Chapter 40 Naiilang si Monica habang nakaupo sa dining chair at halos hindi niya magalaw ang pagkain na nakahain sa kaniyang harapan. Lumingon siya sa binatang katabi at napansin niyang maganang kumakain ito ng hapunan. Muli siyang sumulyap kay Mrs. Ricafort sa pangatlong pagkakataon. Tahimik itong kumakain at pasimpleng nagmamasid sa kaniyang kilos. Naiilang siya tuwing tinititigan siya ng ginang at panandalian na matutulala. Nang dumating ang mommy ni Jack ay pinagpawisan siya ng malapot at pakiramdam niya lalabas sa dibdib niya ang puso niyang nanginginig sa kaba. Pinakilala siya ni Jack bilang Girlfriend at malugod siyang tinanggap ng ina nito. Mrs. Queen Eloisa Ricafort was kind and a gentle woman but for some inexplicable reason Monica felt as if the lady already knew her. Base

