Chapter 15
Uminat si Monica at iginalaw-galaw ang balikat matapos i-saved ang document na ginawa. Tapos na ang araw ng trabaho niya. Maaga rin nag-out ang boss niya dahil may importante daw itong pupuntahan.
Naalala niya ang pinag-usapan nila ni Sena. Susubukan niya ang suggestion ng kaibigan. Magpapasama rin siya dito bumili ng ingredients para sa lulutuin niya bukas.
Pagkababa niya sa lobby ay naghihintay na ito sa kaniya. Kinawayan niya ang kaibigan at ngumiti rito. “Pwede mo ba ako samahan sa supermarket bes?”
Nagtataka man ay tumango na lang ito at umagapay sa paglalakad niya. “Bakit ano ang bibilhin mo?”
“Bibili ako ng lulutuin kong lunch para kay Sir Jack bukas.” Nahihiyang saad ni Monica.
Impit na tumili si Sena. Nagpa-linga linga siya sa paligid bago kurutin sa tagiliran ang kaibigan. “Huwag ka nga iskandalosa Sena!”
“Pasensiya na bes hindi ko lang mapigilan kiligin.” bulong nito habang nakatakip sa bibig ang mga kamay.
Naglakad lang sila papuntang supermarket dahil malapit iyon mula sa Hotel na pinapasokan nila.
Dumeretso agad sila sa meat section ng supermarket. Hindi pa alam ni Monica kung ano ang lulutuin bukas.
“Bes lutuin mo na lang yung specialty food mo. The best mong kare-kare!” Siko ni Sena sa kaniya habang abala siya sa pagtingin tingin sa paligid.
“Puwede naman. Kaya lang paano kung allergic si sir Jack sa peanut?” Wala sa sariling tanong ni Monica habang tulak ang pushcart.
Humagikhik naman si Sena sa tabi niya. Napatingin siya dito at tinaasan nang kilay. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?”
Lalong tumawa ang kaibigan. “Kasi bes sa guwapo at hot ba naman ng boss natin siguradong mahilig iyon kumain ng mani.”
Ngali-ngali niya ipasok ang kaibigan sa loob ng pushcart dahil sa kapilyahan nitong naisip. Hindi maiwasan mamula ang pisngi niya dahil sa kalokohan ni Sena.
“Puro ka kalokohan Sena! Hawakan mo itong pushcart at tatawagan ko si Mrs. Yson itatanong ko sa kaniya kung anong mga pagkain ang bawal kainin ni Sir Jack.” Mahabang saad ni Monica habang dinudukot ang cellphone sa loob ng bag.
“Mabuti pa nga at tawagan mo siya para malaman natin kung mahilig ba talaga kumain ng mani si Sir Jack.” Bungisngis nito habang tulak ang cart.
Napailing siya malapit niya na talaga putulan ng dila ang kaibigan. Tinawagan niya si Mrs. Yson at ipinaalam nito sa kaniya ang pagkain na bawal sa boss nila. Mabuti na lamang hindi kabilang ang peanut sa mga sinabi nito.
“I told you bes. Hindi allergic si Sir Jack sa mani. Kaya kung ako sa iyo ipatikim mo na ang masarap mong mani.” Pahabol na tukso nang kaibigan. Pakiramdam ni Monica puputok na ang mukha dahil sa pag-iinit.
Monica decided to cook kare-kare tomorrow for lunch. Sana naman magustuhan ni Sir Jack ang luto niya.
Papalabas na sila ng supermarket nang may lalakeng bumundol sa kanila. Sisinghalan sana ito ni Sena ngunit nabitin ang pagsasalita ng kaibigan dahil sa lalakeng nasa harap nila.
Malapad na nakangiti ito sa kanila ni Sena kitang-kita ang mapuputi at pantay pantay na ngipin nito. Mayroon itong maliit na dimples sa magkabilang gilid ng labi.
“J-jonas? Anong ginagawa mo dito sa Manila?” Manghang bulalas ni Sena.
Jonas Avilla kababata ito ni Sena sa probinsya ng Pangasinan. Madalas itong lumuluwas ng Maynila dahil sa negosyo ng pamilya nito.
“Kanina ko pa kayo hinahanap. Pupuntahan ko sana kayo sa trabaho ninyo. Pero nakita ko kayong naglalakad kanina sa tabi ng kalsada kaya bumaba agad ako ng sasakyan para sundan kayo. Ang bilis ninyo maglakad hindi ko kayo mahabol.” Hinihingal pa ito ng bahagya. Jonas turned to Monica and his eyes glistened.
“Hi Monica.” He greeted her and simply held his nape as if he was self-conscious.
“Kamusta ka na Jonas?” Ganting bati niya dito at ngumiti.
Naging malapit na rin siya kay Jonas dahil mabait itong kaibigan. Madalas rin sila bigyan nito ng pasalubong galing Pangasinan. Masayang kasama si Jonas. Mahilig kasi ito magbiro sa kanila ni Sena.
Ang Ama ni Jonas ay isang butihing Gobernador sa probinsya ng Pangasinan. Ang dinig pa ni Monica ay si Jonas ang napipintong papalit sa posisyon ng ama sa tamang panahon.
“Hoy uhugin! Tigil-tigilan mo ang kakatitig sa best friend ko baka matunaw iyan.” Saway ni Sena sa kababata.
Tumawa lang si Jonas at ginulo ang buhok ni Sena na dahilan ng pagsimangot ng huli. Guwapo si Jonas at malakas ang karisma. Moreno ito at katamtaman ang laki ng katawan halatang alaga sa gym.
“Ihahatid ko na kayo sa pag-uwi. I will be staying here in manila for a long time. I’m going on vacation here.” Kinuha nito ang mga bitbit nilang plastic bag.
“Wow! Buti ka pa bakasyon bakasyon lang. Iba talaga kapag rich kid!” Pagbubuska ni Sena dito. Tumawa lang si Jonas at binuksan ang trunk ng kotse nito at inilagay sa loob ang mga pinamili nila.
“It’s too early to go home. Do you want us to have dinner first?”Jonas offered them.
Natutuwa naman sumang-ayon si Sena. “Oo ba! Basta libre mo Jonas walang problema.”
Tumawa si Jonas sa pasaring ng Kababata. “Oo na, sige na libre ko nakakahiya naman sa iyo Sena. Let’s go Monica?” Lingon sa kaniya ni Jonas.
“Okay lang ba? Nakakahiya naman kung ililibre mo pa kami.” Nahihiyang ani niya rito.
“It’s okay, Monica. Don’t be shy. It’s just me.” Jonas said and he even smiled at her.
“Bes huwag ka na mag-alala! Maraming pera iyan si uhugin.” Bungisngis ng kaibigan na nasa loob na pala ng sasakyan ni Jonas. Wala na siya nagawa at sumakay sa rin sa loob ng kotse nito.
Sa isang restaurant sa loob ng mall sila dinala ni Jonas. Hindi naman matigil sa asaran ang dalawang magkababata.
Kumakain na sila nang biglang magtanong sa kaniya si Jonas. “Monica if you don’t mind, I just want to ask why you’re wearing a different uniform?”
Napatingin din siya sa suot na office attire na button-up long sleeve and pencil cut skirt. “I’m temporary personal secretary. Mrs. Yson the real personal secretary of our boss was in Canada. I am the one she chose to take her place. ” She shyly said.
“Bagay sa iyo. It’s make you even more beautiful Monica.” Jonas smiled genuinely and couldn’t help but to stare at her beautiful face.
Nag-init naman ang pisngi ni Monica dahil sa pagpupuri ni Jonas lalo na sa paraan ng pagtitig nito. Noon pa man ay napapansin ni Monica ang paghanga sa kaniya ni Jonas ngunit wala naman itong sinasabi sa kaniya tungkol doon. Marahil ay nahihiya ang lalake na umamin.
Humagalpak naman ng tawa si Sena at binatukan si Jonas. “Diyan ka magaling Jonas sa pasaring. Torpe naman!” Tawa pa ng kaibigan niya.
Hindi mapigilan matawa ni Monica nang subuan ng pagkain ni Jonas si Sena ng sunod-sunod. Namumula rin ang mga tenga ni Jonas dahil sa hiya marahil sa pagbubuking ni Sena.
Masaya silang nagpatuloy sa pagkain at panaka-nakang nagkukuwentuhan. Hindi parin nawawala ang masayang asaran nang dalawang magkababata.
Gabi na nang maihatid ni Jonas sila Monica at Sena at tinulungan pa siya ng dalawa ipasok sa bahay nila ang mga pinamili niya kanina sa supermarket.
Binati ni Jonas ang mga magulang niya. Kilala na rin ito ng mga magulang niya dahil madalas sila noon magkakasamang tatlo kapag may lakad. Nakipagbiruan naman si Sena sa kapatid niyang si Miguel.
Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya na rin umalis ang dalawa para umuwi. Mayroon condo unit si Jonas na pagmamay-ari nito at doon tumutuloy ang huli sa tuwing nasa Manila ito para magbakasyon.
Nasa sariling kuwarto na si Monica at kasalukuyan nag-aayos ng mga gamit at susuotin niya para bukas. She should be presentable in the eyes of the bosses tomorrow. This is the first time she will meet the executive directors and major stockholders of the company.
Kinakabahan man ngunit handa siya. Lahat ng ito ay itinuro na sa kaniya ni Mrs. Yson. She didn’t want the old woman to disappoint her. She must be proficient in the work entrusted to her.
~~~
Kinabukasan ay maaga pumasok si Monica sa opisina at gaya ng plano ay nagmadali siya magluto ng ulam at sinaing. May pagmamadali sa kilos niya ngunit sinigurado niyang masarap at maayos ang pagluluto.
Panay rin ang sulyap niya sa wall clock sa loob ng kitchen. Dalawang putahe ang niluto niya. Isang kare-kare at Salmon with lemon butter cream sauce.
Ang sabi kahapon sa kaniya ni Mrs. Yson ay paborito ni Sir Jack ang Salmon. Baka sakali hindi magustuhan nang kaniyang boss ang kare-kare at least mayroon itong pagpipilian na isa pang putahe.
Makalipas ang dalawang oras na pagluluto ay natapos na rin siya sa wakas. Hinubad niya ang apron na suot at inayos ang Black off-shoulder dress na suot at pinatungan nang Slim fit white Blazer jacket.
Lumabas na siya sa opisina ni Sir jack at tumungo sa sariling cubicle. Sinamsam niya lahat ng folder na hawak at inayos. Iyon ang mga kopya ng contract ng Big Hearts Foundation. Hopefully the signing will be successful. Dasal ni Monica sa isipan.