INIISIP na ni Berrie na magpakuha ng security. Hindi na siya komportable sa nararamdaman niyang nagmamatiyag at sumusunod-sunod sa kanya. The last time she felt that way, she had been followed by a stalker. Sa kabutihang palad, nahuli naman agad ang lalaki at tinigilan na siya pagkatapos niya itong ipahuli sa kanyang mga bodyguard. Nakakatakot din naman ang magkaroon ng taong sunod nang sunod sa iyo. "Berrie, this is my last warning," deklara ni Miss Ariella. "Tanggapin mo ang movie offer sa 'yo at i-renew mo rin ang kontrata mo." Naputol ang pagmumunimuni niya at dumako ang kanyang tingin kay Miss Ariella na kaharap niya sa mesa. Pinatawag siya nito sa opisina para sa importante raw na bagay. Kung alam lang niyang tungkol lang uli iyon sa movie offer, nagpanggap na lang sana siyang mas

