NASAPO ni Kristina ang kanyang dibdib. Hindi siya maaaring magkamali. Lumingon ang lalaki sa kanya with his smile na kay tagal na niyang hindi nakikita. "Hi Kristina," wika nito. She shook her head once more. Minumulto ba siya ni Tony? Bakit ito nagpapakita sa kanya? "Miss na miss na kita Tony, kaya siguro kita nakikita ngayon," hindi na niya napigilang maluha. "Parang totoo. Sana nga totoo na nandiyan ka. Gustong gusto na kitang mayakap." Napahagulgol siya. Nanlaki ang mata niya nang biglang maglakad si Tony palapit sa kanya. Bigla siyang niyakap nito nang napakahigpit. "Miss na miss na rin kita Kristina. Miss na miss na miss. Akala ko hindi na kita ulit makakasama, na hindi na ulit kita mayayakap." Wala nang salitang maipamutawi ang mga labi ni Kristina. Hinawakan ni Tony ang k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


