4th Smudge

1242 Words
HINIHILOT-HILOT ni Berrie ang balikat niyang nananakit habang naglalakad siya sa hallway papunta sa condo unit niya. Pasado sila ng mga kagrupo niya sa final thesis defense nila noong nakaraan. Kaya nitong buong linggong lumipas, inasikaso naman nila ang pag-bu-bookbind ng research papers nila. Idagdag pa ang graduation photo shoot nila. Iyon ang pinaka-enjoy para sa kanya. Kasunod niyon, inayos naman niya ang pagpapasa ng requirements for graduation. Ngayong araw, napirmahan na ng dean nila ang papel niya kaya wala na siyang problema. She was free now. Finally! May time na uli akong akitin si Nathan. I miss my baby so much. Sa sobrang busy kasi ni Berrie, hindi na siya nagkaoras para silipin si Nathan sa department kung saan ito nagtuturo. Hindi na rin siya nakakadaan sa condo nito kapag gabi dahil pagod siya at maraming inaasikaso. Saka naisip niyang exam week ng lalaki kaya hindi na rin niya ito inistorbo. Ngayong gabi, magpapahinga muna siya at magpapaganda. Tuloy ang pang-aakit bukas. Paliko na si Berrie papunta sa unit niya nang bigla siyang mapaatras at mapasandal sa dingding. Biglang nawala ang antok niya sa nakitang naghihintay sa tapat ng kanyang unit. Si Alexis! Hala! Bakit hinihintay ako ng reporter na 'yon sa unit ko? Nakakainis na ang matandang 'yon, ha! Dahil ayaw ni Berrie nang ma-ambush interview, isinuot niya ang kanyang white mask na may disenyo naman na mukha ni Baymax. For extra measure, inilabas na rin niya ang malaki at itim na sunglasses mula sa shoulder bag at isinuot iyon. Pagkatapos, dahan-dahan at tahimik siyang naglakad pabalik sa elevator. Balak sana niyang magpalipas na lang muna ng gabi kina Boo. Pagbaba ng eight floor, bumukas ang elevator at nagkagulatan pa sila ni Nathan. Ngumiti si Berrie at kumaway sa lalaki. "Hi, Sir." Kunot-noong tiningnan lang siya ni Nathan, saka ito sumakay ng elevator at tumayo sa tabi niya. "Gabi na, naka-shades ka pa? Saan ka ba pupunta?" "I'm going out. Ikaw?" "Papunta sana ako sa ninth floor." "Ah. That's my floor. May kakilala ka ba sa floor namin?" "Ikaw." "Ako?" "Bibisitahin sana kita sa condo mo," kaswal na sagot nito, saka inangat ang dalang mahabang paperbag na malamang ay naglalaman ng wine. "And give you a present." "Excuse me?" Nathan suddenly broke into a wide smile. "Lumabas na ang resulta ng test ko. Negative ako sa kahit anong sakit. I'm safe and clean. That's why I want to celebrate it with you." Kung normal na pagkakataon lang iyon, baka nagtatatalon na si Berrie sa tuwa. Bibisitahin pala siya ni Nathan na may dala pang wine. Pero ngayon, panghihinayang lang ang naramdaman niya. Naiinis na humarap siya sa steel wall ng elevator at marahang inuntog ang noo niya nang paulit-ulit. "Nakakainis naman. Bakit ngayon pa naisip ng reporter na 'yon na guluhin ako sa unit ko?" "May reporter sa unit mo?" gulat na tanong ng lalaki. "Oo," paiyak na sagot niya. Akmang iuuntog uli niya ang noo pero imbes na malamig at matigas na dingding, tumama siya sa mainit at magaspang na palad ni Nathan. Gulat na nilingon niya ito. "Sir..." "Namumula na ang noo mo so stop doing that," nakasimangot na saway ng lalaki sa kanya. "Kung may reporter sa unit mo, you can stay at my place for the night." "Huh?" Inalis ni Nathan ang kamay sa noo niya. Dumeretso rin ito ng tingin na parang sinasadyang iwasan ang nagtatanong niyang mga mata. "Kung gusto mo lang naman. Pero kung may lugar ka nang naiisip na pupuntahan, puwede namang ihatid na lang kita do'n." Sa bahay ni Boo o sa condo ni Nathan? Parang hindi naman mahirap magdesisyon. "Can I really stay in your place tonight?" excited na tanong ni Berrie. Tumango si Nathan. "Tinulungan mo 'ko kaya dapat lang na ako naman ang tumulong sa 'yo ngayon." Humarap na uli siya sa pinto ng elevator. "Okay, Sir. Mas safe nga kung sa unit mo muna ako mag-i-stay. Alam din kasi ng reporter na 'yon ang bahay ng PA ko. Kapag nalaman niyang lumabas uli ako ng building, baka sundan pa rin niya 'ko kina Boo." Tumango-tango ang lalaki, pagkatapos, pinindot nito ang number ng floor nito. "Then it's settled." Bumungisngis lang si Berrie. Finally, makakatapak na rin siya sa loob ng condo ni Nathan. Now, what should she do? She was so excited that she could feel the heat building up between her inner thighs. Calm down, Berrie, saway niya sa sarili. Don't be too obvious. Pero pagbukas pa lang ng elevator, nauna pa siyang lumabas kay Nathan. Pa-hum-hum pa siya at halos lumundag-lundag na habang naglalakad papunta sa unit ng lalaki. "Someone is excited," walang emosyong sabi ni Nathan. "Mukhang pinagsisisihan ko na ang pag-offer ko sa 'yo ng unit ko." Tinakpan lang ni Berrie ng mga kamay ang mga tainga niya at hindi niya nilingon si Nathan. "Wala nang bawian, Sir Nathan." Huminto siya sa harap ng unit nito at nakangiting humarap siya sa lalaki na nakapamulsa habang naglalakad palapit sa kanya. Itinago niya ang mga kamay sa likuran at kumurap-kurap bilang pagpapa-cute. "Open the door, Sir." Patagilid na sumandal si Nathan sa pinto, nakapamulsa pa rin habang binibigyan siya ng nagdududang tingin. "Miss Diaz, I hope you're not expecting a miracle to happen tonight. Baka ma-disappoint ka lang." Patagilid ding sumandal si Berrie sa pinto, paharap sa lalaki at nakahalukipkip habang nakatingala at binibigyan ito ng pilyang ngiti. "Maraming puwedeng mangyari between a man and a woman under one roof, Sir Nathan. Sigurado akong alam mo 'yon bago mo pa 'ko in-invite to stay in your unit for the night. Hindi mo naman siguro in-expect na palalagpasin ko ang gabing 'to para makuha ang gusto ko, 'di ba?" Tumaas ang isang kilay ni Nathan pero wala itong naging komento at lalong hindi rin nito itinanggi ang mga sinabi niya. Tahimik lang nitong binuksan ang pinto at itinuro ang loob. "After you, little girl." "You'll later realize that I'm no longer a little girl, Nathan," pilyang sabi ni Berrie, sabay kindat bago siya pumasok sa loob ng unit. Inilibot agad niya ng tingin ang loob ng unit nang bumukas ang mga ilaw. Well, halos pareho lang ang interior ng unit nila ni Nathan. Nagkaiba lang siyempre sa kulay ng mga furniture nila. Black, white, at red ang dominanteng kulay doon, halatang lalaki ang nakatira. Samantalang ang kanya naman, karamihan ay pastel colors. The rest, pareho na. Pareho? Napasinghap si Berrie, saka siya pumihit paharap kay Nathan. Sigurado siyang nanlalaki ang mga mata niya na ikinagulat ng lalaki. "We have the same interior. Meaning, isang room lang din ang meron dito sa unit mo?" Tumikhim ang lalaki bago humalukipkip at tumango. Straight face na naman ito. "That's correct. Gamitin mo muna ang kuwarto ko." Itinuro nito ang malaking pulang couch sa sala. "Do'n ako matutulog." "Puwede tayong magtabi sa kama," nang-aakit na sabi naman niya. Para na siyang pusang umuungol sa sobrang pagpapaliit ng kanyang boses. Idinaan na lang niya sa seductive smile ang medyo OA na pagpapaarte niya sa kanyang boses. Napalunok si Nathan. Pero nang ma-realize siguro nito ang ginawa nito, tumikhim uli ito at sumimangot para ipakita sa kanya na hindi ito nate-tempt sa offer niya. "Pahihiramin kita ng puwede mong isuot pantulog. Stay where you are. I'll be back." Napabungisngis lang si Berri nang halos patakbong pumasok si Nathan sa tingin niya ay kuwarto nito. Ah, so tinatablan na pala ng charm niya ang lalaki. Let's see kung sino ang unang bibigay, Sir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD