“YES! Yes! Wohooohhh!” pagbubunyi ni Tony. Hindi nito mapigilan ang mapatalon sa sobrang saya. “Sinagot ka na?” nagtatakang tanong ni Dan sa kanya. Huminto sa pagtatatalon si Tony. “Hind pa,” tugon nito. Nagkamot ng ulo si Dan, “Tsk, akala ko naman sinagot ka na! Kung makatalon ka naman parang papakasalan ka na!” anito. “Ang saya ko kasi, sa wakas pinansin din niya ako!” punong puno ng enerhiyang wika nito. Kumikislap pa ang mga mata habang nagkukwento. “At narinig ko pang hinahanap niya ‘ko. Sabi niya,’ Tony, nasaan ka na’?” anito habang kunyari ay ginagaya pa ang boses ni Kristina. “Hinahanap niya ‘ko! Effective ‘yong hindi ko pagpapakita sa kanya ng ilang araw. Na-miss niya ‘ko. Yohooohh!” Napatalon ulit ito. “Baka naman po mali ka lang ng dinig?” Napasimangot si Tony. “’Wag

