Hindi magawang magbitaw ng mag-ina habang nakasakay na sila sa kotse ni Tony at pauwi na sa San Marcos. Hindi rin maitago ni Tony ang saya niya para sa dalawang taong mahalaga sa kanyang buhay. Two years ago, nang magkahiwalay sila ni Kristina at nang bumalik siya sa US. Si Aling Loring ang naging karamay niya sa lungkot dahil sa pangungulila kay Kristina. Bilang pangalawang ina, hindi siya nito pinabayaan. Nang hilingin ni Aling Loring na makita ang larawan ng babaeng dahilan ng pagkawasak ng kanyang puso ay doon na nito napagtanto ng ginang na iyon pala ang anak niyang si Kristina. Kahit dumaan man ang maraming taon, kahit hindi na musmos ang kanyang panganay, makikilala at makilala niya ito. Bukod sa nunal nito sa may itaas ng labi at sa mg mata ni Kristina na nakuha niya sa ama nit

