa binuro na hipon. "What was the name of that dish?" He asked and started to eat what she cooked. "Binuro na hipon ang tawag doon. Masarap iyon sobra pero hindi lang talaga katanggap tanggap ang amoy." Ngiwi pa ni Monica. Mabaho kasi talaga ang mga pagkain na binuburo. "Where did you learn how to cook?" Untag nito sa kaniya makalipas ang ilang sandali na tahimik ito." "Natuto lang ako sa bahay. Ang mama ko lang ang nagturo sa akin kung paano magluto mula noong bata pa ako." She said and can’t help but smile whenever she remember how patient her mother has been for her. Napansin ni Monica na maraming nakain ang boss niya sa mga iniluto niya. Pasalamat siya dahil pumasa sa panlasa nito ang mga pagkain na siya mismo ang nagluto. Napangiti siya sa isipin na iyon. "Do you often smiling alone?" He snapped her with a low husky voice. She blinked twice. "Is it bad if I smile alone?" Balik tanong niya dito. "Not that much. Just kinda creepy sometimes." He shrugged and drink his water on his bottled water. Tumikwas naman ang isang kilay ni Monica dahil sa huling sinabi ng boss niya. Tingin ba nito ay nasisiraan na siya ng bait? "Try to smile at least once. It's not that hard to smile at all." She then gave him her a sweetest smile. He just shook his head as if not interested in what she said. They continued with their lunch. May init na lumukob sa puso ni Monica dahil sa nakita niya ang isang tinatagong side ng boss niya. Tunay na mabait ang boss nila at marunong magpahalaga sa ginawa ng ibang tao para dito. ~~~ Kasalukuyan naglilipit si Monica sa sariling working table dahil malapit na siya mag-out nang bigla tumunog ang intercom sa gilid ng kaniyang cubicle. "Monica come here for a moment." Tinig ng boss niya galing sa intercom. "Right away Sir." Sa katunayan kanina niya pa ito hinihintay na lumabas ng opisina nito at umuwi na. Isang oras na ang lumipas ngunit hindi parin ito lumalabas ng opisina nito. wala ba ito balak umuwi? Kumatok siya sa pinto at binuksan iyon. Wala ito sa swivel chair nito. Nakarinig ng kalansing mula sa kusina si Monica. Lumapit siya sa b****a ng kusina at doon nakita ang boss niya na tila may hinahalungkat sa loob ng personal refrigerator nito. "Ano po ang hinahanap ninyo Sir?" Untag niya rito. Lumingon ito sa direksiyon niya at namaywang. "Will you cook our lunch again tomorrow?" Hindi niya ipinahalata na nagulat siya sa tanong nito. Instead she calmly approached him and glanced inside the refrigerator. Sa tingin niya ay gusto magpaluto nito ulit sa kaniya bukas ng lunch. "What do you want for lunch for tomorrow Sir?" Inabot niya ang papel at ballpen sa gilid ng side table para ilista ang mga bibilhin niya mamaya. "Let's go to the market." He bluntly said and walked out of the kitchen. Halos mabitawan ni Monica ang ballpen na hawak tama ba ang dinig niya sa sinabi ni sir Jack? Naiwan siya sa loob ng kusina na nakatulala at pilit na pinoproseso ang sinabi nito. Pumihit na rin siya palabas ng kusina at sinundan ito. "Where are we going, sir?" Nabingi yata si Monica ng panandalian. "I want to go out and go to the market tonight. Come with me Monica." He said to her as he took off the coat he was wearing and just threw it on the sofa. "Okay sir. aayusin ko lang po ang mga gamit ko." Saad niya at dinampot ang coat nito na inihagis sa sofa at inayos ni Monica ang pagsabit ng coat sa hanger. Pumasok muna siya sa walk in closet ng boss niya at isinabit doon ang coat. Paglabas niya galing sa walk in closet ay napansin niya si Sir Jack na matamang nakatingin sa bawat kilos niya. "I will wait for you outside sir." Tumalikod na siya at dali-dali inayos ang mga gamit niya. Sa isip ay ano ang bibilhin nila at ang lulutuin niya bukas. Secretary ba talaga trabaho na ipinasok niya o kusinera? Natawa na lang si Monica dahil sa naisip. Sana pala ay Chef na lang ang inaapply-an niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD